TAGGED

549 38 6
                                    

07

"Alam mo, may something sa atmosphere nung kinanta n'yo ni Nick yung last song kanina.” Napalingon ako sa sinabing 'yon ni Tin.

Kasalukuyan kami ngayon nasa backstage at naghahanda na sa pag-uwi. Nauna nang umuwi yung magkapatid na sina Nick at Collo sa amin dahil mukhang may lakad pa. Buti na lang.

"H-ha?! Anong atmosphere ka r'yan?" pagmamaang-maangan ko.

"Basta, yung feeling na parang thru that song kayo nag-usap. Parang gano'n? May hindi ba kayo pagkakaintindihan ni Nick?" Kulang na lang taasan ko siyang kilay ngayon sabay takbo. Bakit ganito mga tanong niya?

"Ha? W-wala, ah!" Nag-wave pa ako ng dalawa kong kamay sa harapan tanda ng pagtanggi.

"Hiwalay na ba kayo? Ah, kaya siguro nasabi ni Collo na pamilyar ka sa kanya kasi, 'di ba girlfriend ka ni Nick?” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Gusto ko na takpan ang bibig niya dahil kung anu-anong lumalabas na salita mula rito. Napatingin ako sa paligid.

"Saan mo napupulot 'yang sinasabi mo, Tin?” pilit akong tumawa para kahit paano mabawasan ang discomfort ko.

"Hindi ba kayo? Akala ko kayo ni Nick, eh?" Marahas akong umiling.

"Hindi, ah. Fake news 'yan. Walang kami, 'no?" tanggi ko. Napakamot siya sa ulo niya

"So ano palang mayro'n sa inyo nung times na lagi ka niyang hinihintay 'pag uwian no'n? Tapos yung pahatid-hatid niya sa room?"

"Paano mo nalaman 'yon?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Hindi mo ba ako naalala? Classmate mo kaya ako sa isang subject last sem!" Pilit kong inalala kung saan kami naging magkaklase pero sumakit lang ang ulo ko sa kaka-isip.

"Sorry, 'di kasi ako matatandain. Saan ba tayo naging magkaklase?" Nakita ko ang pag-ngiwi niya sa tanong ko.

"Ay, grabe siya. Nakaka-hurt kang feelings, ha. Classmate tayo sa Bio12 lecture last sem. One time pa nga nakatabi kita, eh. Nagtanong ako noon kung may naka-upo sa vacant seat sa tabi mo. Naka-earphones ka no'n at panay ang humming mo habang nakangiti," kwento niya.

Naalala ko na! Siya yung classmate kong nag-approach sa akin dati kung may naka-upo ba sa tabi ko. Nung time na iyon, LSS na LSS ako sa kantang Introducing Me na kinanta sa akin ni Nick.

"Ikaw 'yon?! Yung reddish yung buhok na tumabi sa akin no'n?" Sinimangutan niya ako.

"Oo, ako 'yon. Ilang beses kaya akong nag-try sa'yo makipakaibigan kasi ang cool mo sa paningin ko pero mukhang 'di mo naman feel na makipag-friends sa iba."

"Uy, hindi naman sa gano'n. Kasi hindi ko naman alam na may gusto pala sa akin makipagkaibigan."

"Bakit naman hindi? You seem nice naman, ah? From now on, friends na tayo, ha?" Tumango ako bilang sagot.

**

Hindi na nasundan pa ang pagkanta ko sa bar nila Mieann. Hindi na rin naman nangulit si Mieann tungkol doon dahil mukhang na-guilty siya sa naging pagkikita namin ni Nick sa bar nila.

Ngayon ay kasama ko siya sa school at kakatapos lang namin magpa-enroll dahil malapit na naman ang pasukan. Mabuti na lang talaga at nakakuha ako ng full scholarship sa school. At least, wala akong problema sa tuition ko plus sagot pa ng school yung monthly allowance ko. Ang problema ko lang talaga ay yung other expenses ko pero dahil nakaraket naman ako nung summer, may ipon ako kahit papaano.

"Ilang subjects tayo classmates? Last year na natin sa college, finally!" masayang sambit ni Mieann. Kasalukuyan kaming nakaupo sa isa sa benches na nandito sa pathway ng Engineering building.

AknownymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon