END
There are many unexpected things that are bound to happen. Madalas ay hindi mo ito namamalayan. Bigla na lang na darating ka sa realisasyon at mapapatanong ka nang 'paano ba ito nangyari?'
Ako, simple lang naman talaga ang gusto ko noong una. Gusto ko lang makilala yung matagal ko nang crush. Ang iniisip ko lang noon, ang tagal ko na siyang crush pero bakit kahit pangalan man lang niya ay hindi ko alam? Kaya naman sinubukan kong kilalanin siya.
Gumawa ako ng mga paraang alam ko pero wala sa mga ito ang nagtagumpay. Ni hindi ko nalaman kahit course man lang niya. Sumuko na lang ako. Okay na ang lahat, natanggap ko na noon na baka hindi ko na talaga malaman ang pangalan niya, hindi ko na siya makilala at hindi na niya malalaman pa ang existence ko kahit kailan, na hanggang tingin na lang talaga ako sa kanya.
The thing is, mapaglaro talaga ang tadhana. Kung kailan unti-unti ko nang natatanggap ang lahat saka naman darating ang unexpected na pangyayari sa buhay ko.
Ang dating si Anonymous kong crush ay nagkaroon ng pangalan. His name is Nicholas Brian Tan. Luckier I am because we become close friends. Knowing him is enough; being close to him is too much.
Naging sobrang close kami to the extent na naging assuming ako. Akala ko talaga may something special nang namamagitan sa amin, mutual understanding kumbaga. Akala ko, label na lang ang kulang sa amin noon. Hindi pala.
Ang akala kong M.U namin ay isa lang palang malabong usapan. Mag-isa lang pala akong umiibig. Ako lang pala iyon lahat. Ilusyon ko lang pala ang mutual understanding namin. May girlfriend pala siya. May Jasmine pala siya.
Nasaktan ako. Sino bang hindi? Umasa itself ay masakit na, paano pa kaya ang paasahin? What's even worst is parehas ko iyong naramdaman kay Nick. Umasa ako sa kanya dahil pinaasa niya ako.
He made me believe with all his actions na wala namang basehan because he never said it. He never said he loves me, he never said he likes me. He's caring, he's sweet but he's lack of words that made me confuse.
Gusto ko siya, hindi— mahal ko siya. Umasa ako sa kanya dahil sa nararamdaman ko and because of that, I got broken. Nagalit ako sa kanya, nilayuan ko siya, naging bitter ako. Hiniling ko pa na sana hindi ko na lang siya nakilala. I thought doon na talaga matatapos ang lahat sa aming dalawa pero mali na naman ako.
Bigla na naman siyang sumulpot sa panahon na unti-unti ko nang natatanggap ang lahat. Kinulit na naman niya ako until I lose my grip. Pinatawad ko siya, naging magkaibigan ulit kami. Pakiramdam ko, sira na talaga ang ulo ko. Nalilito na naman kasi ako sa kanya. Sweet na naman siya, caring, tapos mas naging vocal pa siya sa akin. Naiinis ako noon sa kanya kasi bakit ganoon siya makitungo sa akin?
Magkaibigan lang kami.
Mas naiinis ako sa sarili ko. Alam ko naman kasi na ganoon talaga siya makitungo sa akin pero matigas ang ulo ko. Kahit ilang beses kong ipagsiksikan na huwag nang umasa, umaasa pa rin ito. Nakaka-praning kasi my mind vs. mind, heart vs. heart, at mind vs. heart ang naging takbo ng utak at puso ko.
Marami pang nangyari na hindi ko inaasahan. May mga bago akong nakilala, mga bagong natuklasan, at mga bagong na-experience. May mga bago akong naging kaibigan at may tao rin akong nasaktan. Iniisip ko na lang na normal ang mga ganoong bagay. Normal na mangyari ang mga iyon sa isang tao.
When Nick finally confess, parang nag-hesitate ako. I mean yes, masaya ako na mutual pala talaga yung feelings namin sa isa't-isa. Sa wakas, hindi lang ako nag-i-ilusyon. Pero mahirap pa rin kasing paniwalaan na he really feel the same way for me. I can't just easily believe na yung crush ko the day that I first saw him, gusto rin ako. Kaya kahit gustong-gusto ko siya, sinubukan ko munang mag-observe. To confirm, to know, and to feel kung totoo ba yung sinasabi niya.
Nung buo na yung desisyon ko, nung handa na ako, nung aamin na ako, naudlot naman ito dahil sa biglang pagsulpot ni Jasmine. Kinabahan ako, nainis, at natakot. Ayaw ko na maulit yung dati. Yung mag-assume na naman. Yung umasa na naman.
We talk, she confessed. Lahat pala nung akala ko noon kay Nick ay mali. Hindi niya ako pinaasa, he is true to his action. Gusto niya rin pala talaga ako. Kinailangan lang talaga ni Jasmine ang tulong niya.
Nagsisi ako, na-guilty rin. Bakit nga ba hindi ko hinayaang magpaliwanag si Nick? Bakit nga ba nag-conclude ako agad? Bakit hindi ko siya agad pinakinggan? Kung nagawa ko sana ang mga bagay na iyon, hindi na sana kami nasaktan parehas.
Pero mabait pa rin talaga ang tadhana. Mabait talaga si Lord. Binigyan pa rin kami nang chance ni Nick. Yung chance na iyon? Syempre, hindi ko na sinayang.
Who would have thought na yung dating pinapangarap ko lang, nakamit ko na? Ang dating Anonymous, kilala ko na. Siguro nga hindi pa namin totally nakikilala nang lubusan ang isa't-isa. May mga bagay pa kaming dapat malaman sa isa't-isa but whatever it is, I want to discover it. I am willing to accept it.
Nicholas Brian Tan, from anonymous to my aknownymous.
BINABASA MO ANG
Aknownymous
Teen FictionAng mga taong nakilala mo, totoo nga bang kilala mo na? Mukhang marami pang hindi alam si El Judie Espinoza tungkol kay Nicholas Brian Tan... xx Sequel of Anonymous.