12
Mag-isa kong nilalakad ang daan papunta sa next class ko. Hindi ko alam kung nasaan si Mieann. Mukhang may klase pa yata siya. Hindi naman kasi siya nag-text sa akin. If ever din naman na mag-text siya, may next class na rin ako kaya hindi rin kami magkakasama.
Ilang beses akong napabuntong-hininga dahil iniisip ko pa rin yung nangyari last Sunday. Sa lahat naman ng pagkakataon na makikita ko si Nick, bakit noong araw pang iyon? Isa pa, bakit ba pakiramdam ko may nagawa akong kasalanan sa kanya nung araw na 'yon?
Agad akong napailing. Nagsisimula na naman ako maging assuming at nag-o-overthinking na naman ako. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ako naiilang ngayon kay Nick. Yung mga simpleng gestures niya kasi hindi ko pa rin maiwasang mabigyan ng ibang kahulugan.
Napatingin ako sa pinto ng room kung nasaan ako. Parang ayaw kong pasukan ang klase ko ngayong period. Kaklase ko kasi ngayon si Nick tapos heto ako at napa-praning na naman. Wala naman akong masamang ginawa nung Sunday. Nagkita naman kami ni Ibarra accidentally kaya bakit ba masyado akong nag-aalala sa kung anong iisipin ni Nick?
"Excuse me?" Nawala ako sa malalim na pag-iisip nang makarinig ako ng isang matinis na boses. "I think you're blocking the door," sita niya. Mahinhin naman ang pagkakasabi niya pero halata mo ang pagtataray niya. Yung kilay niya nakataas pa sa akin habang maarteng nakalagay sa braso niya yung red bag niya.
"Sorry," sabi ko na lang at saka tumabi sa gilid. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa tapos inirapan ako sabay flip ng buhok bago tuluyang pumasok. Napabuntong-hininga na lang ako.
Papasok na sana akong room nang may humarang sa pintuan. I look at his shoes up to his face. Parang kanina lang ako yung tinitignan from head to foot. How ironic. Pagtingin ko sa mukha ng nakaharang sa pintuan, hindi na ako nagulat pa. From his shoes, to his body and his scent, kilalang-kilala ko siya.
"Nick!" bulalas ko. Nagpanggap akong nagulat.
"Ayos ka lang?" tanong niya. Lumingon siya sa mataray na babaeng pinatabi ako sa pinto kanina.
"Ha? Oo naman. Bakit?" sabi ko.
Hindi siya nag-abalang sagutin ang tanong ko. Tinignan niya at sinipat-sipat ang braso ko.
"I reserved you a chair," sabi niya.
**
Magkatabi kami ngayon ni Nick dahil sinigurado niyang dapat ay magkatabi kami. Nagdi-discuss yung instructor namin at nakikinig naman ako subalit uneasy ako dahil panay ang tingin sa akin ni Nick. Kanina ko pa napapansin na parang may gusto siyang sabihin sa akin ngunit hindi niya masabi.
Hindi na ako nakatiis at tuluyan ko siyang nilingon. Mukhang nagulat pa yata siya sa ginawa ko dahil nakita kong nanlaki yung singkit niyang mata.
"May gusto ka bang sabihin? May dumi ba ako sa mukha?" Pinunas-punasan ko ang mukha ko. Baka mamaya may uling ako or something sa mukha na hindi lang niya masabi dahil nahihiya siya.
Tumikhim siya bago nagsalita.
"Ano..." Lumunok siya at napapikit. Ilang segundo bago ulit siya nagsalita. "Boyfriend mo ba yung kasama mo last Sunday?" mahina ang pagkakasabi niya pero rinig na rinig ko iyon at parang paulit-ulit na nag-echo sa tenga ko. Ilang ulit akong napakurap.
"Ha?" tangi kong nasabi. Kahit narinig ko yung sinabi niya, 'yon lang ang nakayanan kong sabihin. Yung puso ko ay dumadagundong at parang umatras yata yung dila ko.
Mariin siyang napapikit na parang naiinis.
"Nung Sunday. Yung lalaking kasama mo. Ano mo siya? Boyfriend. Mo. Ba?" putol-putol niyang tanong.
"Si Ibarra?" Tumango siya kaya agad akong umiling. "Huy, hindi, ah!" pagtanggi ko.
"Suitor?" tanong niya. Ang mata niya'y nakatingin sa akin. Tumawa akong pilit at nagpaypay gamit ang kamay ko.
"Hindi, ah. Kelan ka pa naging malisyoso?" depensa ko.
Bakit ba siya nagtatanong ng mga ganitong bagay? Nakakailang kaya!
"Bakit kayo magkasama? Paano kayo nagkakilala?" sunod-sunod niyang tanong. Feeling ko tuloy nasa hot seat ako.
"Ikaw? Kasama mo ba si Jasmine nung araw na 'yon? Nag-date ba kayo?" Gusto ko sanang itanong pero pinili kong sagutin na lang ang tanong niya.
Baka isipin pa niya affected pa rin ako sa relationship nila. Saka hangga't maaari, I want everything to play it cool. Kahit pa may epekto pa rin sa'kin si Nick, alam ko naman kung saan ako lulugar.
"Aksidente kaming nagkita tapos classmate ko siya sa isang subject," paliwanag ko. "Teka nga, bakit ba tanong ka nang tanong?"
Ano bang pakialam niya? Wala naman masama kung magkasama kami ni Ibarra.
"Curious lang," sabi niya kasabay ang pagtaas ng kanyang balikat.
"Okay?" sabi ko na lamang para matapos na ang usapan.
Hindi na rin naman siya sumagot pa. Natuon na ulit ang atensyon ko kay Ma'am. I mean, pilit ko na lang itinutuon ang atensyon ko kay Ma'am. Hindi kasi talaga ako makapag-concentrate ng maayos kapag katabi ko si Nick.
"Lj," tawag niya. Agad ko siyang nilingon.
Siya lang talaga ang tumatawag sa akin sa gano'ng pangalan na nakasanayan ko na lang din. Pilit kong tinatago ang ngiti na gustong kumawala sa labi ko. May sinabi siya pero hindi ko naintindihan, ni hindi ko nga narinig.
"Ha?" tanong ko. Ngumiti naman siya.
"Sabi ko, ilibre mo naman akong pizza," sagot niya.
“Sa akin ka pa nagpalibre?” sabi ko sabay tawa ng pilit. Doon ka magpalibre sa girlfriend mo!
"Sige, ako na lang manlilibre sa'yo," aniya, nakangisi pa. "After class, game?" Nawala yung ngiti niya nang makita niyang parang nagdadalawang-isip ako sa isasagot ko.
"Ano kasi... Maaga akong uuwi after class," palusot ko. Totoo naman yung sinabi ko. Maaga talaga akong uuwi. Maaga na lang akong uuwi.
Isa pa, parang 'di naman yata tama na yayain niya ako nang ganito. Ayoko na ulit magkaroon ng malisya sa lahat ng mga pinapakita niyang gestures.
Kung maka-asta siya sa akin ngayon, parang wala siyang girlfriend. Sobrang friendly na naman niya sa akin.
"Gano'n ba?" sabi niya sa dismayadong tono pero ngumiti pa rin siya. "So, next time na lang?" Tumango na lamang ako para matapos na ang pangungulit niya.
Bahala ka sa buhay mo, Nicholas. Hindi mo na ko madadala ulit sa mga gan'yan mo.
**
"Okay, class, you may go," anunsyo ni Ma'am matapos na mag-bell.
Agad naman naghanda yung mga kaklase ko para makalabas. Natapos na naman ang klase ni Ma'am nang wala akong masyadong naintindihan.
"Lj." Nasa harapan ko si Nick at sukbit ang bag niya. "Una na ako. Basta ha? Next time na ayain kita mag-pizza, iti-text na kita agad para 'di ka na makatanggi," sabi niya. Umalis din naman agad siya pagkatapos niyang magpaalam.
Hanggang makalabas siya'y nakasunod akong tingin sa kanya. Is it really okay na maging magkaibigan ulit kami? Nagsisimula na naman siya sa sweet gestures niya sa akin at hindi ko na alam kung paano ba ako magri-respond ng tama.
Ayaw ko na maging assuming at umasa na naman sa wala. Dapat kong isiksik sa utak ko na hindi na dapat ako magpadala sa lahat ng gestures niya. Gano'n na kasi talaga siya makitungo sa akin.
Dapat akong gumawa ng distansya sa aming dalawa. Ayaw ko na ulit umasa sa wala. Lalo na't alam kong may girlfriend siya. Ayoko makasira ng relasyon.
Yes, I still have feelings for him at ewan ko ba kung bakit ayaw nitong mawala but I do believe time will help me move on. Masayang mabigyan ng pag-asa pero masakit umasa sa wala.
It's better to be broken than hope for nothing.
BINABASA MO ANG
Aknownymous
Novela JuvenilAng mga taong nakilala mo, totoo nga bang kilala mo na? Mukhang marami pang hindi alam si El Judie Espinoza tungkol kay Nicholas Brian Tan... xx Sequel of Anonymous.