ONE WEIRD GUY

481 31 3
                                        

09

"Ano?!" bulalas ni Mieann.

Napalabi na lang ako at napangiwi sa naging reaksyon niya. Kung siya nga ay nagulat at mukhang hindi makapaniwala, ano na lang kaya ako? Hindi ko talaga in-expect na magiging kaklase ko si Nick sa isang subject.

"Anong gagawin ko ngayon, bes? Gusto ko na yatang lumipat ng klase. Eh, kung i-drop ko na lang kaya?" suhestyon ko kay Mieann. Tumaas ang kilay niya.

"Gaga! Alam mo namang hindi na pwede 'yon. Hindi naman tayo yung namili ng schedule. Saka sayang naman kung ida-drop mo yung subject mo, 'no? Hindi papayag ang registrar na mag-drop ka ng subject dahil bukod sa ang school ang may sagot sa tuition mo, hahanapan ka rin nila ng valid reason kung bakit mo ida-drop yung subject. Bakit madi-dare mo bang sabihin na..." Umupo siyang tuwid at ginaya kunwari ang boses ko. "Sorry, I need to drop my subject because Nicholas Brian Tan is my classmate." Umirap siya sa akin nang makita niya ang reaksyon ko. "Valid reason ba yung gano'n? Tingin mo?" Umiling ako.

"Oo na, hindi nga 'yon valid reason. Alam ko naman na napaka-stupid ng reason ko. Hindi mo na kailangan ipamukha," pagda-drama ko.

"Bes, tiisin mo na lang. 2x a week lang naman kayo magkikita sa klase n'yong dalawa. Saka, 'di ba pangarap mo naman ito noon pa man?"

"Oo, pero noon pa 'yon! I'm over it. I don't like that idea anymore."

"Alam mo, bes, why don't you just let things happen naturally? 'Wag ka na nga masyadong praning sa kanya. Binibigyan mo lang ng problema ang sarili mo, eh. 'Di mo ba pansin? Si Nick mukhang hindi na affected. Dapat nga siya 'tong mahiya sa'yo at ma-paranoid dahil siya yung may atraso sa'yo, eh."

Tama nga naman si Mieann. Bakit ba lagi na lang akong napa-praning kapag nandiyan si Nick? Maybe this is the time na kailangan ko na talaga tanggapin at ibaon sa limot ang lahat.

Ako rin naman kasi ang nagsa-suffer sa sitwasyon namin. Lalo na ngayon na 'di ko na talaga maiiwasan na magkita at magkasama kami sa isang lugar dahil nga magkaklase kami. Wala akong ibang choice kung hindi magpanggap na hindi affected just like how unbothered he is when he's around me.

But can I really do it? I know how traitor my heart is.

**

Sa sumunod kong klase ay ako yata ang pinakamaaga dahil ako pa lang mag-isa ang nasa classroom.

Mayamaya pa, may isa pang lalaki ang bigla na lang pumasok. Moreno siya at may malalalim na mata. Tingin ko may lahi siya dahil kitang-kita
'yon sa physical features niya. Well built ang katawan at matangkad din siya pero mas matangkad pa rin si Nick sa kanya.

Nagulat ako nang bigla siyang tumabi sa akin pero hinayaan ko na lang dahil baka naman dito ang pwestong gusto niya. Awkward nga lang dahil magkatabi kami samantalang ang daming vacant seats tapos kaming dalawa lang ang nandito sa room. Nakatingin siya sa harapan samantalang ako, hindi ko alam kung saan ako babaling.

"Classmate tayo?" biglang tanong niya sa malalim na boses. Nagulat ako sa biglang pagsasalita niya at mukhang nakita niya ang reaction ko dahil pagtingin ko sa kanya ay nakatingin siya.

"Ah, oo," tipid kong sagot. Hindi ko alam kung ano pang idudugtong ko. Unang-una, bigla na lang niya ako kinausap. Pangalawa, bakit niya tinatanong ang bagay na obvious naman?

"I'm Ibrahim Malik, Ibarra for short," pagpapakilala niya. Ganito ba siya ka-bored para kausapin ako? "What's your name?"

"El Judie Espinoza," sagot ko na lamang kahit ilang na ilang ako.

"Nice to meet you, Judie," sagot niya sabay ngisi. Oo, ang gwapo niya pero bakit feeling ko ang creepy niya? "I'm a fan," simpleng dugtong niya. Nangunot ang noo ko.

"You're kidding," tanging nasabi ko matapos ang ilang segundong pananahimik.

"No, I'm not. Why would I? Anong benefit ang makukuha ko sa pagsisinungaling?" tanong niya at nilingon ako. Natameme ako at umiling-iling siya. "I'm really a fan of yours. Madalas kitang mapanuod dati sa bar na kinakantahan mo. 'Di ba nga umalis ka ro'n pero lately kumanta ka ulit doon?"

Aba, mukhang suki itong lalaking 'to sa bar nila Mieann.

"Thanks then?" I finally said. Tinitigan niya ako and I feel uneasy the way he looks at me. Para akong malulunod sa paraan ng pagkakatitig niya at medyo nawiwirdohan na rin ako sa kanya.

Mahabang katahimikan ang nangibabaw sa classroom. Hindi ko na matagalan ang titig niya sa akin kaya naman umiwas na akong tingin. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"You're cute. I like you," sambit niya. Dahil sa sinabi niya'y muli ko siyang tinignan.

Sa harapan na siya nakatingin at hindi na siya nag-abala na muli akong tignan. Nagdadatingan na rin ang iba pa naming mga kaklase. Umiingay na rin ang classroom pero ang mga mata niya, nanatiling nakatingin sa harapan.

I guess, he doesn't mean what have he said or maybe nagkamali lang ako ng dinig kanina. Ayaw ko na maging assuming. Natuto na ako.

**

"Okay, class dismissed. Prepare for the quiz next meeting. You may now go," anunsyo ng instructor namin.

Nakita ko ang pagngiwi ng ilan kong kaklase. Maski ako ay hindi maiwasang manlumo. Hindi kasi madali yung lesson niya ngayon. Kailangan ko talagang mag-aral.

Paalis na ako sa pwesto ko nang bigla na lang iharang ni Ibarra ang sarili niya sa daraanan ko. Muntik pa akong mabunggo sa dibdib niya sa gulat. Tinignan ko siya. Hawak niya ang batok niya at alanganing ngumiti. Hindi ko na naitago ang pagkunot ng noo ko.

"Ah? May kailangan ka pa ba?" lakas-loob kong tanong.

"Look, about what I've said an hour ago..." Kinamot niya ang noo niya at parang hirap na hirap siyang magsalita. Then, he looks straight into my eyes. "I am serious. I like you," anunsyo niya at mabilis akong tinalikuran.

Maka-ilang beses ko yatang kinurap ang mga mata ko. Hindi mag-sink in sa utak ko ang sinabi ni Ibarra. Wala na siya sa harapan ko pero hindi pa rin ako makakilos.

"He likes me?!" wala sa sariling bulalas ko.

Napabuga ako ng hangin sa ere. Hindi ko alam kung paano magri-react sa pinagsasabi niya. Akala ko snob siya pero ibang klase pala ang trip niya. Malakas pala ang saltik niya at ako pa talaga napiling pag-tripan. Hindi kapanipaniwala ang sinasabi niya.

He likes me? Siguro as a singer? Sabi niya kasi fan ko raw siya.

Iiling-iling na lang ako nang makabawi sa sinabi niya. He got me there.

He likes me? Big word!

AknownymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon