A LIE

526 38 10
                                    

06

Napaka-awkward ng naging practice kanina. Ilang ulit akong nawala sa tono. Hindi ko alam kung paano ako sa stage mamaya kapag nag-duet na kami. Maganda yung kanta pati yung lyrics pero hindi ko masaulo dahil sa presence niya. Nadi-distract ako.

Maganda talaga ang boses ni Nick. Naalala ko pa noong kinanta niya yung Introducing Me. Sa ganda ng boses niya, halos one week yata akong na-LSS sa kantang iyon at kapag pinapakinggan ko yung kanta, boses niya yung naririnig ko.

"Bes, hindi ko alam na siya yung makaka-duet mo. Sorry. Si Mienard kasi ang nag-organize ng lahat. Huli ko na rin nga nalaman na ikaw pala yung vocalist ngayon," paliwanag ni Mieann. Kasama ko siya sa counter at kakatapos ko lang kantahin yung first two songs namin. Hindi na lang din ako nagkomento sa huling sinabi ni Mieann.

"Ayos lang. Inasahan ko na rin naman yung possibility na 'yon. Tanggapin na natin na kahit anong pagtatago ko, magkikita't-magkikita pa rin kami. Kahit anong pag-iwas ko, magkakaroon pa rin kami ng interaction. Iisa ang mundong ginagalawan namin tapos sa isang school lang din kami pumapasok."

"Can you be honest to me and to yourself?" seryosong tanong ni Mieann. "Gusto mo pa rin siya, 'no?”

Maingay ang bar, magulo at maraming neon lights pero sa tanong na iyon ni Mieann, parang na blangko ang lahat ng nasa paligid ko. Iba pa rin pala talaga kapag ibang tao na ang nagtanong sa'yo tungkol sa nararamdaman mo.

"Kahit ako, akala ko hindi na," tipid kong sagot. Tinignan akong matagal ni Mieann at umiling.

All this time, hindi naman nagbago yung feelings ko sa kanya. Siya at siya pa rin talaga ang gusto ko. Ilang beses akong nag-deny sa sarili ko at sa ibang tao. I convinced myself na wala na akong gusto sa kanya.

Then, I realized that I'm just forcing myself na agad maka-move on because I'm so bitter. I'm mad at him dahil sa ginawa niya. Pinaasa niya ako and I thought I hate him. But the more I try to ignore my feelings for him, the more I get drown from my feelings for him.

"Drinks?" alok ni Mieann. Nabasag ang katahimikang namayani sa aming dalawa. "Cocktail? Ladies drink? You want?" tanong niya sa akin kaya naman inirapan ko siya.

"Alam mong hindi ako umiinom ng alcoholic drinks, Mieann. Masaya na ako juice! Saka kakanta pa ako, remember?" Tinawanan niya ako.

"You're such a goody. Minsan kailangan mo rin mag-try ng bago. Yung hindi mo pa nata-try. Para malaman mo yung capacity mo kung kakayanin mo ba or hindi. Saka, pampalakas 'tong loob para mamaya."

"Juice lang, sapat na." Itinaas ko ang baso ng juice na hawak ko. "Next time ko na lang ita-try 'yan 'pag ready na ako." Hindi na rin naman siya umimik at ininom na lang niya yung cocktail niya nang straight.

Ako na lang ang napa-iling para sa kanya. Hindi tulad ko, out-going kasing tao si Mieann. What she want, what she like, she'll do it.

Napansin kong naka-focus ngayon ang tingin niya sa isang parte ng bar. Nang tignan ko kung saan siya nakatingin, sa gawi nila Nick siya nakatingin but she is looking directly at Collo na ngayon ay hinahampas-hampas at sinasabunutan ni Tin.

May mga crush na ikini-kwento sa akin si Mieann pati na rin flings pero so far hindi ko pa siya nakitang tumingin sa lalaki nang gaya ng pagtingin niya kay Collo ngayon. Never ko pa siyang nakita na sobrang saya kapag nagku-kwento tungkol sa crush o flings niya. There is something in her eyes shouting in sadness.

She once said, "I am in a deep cut. I try to mend it, stitch it. But the scars remain. It's still him, my scars." Tapos grabe yung naging pag-iyak niya.

Noon ko siya unang nakitang umiyak ng gano'n. I realized then that she's hurt— deeply hurt. Kaya naman hindi ko na inungkat pang muli ang bagay na iyon.

AknownymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon