DEEP

383 24 0
                                    

24

Linggo ngayong araw. Maaga pa lang ay hinanda ko na ang mga gamit ko dahil mayamaya lang ay susunduin na nila ako rito. Kakatawag lang ni Mieann at on the way na raw sila. Hindi tuloy ako mapakali sa upuan ko. Kung dahil ito sa kaba o excitement ay hindi ako sigurado.

"Oh, sa'n punta mo? Aga-aga bihis na bihis ka?" bungad sa akin ni Jude nang makita niya ako sa sala at ang nakahanda kong bag sa sofa.

"May swimming akong pupuntahan. Sama ka?" tanong ko sa kanya. Okay lang naman kasi kila Mieann na isama ko si Jude. Pinagpaalam ko naman siya. Baka kasi gusto rin niyang sumama.

"Malaki ka na, kaya mo na 'yan," sagot lang niya. Agad niya akong tinalikuran at dumiretsong kusina. Bakit nga ba tinanong ko pa? Alam ko naman na hindi sasama ang isang 'yon.

Madalas talaga walang kwenta kausap ni Jude at hindi maka-usap ng maayos. Ngayong araw, magsasawa siyang walang kausap. Umalis sila Mama ngayon dahil nagsimba sila. Pagkatapos ay di-diretso raw sila sa isa naming kamag-anak at bibisita. Tingin ko'y overnight sila ro'n ni Papa at si Jude lang ang maiiwan mamaya.

Naabutan ko siyang nagtitimpla ng kape. Naisipan kong puntahan na lang siya sa kusina para ma-inform naman siya dahil mukhang wala na namang alam sa kaganapan dito sa bahay.

"Jude, sila Mama may overnight kila tita Tess tapos ako, baka gabihin ako sa outing namin ngayon kaya ikaw lang dito sa bahay maghapon, ah?"

"Oo na, oo na. Memorized ko na mga bilin mo."

"'De mabuti kung gano'n." Hindi na siya muling sumagot. Masama na naman ba gising niya?

Nagulat ako nang makarinig ako nang sunod-sunod na pagbusina ng sasakyan. Agad akong lumabas ng terrace at nakita ang puting van sa labas ng bakuran namin. Nakita ko sa loob nito si Mieann na nakadungaw sa bintana.

"Tara na, bes!" sigaw niya habang sinisenyasan ako na lapitan siya.

"Oo, teka sandali!"

Bumalik ako sa loob at naabutan ko si Jude na nakaupo sa sofa habang nagkakape. Kinuha ko ro'n ang bag ko.

"Aalis ka na?"

"Obvious ba, Jude? Sige na, una na 'ko ha? Ingat ka rito. Magligpit-ligpit ka."

"Ikaw mag-ingat doon, 'te. Hindi ka kaya marunong lumangoy. Bawal ka mag-overnight do'n, ha? Susunduin talaga kita ro'n." Pinigilan ko ang ngumiti.

Gusto ko sanang sabihin na ang sweet niya kaso baka simangutan ulit ako kaya tinanguan ko na lang sa mga bilin niya.

"Oo, 'wag ka mag-alala. Matanda na 'ko, 'no?"

"Tch," tangi niyang sagot. "Sige na, alis na. Ang ingay nang van. Ingat ka," pagtataboy niya.

Dali-dali akong lumabas sa amin. Bukas na ang pinto ng van nang lapitan ko sila. Si Nick ang naghihintay sa labas. Si Collo na nasa front seat ay nakadungaw sa amin at nakangisi. Nahiya pa ako nang kuhanin ni Nick ang bag ko at siya ang nagdala nito. Alam kong namumula na ako.

Pagpasok ko sa loob, nakita kong marami silang dinala na mga gamit na halos mag-occupy sa seats. Magkatabi sina Mieann at Tin. Tulog si Tin at naka-earphones. Nakasandal ang ulo niya sa may bintana. Nang makita ako ni Mieann, umusog agad siya sa last seat ng hilera nila at inilagay sa pagitan nila ni Tin yung bag niya. Ngumiti siya nang hilaw sa akin pagkatapos ay dumukdok siya sa bag na nilagay niya sa gitna nila ni Tin.

Nilingon ko si Nick at nakita ang nakakaloko niyang ngiti. Imwinestra niya ang upuan sa likod nila Mieann. Wala naman akong choice kung hindi ang maupo roon. Siguro plinano talaga nila ito?

AknownymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon