SHADOW OF THE PAST

445 28 5
                                    

15

"Bes? Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko kay Mieann matapos ang performance namin. Nandito kami sa backstage ngayon. Sila Nick ay nagkayayaan na mag-inuman samantalang si Tin ay nauna nang umuwi. Ako heto, kasama si Mieann.

"Of course, tungkol saan 'yan?" sabi niya. Parang pinapasigla lang niya yung boses niya.

"Ano kasi, tungkol 'to sa kuya ni Nick, si Collo," sagot ko. Nakita kong tuluyang nawala ang ngiti niya. Tumikhim siya and after a second, she manage to smile again.

"What about him?" tanong niya na parang hindi interesado. Nagdalawang-isip tuloy ako kung dapat bang itanong ko pa yung gusto kong malaman.

"Ano kasi... Uhm... May ano... May something ba sa inyo?" utal-utal kong tanong sa kanya. Ayaw ko naman na ma-offend siya sa tanong ko. Saka, hinala pa lang naman ang lahat.

Nag-iwas siyang tingin sabay ngiti nang malungkot. "Masyado ba akong obvious?" tanong niya kaya naman nanlaki ang mata ko.

"You mean... Well, wild guess lang naman iyon pero... Siya? Siya 'yon?! The man who broke your heart? Si Collo?" bulalas ko.

Sinasabi ko na nga ba meron talagang kakaiba sa kanilang dalawa. Noong una pa lang ay napansin ko na 'yon. Ngumiti siya sa akin.

"I guess now is the time to tell you the story behind," sabi niya sabay buntong-hininga. "Matagal ko na itong balak ikwento sa'yo, bes, kaso lang may hindi rin magandang nangyari sa inyo ng kapatid niya. Baka lalo lang sumama ang loob mo at isumpa mo na ang buong Tan kaya naman sinarili ko muna," paliwanag niya.

"Sa totoo lang, naghihintay lang din ako sa'yo kung kailan handa ka na mag-share. You should have shared it sooner. Mabigat kaya sa loob 'pag sinasarili mo lang ang lahat," sagot ko kaya naman pagod siyang ngumiti sa akin.

"Thank you, Judie," sabi niya. Napayuko siya. "Mahirap din kasi ikwento. Kada kasi naalala ko, naiiyak pa rin ako. Ayaw ko na sana siyang iyakan kaso hindi ko naman mapigilan ang sarili ko," saad pa niya.

"Saka mo na lang i-kwento kapag kaya mo na. At least, matatahimik na ako kahit papano. Kung kailan mong karamay, nandito lang ako." Hinawakan ko ang kamay niya.

"I need to breathe it out, I feel so suffocated. Baka bigla na lang akong sumabog nito," sabi niya. Kunwari siyang natawa pero halata namang pilit. "Let's find some comfy place. Yung tayo lang dalawa at yung malayo kay Collo," pag-aya niya sa akin kaya naman tumango ako.

Dinala ako ni Mieann sa kanyang office. Ni-lock niya ang pinto matapos niyang magpahanda ng drinks at foods. May inilagay pa siyang boxes of tissue sa harapan namin. Mukhang pinaghandaan na niya ang lahat. Kitang-kita ko ang malalim at malamlam na mga mata ni Mieann. Mukhang malakas talaga ang tama niya kay Collo.

"Bes, kung hindi ka pa handang magkwento, okay lang talaga," sabi ko. Kumuha siyang isang beer sa mesa at tinungga iyon. Puro alcoholic drinks ang nakahilera sa mesa. Mabuti na lang may root beer dito kahit papaano. Ito lang ang kaya kong inumin.

"No, I'm ready. Nagi-internalize lang," sagot niya. She takes a deep breath bago sinimulang magkwento.

Mieann said probably Collo is the strongest love that she ever felt. She picked her up when she need him the most. When her ex harassed her, Collo's there to protect her. He pretended to be her boyfriend just so her ex wouldn't bother her again. When they became close and Mieann falls for him, he catch her. What she's not prepared is when he left her. Collo left Mieann dumbfounded, not knowing the real reason why they broke up. Tila siya naiwang nakabitin sa ere.

Kaya naman pala parang may lungkot at sakit sa mata ni Mieann kung titigan niya si Collo. Kaya pala tila nagseselos siya kay Tin. Kaya pala parang ilag siya kay Collo. Malalim pala ang kinikimkim ni Mieann.

AknownymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon