22
Tinignan ko ang oras mula sa aking pulsuhan. Napapikit na lang ako sa inis nang makitang halos 30mins na akong late. Dali-dali akong bumaba ng jeep nang makita ko na ang ang pangalan ng coffee shop na sadya ko ngayong araw.
Mula rito sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko ang naghihintay na si Ibarra. Panay ang tingin niya sa kanyang relo. Ni hindi man lang niya sinubukan na tawagan ako. What really is his assurance na pupunta ako?
Muli kong binasa ang text niya kaninang umaga.
From: Ibarra
Pwede tayong magkita mamaya? Around 4pm. I have something to tell you. Meet me at the coffee shop near our school. I will wait.
Hindi ko alam kung anong iri-reply ko sa kanya. Hindi naman kasi ako sigurado kanina kung pupunta ba ako. Last minute ko na napagdesisyunan na magpunta. Now that I saw him waiting inside, I feel so guilty.
"You are 30mins late, Judie," bungad niya sa akin nang lapitan ko siya. Bakit nakukuha pa rin niyang ngumiti?
"Sorry. Ibarra, sorry talaga," paumanhin ko. Hindi ako makatingin sa kanya.
"Uy, okay lang. Ano ka ba? Nagbibiro lang ako," sabi niya.
"Dapat hindi mo na lang ako hinintay. Ni hindi nga ako nag-reply sa text mo. Tapos hindi ka naman tumawag sa akin for confirmation. Walang assurance na pupunta ako. Bakit naghintay ka pa rin?" Nakabaling ang tingin ko sa glass wall dahil hindi ko siya matignan ng deretso dahil sa guilt. Mula rito ay kita ko ang maraming sasakyan.
"Pero dumating ka pa rin naman, eh," katwiran niya. Nilingon ko siya. Nakangiti pa rin.
"Sorry talaga," sabi ko. Tumango siya.
"You are forgiven. Anong gusto mong order?" I saw a cup of cappuccino and some cookies in the table. Siguro sa paghihintay niya, nainip din siya kaya nauna nang um-order.
"Ako na lang o-order. Upo ka na lang dito," sagot ko. Akmang tatayo na ako nang hawakan niya ang braso ko at pigilan akong tumayo.
"Ako na o-order para sa'yo. Caramel macchiato, 'di ba?" Tumango ako. Ngumiti siya. "Cake gusto mo?" Umiling ako. "May iba ka pa bang gusto?"
Natigilan ako sa huli niyang tanong. Tinamaan ako sa tanong na iyon.
May iba pa ba akong gusto?
"W-wala na. 'Yan na lang. Salamat," sabi ko na lamang. Pakiramdam ko, hindi ako makakakain sa harap ni Ibarra. May kung anong bigat ako na nararamdaman. I feel so guilty.
Nagpaalam siya na o-order muna. Tinignan ko ang palayo niyang likod. Nahihirapan akong tignan siya. I don't know how to turn him down without breaking his heart. Ramdam ko ang pagiging honest at sincere niya sa nararamdaman niya sa akin. Naging kaibigan ko na rin siya at palagay ang loob ko sa kanya but it's time to give him an answer now.
Napagpasyahan kong patigilin na siya sa panliligaw sa akin because I don't want to be unfair though I know I already am. He tried his best and I'm the one who failed. Habang hindi pa huli ang lahat, I should end this. I don't want him to hope more and end up being broken. Napagdaanan ko 'yon at ayaw kong maranasan din niya 'yon lalo na kung ako ang dahilan nito.
"Okay na, hintayin na lang natin ang order mo," sabi niya at bumalik sa upuan niya.
Ipinatong niya ang kanang kamay niya sa lamesa at nangalumbaba habang nakatingin sa akin. He is smiling. Kanina ko pa napapansin na panay ang pagngiti niya sa akin. Nakaplaster ba yung ngiti niya ngayon? Naiilang tuloy ako.
"What?" tanong ko para mabawasan ang pagka-ilang ko. Umiling siya. "'Wag mo nga 'ko titigan habang nakangiti. Ang creepy mo kaya tignan," biro ko pa sa natatawang boses.
BINABASA MO ANG
Aknownymous
Teen FictionAng mga taong nakilala mo, totoo nga bang kilala mo na? Mukhang marami pang hindi alam si El Judie Espinoza tungkol kay Nicholas Brian Tan... xx Sequel of Anonymous.