17
After a week ay natapos na namin ni Ibarra ang research paper. One week lang kasi yung binigay na time sa amin nung instructor namin. Buti nga at cooperative na partner si Ibarra kaya wala akong naging problema sa kanya kahit pa medyo hindi ako kumportable sa kanya nitong nagdaang araw. Naiilang kasi ako sa kanya dahil doon sa chat niya.
Though hindi na niya ulit iyon inungkat, mas naging makulit naman siya at panay ang pagsama niya sa akin. Sabi niya, mas gusto raw niya akong makilala pa. Kung 'yon lang naman, walang kaso sa akin 'yon dahil at least bukod kay Mieann, Nick, at Tin, may isa pang tao akong masasabi na kaibigan ko rito sa school.
"Bes, pansin ko lang nitong mga nakaraang araw madalas yata kayong magkasama ni Ibarra? 'Di pa ba tapos research paper n'yo?" biglang tanong ni Mieann. Kasalukuyan kaming nasa cafeteria at kakatapos lang ng klase namin kung saan magkaklase kami.
"Tapos na. Napasa na namin 'yon," tipid kong sagot.
"And yet, madalas pa rin kayong magkasama ni Ibarra?" malisyosang saad niya.
"What's the big deal, bes? Friendly lang yung tao, 'no. Ikaw talaga," depensa ko.
"Oh, really? Capable pala siya maging friendly?"
"Oo naman, 'no? Mukha lang siyang snob pero mabait naman siya."
"Really? Parang may iba pa siyang agenda sa'yo. May gusto yata talaga 'yon sa'yo, eh."
Sa sinabing iyon ni Mieann ay nasamid ako. Naalala ko na naman yung chat ni Ibarra sa akin. Ewan ko ba, napa-praning ako sa chat niyang iyon.
"Porque friendly may gusto na agad? Ikaw talaga bes, malisyosa." Boref niya akong tinignan bago sumagot.
"Alam mo, bes, kung hindi ka assuming, manhid ka. Ako ang nakakakita, may gusto 'yon sa'yo. 'Di ba nga nakwento mo na chinat ka niya at tinanong niya kung pwede kang ligawan?"
"Hindi naman ako sure kung totoo nga 'yon. Wala naman siyang sinasabing gano'n sa personal. Sa nangyari sa akin, napraning na yata ako. Ayaw ko nang mag-assume agad. Saka kung totoo man 'yang sinasabi mo, alam mo naman na may iba na 'kong gusto, 'di ba?" paliwanag ko. Bumuntong-hininga siya.
"Love is so complicated," komento niya.
"Love is not complicated, people are complicated," sagot ko.
To be honest, ramdam ko naman na hindi lang friendship ang gusto ni Ibarra pero nabiktima na rin ako ng instinct kong ito. Lumabas pa ngang assumera ako.
Saka after naman nung chat niya, hindi na namin pinag-usapan yung ligaw-ligaw na iyon kaya nakampante ako. Yes, may paramdam na siya but what he said is he wants to know me more. So iyon na lang ang paniniwalaan ko.
**
Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan. So far, maayos naman ang mga nangyayari sa buhay ko. Every Friday and Saturday nasa bar ako nila Mieann, tumutugtog kasama sila Mienard, Collo, Tin, at si Nick. Regular na iyon dahil binuo na ni Mienard yung banda namin na may pangalang 'Judie and the Band'.
Wala naman kasi talagang maisip na pwedeng ipangalan sa banda namin pero si Mieann kasi kapag ipinapakilala kami kapag tutugtog na, 'yon yung palagi niyang introduction sa amin kaya 'yon na lang din ang ipinangalan sa banda namin.
Ako ang official na vocalist ng banda namin. Though wala naman talaga sa priority ko ang magkabanda, accidentally ay nagkaroon ako. Dati, pangarap ko lang magkabanda kaya naman sobrang saya ko nang yung mismong pangarap ko na ang lumapit sa akin.
Na-realize ko rin na mabuti na lang talaga at nagkaayos na kami ni Nick kahit papaano. Hindi rin naman kasi talaga maiwasan na madalas kaming magkasama lalo na sa mga practice at pagtugtog namin dahil nasa iisang banda lang kami. Ayaw ko na rin namang umasa pa sa aming dalawa at pinagsisiksikan ko na talaga sa sarili kong magkaibigan lang kami. Isa pa, hindi ko gawain ang mang-agaw ng boyfriend ng iba. Alam ko kung saan ako lulugar.
BINABASA MO ANG
Aknownymous
Teen FictionAng mga taong nakilala mo, totoo nga bang kilala mo na? Mukhang marami pang hindi alam si El Judie Espinoza tungkol kay Nicholas Brian Tan... xx Sequel of Anonymous.