04
"May iba ka bang inaasahang tatawag sa'yo? Mukhang na-disappoint ka yatang ako yung tumawag, ah?"
Pwede kayang magpakain na lang ako sa lupa?
"Ah... Eh... Ano kasi... Kasi ano..." Ilang ulit yata akong napamura sa utak ko dahil para akong siraulo na hindi makapag-compose ng matinong sasabihin. "Unexpected lang kasi." Nakarinig ako ng mahinang pagtawa sa kabilang linya.
"Ikaw talaga, Judie. Anyway, kaya nga pala ako napatawag because I heard nag-quit ka na sa work mo?"
Mukhang may idea na ako kung bakit siya napatawag pero I wonder kung paano niya nalaman agad na wala na ako sa trabaho ko. Kahapon lang ako nag-quit. Ni hindi ko pa nga nasasabi kay Mieann na wala na akong trabaho.
"Oo eh, kahapon lang," sagot ko na lang. Hindi ko na tinanong pa kung paano niya nalaman ang tungkol sa pagku-quit ko sa trabaho baka mamaya iba pa ang isipin ni Mienard.
Para sa akin, unusual talaga na tumawag sa akin si Mienard. First time kong magkaroon ng conversation sa kanya over phone. Nagkagusto ako kay Mienard dati na inamin ko naman kay Mieann dahil na rin sa pangungulit niya.
Isa sa mga wish ko noong pinapantasya ko pa si Mienard ay ang tawagan niya ako. Gusto ko nga rin dati, text mate kami. May number niya ako noon na bigay ni Mieann pero never ko siyang tinext. Nahihiya kasi ako.
Ngayong magka-usap na kami thru phone call, I feel weird. Hindi ko alam kung anong mararamdaman. Yung dating hiniling ko, nangyayari na.
"So since wala ka na roon, baka pwedeng balik ka na lang sa bar namin? Mieann really wants you to be back here. Actually, siya talaga naki-usap sa akin na kung pwedeng bumalik ka na lang. Ayaw daw kasing tumalab ng charms niya sa'yo so baka raw sa akin tumalab."
Ano raw? Aba! Loka talaga si Mieann! Mukhang seryoso yata talaga sa sinabi niya. Pinagkakanulo na niya ako sa kuya niya!
"Eh..." Wala na akong masabi. Ang awkward! Bakit feeling ko ang init at nasa hot seat ako? Yung dila ko, nag-malfunction na yata.
Nakarinig ako ng mahinang tunog sa kabilang linya. Mukhang may kasama yata si Mienard. Baka si Mieann 'yon. Narinig kong tumawa na naman siya.
"Uy, biro lang, na-speechless ka na r'yan," natatawang sambit niya. "So, ano nga? Sige na naman kahit one time lang. Ngayon lang please. Nagkasakit kasi yung nakuha naming vocalist. Nilalagnat siya at paos. Hindi naman pwedeng i-postpone yung pagkanta niya kasi organize na yung buong set-up. Besides, alam mo naman na isa 'yon sa highlights ng bar namin, 'di ba?"
Grabe, kung sa salestalk pa, nadala na ako sa mga salita nitong si Mienard. Ang lakas niyang pangumbinse.
"Eh, kailan ba?"
"Mamaya na sana," tipid niyang sagot.
"Ha?! Agad-agad?!"
"Yes, Judie so it's like a matter of life and death situation and you are our only hope at the moment."
Napakamot ako sa ulo ko. Grabe naman yung pami-mressure nito.
"Grabe yung life and death situation, ah," reklamo ko.
"Totoo nga. We are running out of time. Wala na rin naman kaming ibang maisip kundi ikaw. So sige na naman, kahit mamaya lang."
"Eh, ano kasi..." Wala akong maisip na dahilan para makatanggi. Hindi naman sa ayaw ko na bumalik doon. Sa totoo lang, miss na miss ko na nga ang pagkanta ko ro'n.
Ang inaalala ko lang talaga ay ang makita si Nick. Hindi naman malabong nandoon siya. Sa pagkakaalam ko close din sila ni Mienard dahil best friend niya ang kuya ni Nick. Baka kasi mamaya nandoon din pala si Nick at siya yung kasama nilang tutugtog.
BINABASA MO ANG
Aknownymous
Fiksi RemajaAng mga taong nakilala mo, totoo nga bang kilala mo na? Mukhang marami pang hindi alam si El Judie Espinoza tungkol kay Nicholas Brian Tan... xx Sequel of Anonymous.