23
"Sasama kang swimming?" tanong sa akin ni Nick.
Magkaklase na naman kami at magkatabi ng upuan. Dinadaldal niya ako habang nagdi-discuss si Ma'am.
"Not sure," tipid kong sagot.
Kunwari ay nakikinig ako kay Ma'am kahit pa ang totoo'y wala naman akong naiintindihan sa turo niya. I am distracted because of Nick's presence beside me.
"Bakit? Sama ka na. Hindi ako sasama 'pag 'di ka sumama," pangungulit niya. Pinigilan ko ang ngumiti.
"Para ka namang bata n'yan."
"Kaya nga ako sasama kasi nandoon ka. Kung 'di ka pala sasama, ano pang gagawin ko ro'n?" katwiran niya.
"'De magsi-swimming," sagot ko. Sarcastic niya akong tinawanan.
"Sama ka na kasi. Magtatampo sa'yo si Mieann…" Huminto siya sa kanyang pagsasalita sandali. Tumikhim muna siya bago muling nagsalita. "Saka ano... Ako rin. Magtatampo rin ako," mahina niyang dugtong.
Pinigilan ko na naman ang ngumiti. Nitong mga nagdaang araw, simula nung umamin siya sa akin ay naging mas vocal siya sa mga nararamdaman niya. Madalas pa nga ay unconscious niya itong nasasabi. Mahihiya pa siya kapag na-realize na niya yung nasabi niya.
He formally introduced himself sa family ko not just a friend or a band mate but as a suitor. Nung araw na 'yon, kulang na lang ay mag-evaporate ako sa bahay lalo na nung nagpaalam na siyang umalis. Katakot-takot na tanong ang inabot ko sa kanila.
Isa pa, hindi ko pa nasasabi na tumigil na sa panliligaw si Ibarra. Hindi ko masabi na nag-give way siya para kay Nick.
When Nick finally said that he loves me, hindi agad ito nag-sink in sa utak ko. Matagal bago ko ito naproseso. I mean paano nangyari iyon? All this time, akala ko kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin at wala lang sa kanya yung gestures niya na may halong malisya sa akin at naging assuming lang talaga ako. Akala ko, hindi niya ako magugustuhan nang higit pa sa kaibigan.
"Sige na, sasama na 'ko pero magpapaalam pa ko," sagot ko na lang para matapos na pangungulit niya. Nakita kong ngumiti siya nang malapad.
"Kailangan mong backup? Magbo-volunteer ako."
"'Di na. Kaya ko na 'to. Baka mamaya 'di pa ako payagan nito kapag ikaw yung backup ko," sabi ko. Tinignan niya akong masama kaya naman natawa ako.
Nagkayayaan ang aming banda na mag-swimming para raw makapag-bonding kami saka celebration na rin daw ito sa birthday ni Mienard. Ewan ko ba kung bakit swimming pa yung naisipan nila. Hindi naman sana summer ngayon.
I guess kailangan ko rin talagang sumama. Dalawang tao ang magtatampo sa akin kapag hindi ako sumama.
**
Pag-uwi kong bahay ay agad kong pinuntahan si Mama para makapagpaalam tungkol sa swimming. Nakita ko siyang busy sa pagtutupi ng mga damit.
"Maaga ka yata ngayon?" tanong niya sa akin matapos kong magmano.
"Wala na akong gagawin sa school, eh."
"Ang sabihin mo, wala ka lang kasamang gumala ngayon. Hindi ka ba niyaya ni Nick? O kaya ni Ibarra?"
"Mama talaga. Ayaw mo pa nito? Maaga akong umuwi."
"Hmm, may kailangan ka, ano?" Tumawa ako.
"Hala! Paano mo nalaman, Ma?" Lumapit ako sa kanya at inakbayan siya.
"Alam ko na 'yang style mo, Judie." Ngumuso ako.
"Eh, Ma, magpapaalam sana ako sa'yo, eh."
"Sabi na may kailangan ka." Tumawa si Mama bago muling nagsalita. "Ano ba 'yang ipagpapaalam mo? Boyfriend mo na siguro si Nick, 'no? Kaya siguro 'di na dumadalaw si Ibarra. Binasted mo ba?" Ilang ulit akong napakurap sa tanong ni Mama. Swimming yung ipagpapaalam ko hindi boyfriend!
![](https://img.wattpad.com/cover/46661993-288-k371687.jpg)
BINABASA MO ANG
Aknownymous
Teen FictionAng mga taong nakilala mo, totoo nga bang kilala mo na? Mukhang marami pang hindi alam si El Judie Espinoza tungkol kay Nicholas Brian Tan... xx Sequel of Anonymous.