COMEBACK

483 27 0
                                    

13

"Ang laki naman ng kaltas nila sa sweldo mo?"

Pagpasok ko pa lang ng bahay ay ito agad ang bumungad sa akin mula sa kwarto ni Mama at Papa. Pupuntahan ko sana sila para makapagmano ako ngunit rinig na rinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Alam mo naman na malaki ang kaltas ng nautang natin sa loob dahil may binayaran pa tayong mga utang, 'di ba?" paliwanag ni Papa.

"Alam ko naman 'yon, Conrad pero kasi kulang ito na pang-gastos natin ngayong buwan. Nangako pa naman ako kay Judie na ibibigay ko ngayong sweldo ang nahiram ko sa kanzyang pera," malumanay ang pagkakasabi ni Mama pero alam kong namomroblema siya.

"Wala naman tayong magagawa, Sandra. 'Yan lang ang nasahod ko ngayon. Ako na lang ang bahalang kumausap kay Judie mamaya."

"Ang allowance ng mga bata nito paano?" tanong ni Mama.

"Ako nang bahala ro'n. Maghahanap ako ng pwedeng madilensyahan," sagot ni Papa.

Hindi na ako nakatiis at pinasok ko na sila. Nangiti naman sila sa akin nang makita ako. Mabilis akong lumapit sa kanila at nagmano. Naupo ako sa tabi ni mama.

"Anak, 'di ko muna maibabalik yung nahiram namin sa'yo ng mama mo, ha? Short na naman kasi ang sahod ni Papa," sabi ni Papa.

"Okay lang po 'yon, Pa. Mayroon pa naman po akong naitatabi rito," sagot ko.

"Kasya pa ba 'yan, anak? Pasensya na muna sa ngayon, ha?" dagdag pa ni Mama habang inaayos-ayos ang buhok ko.

"Okay lang naman po, Ma. Kaya natin 'to," sabi ko at inakbayan silang dalawa.

"Salamat, 'nak," masayang sambit ni Mama.

"Mama talaga ang drama!" pagbibiro ko para naman gumaan-gaan ang loob naming tatlo. Natawa naman sila ni Papa. "Nasaan nga pala si Jude?" pag-iiba ko nang usapan.

"Tinanong mo pa, eh, lagi lang naman 'yon nasa lungga niya," biro ni Papa kaya naman napahagalpak ako nang tawa.

"Kumain na po ba kayo?" tanong ko.

"Hindi pa, halos kararating lang din ng Papa mo," sagot ni Mama.

"Sige na, katukin mo na si Jude at maghain na kamo siya nang makalabas naman ng kwarto," utos ni Papa.

"Sige po, Pa. Magbibihis na rin po muna ako."

Agad akong lumabas ng kwarto nila at kinatok si Jude. Naka-ilang katok din ako bago ako pinagbuksan ng pinto. Busangot pa ang mukha niya nang pagbuksan ako. Sinabi ko ang inutos ni Papa kaya kahit nagmamaktol pa, agad sumunod si Jude sa inutos sa kanya. Pagbaba ko mula kwarto ko, nakahanda na yung pagkain.

Masaya naming pinagsaluhan ang hapunan. Isinantabi muna namin ang financial problem namin. Pagkatapos naming makakain ay agad akong nagligpit ng kinainan at hinugasan ito. Ako kasi ang naka-assign na maghugas ng mga plato ngayong araw.

Mabilis ko namang natapos ang gawain ko sa kusina. Pagdaan ko sa sala, nanunuod pa sila. Nauna na akong nagpaalam at umakyat na sa kwarto.

**

"Hello, bes," bati ko kay Mieann mula sa kabilang linya. Paghiga kong kama ay agad ko siyang tinawagan. Naka-ilang ring din bago niya ito sinagot.

"Oh? Hello, bes. Napatawag ka?" Maingay sa background ni Mieann. Nasa bar nga pala siya ng mga ganitong oras.

"Busy ka ba r'yan?" tanong ko. Naririnig ko ang footsteps niya mula sa kabilang linya. Ilang segundo lang ay tahimik na ang background sa kabila.

"Pasensya na medyo maingay kanina. Nasa bar kasi ako ngayon," kwento niya.

AknownymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon