ALL CLEAR

344 23 0
                                    

26

"Nick, pwede bang mag-usap—" bungad ni Jasmine nang makalapit sa amin.

Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil pinutol agad ito ni Nick. Saglit niya akong tinapunan ng tingin bago muling ibinalik ang tingin kay Nick.

"What are you doing here? Paano ka nakapunta rito?" tanong ni Nick sa kanya. He seems bothered.

Ganito na naman ba? Hindi na naman ba nila pansin yung presence ko rito? Kung kelan naman aamin na ako tsaka naman dumating si Jasmine. Lagi na lang wrong timing. Kung kelan ayos na kami ni Nick at nagkakamabutihan na, saka na naman siya i-eksena? Napaka-unfair naman ng ganito. Parang gusto kong maiyak. Umasa na naman ba ako sa wala? Magkakabalikan na ba ulit sila?

Pinilit kong kalimutan yung chat sa akin ni Jasmine nung isang gabi dahil ayaw kong magpa-apekto sa inabi niya. Ex girlfriend naman na kasi siya ni Nick. Ni hindi ko na nga pinaalam kay Nick ang sinabi ni Jasmine sa akin sa chat.  Akala ko kapag hindi ko pinatulan ang sinabi ni Jasmine, matatapos na ang lahat at hahayaan niya na lang kami ni Nick. Hindi pala. Ngayon nag-effort pa siyang puntahan si Nick dito para lang makipagbalikan.

"Lj, saan ka pupunta?" Narinig kong tanong ni Nick.

Napagdesisyonan kong iwanan na muna silang dalawa dahil nga gustong makipag-usap ni Jasmine sa kanya. Wala naman akong magagawa dahil nandito na si Jasmine. Saka kung talagang sincere sa akin si Nick, hindi na siya papayag sa gusto pang mangyari ni Jasmine.

"Babalik muna akong cottage," mahina kong sagot.

"Wait, Judie." Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Jasmine. Natigilan ako at nilingon siya. "I want to talk to you."

Sa akin? Sa akin niya gustong makipag-usap? Wala sa sariling tinuro ko yung sarili ko. Tumango siya. Sigurado ba siyang sa akin niya gusto makipag-usap? Akala ko kay Nick.

"Sa akin mo g-gusto m-makipag-usap? Akala ko kay Nick?" sabi ko.

"No, actually, sa'yo ko talaga gusto makipag-usap." Malambing talaga yung boses niya. Kahit saang anggulo, maganda talaga siya. Binalingan niya si Nick. "If you'll excuse us…"

"What?! Anong kailangan mo kay Lj, Jaz? Don't bother her," protesta ni Nick. Lumapit siya sa akin at iniharang ang katawan niya sa akin. Kinalabit ko ang likod niya.

"Sige na, Nick. Iwan mo muna kami."

"Pero Lj…"

"May dapat ka bang ipag-alala? You don't have to worry dahil mag-uusap lang naman kami," sagot ko sa kanya. Nakita kong bumuntong-hininga siya as a sign of defeat.

Bago siya umalis ay ipinatong niya ang kamay niya sa balikat ni Jasmine. Tinitigan niya si Jasmine at ngumiti ito sa kanya. May kung anong pait akong naramdaman sa sistema ko.

"Please be good to her, Jasmine." Narinig kong sinabi ni Nick sa kaniya. Tinapik-tapik ni Jasmine ang kamay ni Nick na nakapatong sa balikat niya bago kami tuluyang iniwan ni Nick.

Parang numipis yung hangin na nalalanghap ko. Hindi ako mapakali na kaming dalawa na lang ang naiwan ngayon. Hindi ko alam ang sasabihin.

Ang awkward.

"Hi, Judie, how are you?" paunang-salita niya. She seems so calm habang ako ay tense na tense.

"Okay naman?" I managed to say. "Anong gusto mong pag-usapan?"

"Gusto ko sanang mag-apologize." Nangunot yung noo ko.

"Apologize? Bakit? Para saan?"

"Matagal ko na gustong mag-apologize sa'yo. I just can't find the right time. Lagi na lang kasing wrong timing." Lalo lang nangunot yung noo ko. Hindi naman niya sinagot yung tanong ko.

AknownymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon