19
Kanina pa ako kinakabahan. Mamayang gabi na gaganapin ang event na nung isang linggo pa namin pinagpa-praktisan. Hindi na nga nagsi-sink in sa utak ko lahat ng lessons ko ngayong araw dahil yung utak ko ay sa event nakatuon.
Paano kaya ang gagawin ko mamaya? Paano kung magkamali ako? Paano kung makalimutan ko yung lyrics nung kanta? Paano kung mapiyok ako?
"Out spacing?" untag sa akin. Agad ko namang nilingon ang may-ari ng boses. What is he doing here?
"Kanina ka pa?" tanong ko.
"Nope, kakarating ko lang. I was expecting na walang tao sa spot na 'to but it turns out na may nauna na pala sa akin dito," sagot niya at umupo sa kabilang parte ng katawan nitong puno na sinasandalan ko.
"So? Territorial ka na pala ngayon?" biro ko.
"Kung alam mo lang," tila makahulugang sambit niya.
Maagang natapos ang buong klase ko ngayong araw ngunit napi-pressure talaga ako para sa gaganaping event mamaya. Naisipan kong pumunta muna rito sa mini park ng school para mag-unwind. Hindi ko naman akalain na pupunta rin pala si Nick dito dahil akala ko hindi na siya tumatambay dito.
Hindi ko rin naman talaga intensyon na sa favorite spot ni Nick magmuni-muni. Parang natural lang na ito yung napili kong spot na tambayan.
Maganda kasi talaga sa pwestong ito. Masarap sandalan ang malaking punong sinasandalan ko ngayon dahil malalago ang dahon nito kaya hindi ka maiinitan. Tagong parte rin ito kaya naman iilan lang ang mga nanditong estudyante. Makakapag-isip ka talaga.
"Wala na ba tayong practice mamaya?" tanong ko.
"Wala na yata? Grabe na yung practice natin nung nakaraang linggo. Baka malatin ka na," sagot niya. Sinandal ko ang ulo ko sa katawan ng puno at tumingala sa mga dahon.
"Mamaya na 'yon. Paano kung magkamali ako? Tayo?" Narinig ko siyang mahinang tumawa.
"Don't stress yourself, Lj. Sapat na yung practice natin nung nakaraang linggo. We could make it. Magaling ka. You should trust yourself. Besides, hindi naman 'yon singing contest or something. Parang jamming session lang 'yon with audience. Just feel the beat and rhythm and don't be nervous." aniya.
Hindi ko maiwasang matigilan. Gusto ko siyang lingunin at tignan subalit hindi ko ginawa. Ayaw kong makita ang maamo niyang mukha at bigyan na naman ng ibang kahulugan ang ipinapakita niya. He's just giving an advice at pinapagaan lang niya ang loob ko.
"Ikaw? Hindi ka ba kinakabahan?" tanong ko na lamang. "Ako kasi, first time ko makasali sa ganitong event kaya kinakabahan ako."
"First time ko rin naman 'to," sagot niya sa natatawang boses. "Oo, kinakabahan din naman ako pero may tiwala ako sa banda natin- may tiwala ako sa'yo."
Hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi ni Nick. Kahit kailan talaga, ang lakas ng epekto ng mga sinasabi niya sa akin. It's so comforting at nakaka-boost ng confidence.
Is it really bad to hope for something?
**
"Jude? Sigurado ka bang 'di ka sasama? Band feast yung event na dadaluhan namin mamaya," pangungulit ko.
Kanina ko pa kinukumbinsi si Jude na sumama sa tutugtugan namin mamaya dahil alam kong gustong-gusto niya ang ganitong klaseng event.
"Oo, may exams kami bukas kailangan ko mag-review at mag-aral," bored niyang sagot na nakatuon ang mata sa librong binabasa niya. "Isa pa, magmumukha lang akong engot doon dahil mag-isa lang ako. Habang sila nagtatalunan, ako, mukhang tuod lang doon."
BINABASA MO ANG
Aknownymous
Novela JuvenilAng mga taong nakilala mo, totoo nga bang kilala mo na? Mukhang marami pang hindi alam si El Judie Espinoza tungkol kay Nicholas Brian Tan... xx Sequel of Anonymous.