14
Natanga ako sa nakita kong ayos ni Nick. Naka-ponytail yung buhok niya kaya naman kitang-kita yung mukha niya. Shoulder length na kasi yung buhok niya. Wala yatang hindi bagay na hairstyle sa kanya. Nakaputi siyang t-shirt na yung may elbow's length na manggas na kulay itim tapos naka-skinny jeans siya tapos hawak niya yung gitara niya.
"Judie!" Bumalik ako sa wisyo nang marinig ko ang boses ni Tin. Nilapitan niya ako at niyakap.
"Welcome back, Judie," pagbati ni Meinard nang lumapit sa akin. Ginulo niya yung buhok kong nakalugay.
"Meinard naman, bakit ginulo mo yung buhok ni Judie?!" reklamo ni Tin. Natawa ako sa reaction ni Tin. Buti na lang talaga hinayaan ko lang na nakalugay buhok ko ngayon.
"Okay lang, Tin. Nakalugay naman yung buhok ko," sabi ko. Kunwari ay sinamaan kong tingin si Meinard sa ginawa niya. Natawa lang siya.
"Eh, kasi si Tin 'pag ginugulo yung buhok, napipikon," kwento ni Collo.
Nakapamulsa siya habang nakatingin sa amin. Naka-loose sando shirt siyang itim na may logo ng Rolling Stones sa damit niya at naka-tattered jeans. May tattoo pala siya sa may bandang left shoulder niya. Tribal yung design nito. Tinanguan niya ako kaya naman ngumiti ako.
"I'm glad you're back here," sabi ni Nick kaya naman pakiramdam ko ay lumuwa yung puso ko. Mukhang matutunaw na rin ako sa hiya dahil sa malisyosong tinginan nila Meinard, Tin, at Collo.
"Wow, dude. Iba rin 'yang mga galawan mo, huh?" puna ni Collo sabay tingin at ngisi sa akin. To think na kuya ni Nick ang nang-aasar sa kapatid niya, napayuko na lang ako sa hiya.
"Shut up, dude," tamad na sagot ni Nick. Parang ang awkward ng boses ni Nick?
"Kinikilig ako! Yay!" sabat ni Tin. Tuluyan na akong namula dahil sa hiya.
"Naku, tigilan n'yo na si Nick at Judie. Kayo rin, baka hindi na bumalik dito si Judie," biro ni Meinard habang natatawa. "Buti naman okay na kayo," dugtong pa niya kaya naman napatingin ako sa kanya. Ngumiti lang naman siya at pumwesto na sa drum set niya.
Nagsimula na kaming mag-practice at itinigil na nila yung pang-aasar nila sa amin ni Nick. Gaya ng dati, si Tin ang bahala sa keyboard, si Meinard sa drums, yung magkapatid ay sa electric at bass guitar tapos ako yung sa vocals. Tatlong kanta rin ang kakantahin ko ngayon at lahat 'yon ay papraktisin namin. Pumwesto na ako sa mic nang magsimulang mag-beat si Meinard. Huminga ako nang malalim at sinimulan ang pagkanta.
**
After an hour, naisipan namin na magpahinga muna. Plantsado na rin naman yung mga kakantahin namin dahil madali lang kaming nagkahulihan sa tono ng mga kanta. Isa pa, nag-practice na sila bago pa man ako dumating dito.
Medyo masakit na rin ang lalamunan ko dahil sa kakakanta pero masaya naman ako. Para lang kaming nagja-jamming ngayon kumpara nung una kaming nagsama-sama.
Nung una kasi, ilang ako kay Nick dahil hindi pa kami okay noon saka nangangapa pa ako nung time na 'yon dahil bago ko pa lang nakasama si Tin at Collo. Ngayon ay mas magaan na ang ambiance sa pagitan naming lahat. It feels good to be back.
"Tubig?" Binalingan ko ang bottled water sa harapan ko at tinanggap iyon.
"Thank you," sagot ko at umusog ng kaunti dahil naupo sa tabi ko si Nick.
"Kinakabahan ka ba?" tanong niya. Nakatingin lang siya sa harapan namin kung saan busy sila Tin na nag-aayos.
"Oo, 'no? Kahit sabihing ilang beses na akong nagpi-perform dito," sagot ko matapos kong inumin ang binigay niyang tubig sa akin.
BINABASA MO ANG
Aknownymous
Подростковая литератураAng mga taong nakilala mo, totoo nga bang kilala mo na? Mukhang marami pang hindi alam si El Judie Espinoza tungkol kay Nicholas Brian Tan... xx Sequel of Anonymous.