01
"Finally, this semester is done! Summer na at vacation time na talaga!" masiglang anunsyo ni Mieann na may kasama pang palakpak. "Saan mo balak mag-summer, bes?"
Nandito kami ngayon sa mall at kasalukuyang kumakain sa Shakey's. Celebration daw namin ito dahil tapos na ang lahat ng exams namin. Treat niya naman ito kaya sino ba naman ako para tumanggi?
"Hindi ko alam, eh. Maghahanap siguro akong summer job para may dagdag budget ako next sem," wala sa sariling sagot ko sa pagitan ng pagnguya ng aking pagkain.
Kumagat muna siyang pizza bago muling nagsalita. "Great! Pwede ka na sigurong bumalik sa bar, right? You know, mas dagsa ang mga tao sa bar since it's summer vacation. Maraming tao ang pupunta sa'min so talagang sunod-sunod bookings namin ngayon ng kakanta. Besides, maraming customers namin ang naghahanap sa'yo."
Natigil ako sa pagsubo ng pizza na hawak ko dahil sa sinabi niyang 'yon. Nakita ni Mieann ang reaction ko kaya agad siyang umiling-iling. Tumikhim ako at ipinagpatuloy ang naudlot na pagsubo ko ng pizza bago nagsalita.
"Ba't umiiling ka r'yan?" patay-malisyang tanong ko habang nakatuon ang atensyon sa lamesa.
"Your reaction says it all, bes. Wala na nga siya ro'n, 'di ba? 'Wag ka na mag-alala. 'Di ba nga nag-quit na siya? Matagal na. A week after mong mag-quit nagpaalam na rin siyang aalis na," paliwanag niya.
Hay, dapat hindi na lang ako nagtanong. Na-open pa tuloy yung topic na 'yon.
"Hindi naman siya yung main reason kung bakit ako nag-quit noon sa bar n'yo, 'no?” depensa ko. Tiningnan niya akong ilang segundo bago niya ako inirapan.
"Naku, Judie. Alam natin pareho ang totoo," inis niyang sagot. "Kung ako lang, dapat nga hindi ikaw ang nag-quit, eh. Dapat siya ang umalis. Matapos ba naman nang ginawa niya sa'yo. Hindi man lang yata nakonsensya. Ang kapal ng mukha."
Hindi na lang ako umimik sa huli niyang komento dahil ayaw ko na pag-usapan pa ang bagay na 'yon.
**
Matapos ang celebration namin ni Mieann para sa so called thing niyang 'vacation' ay nagpaalam na siyang mauuna na siyang umuwi dahil may mga aasikasuhin pa siya sa business nila. She offered me a ride pero tumanggi ako. Ayaw ko namang makaabala pa dahil nga may dadaanan pa siya.
When I checked my wristwatch, quarter to seven na rin pala. Matagal-tagal din pala kaming napatambay ni Mieann sa Shakey's. Napasarap din naman kasi ang kwentuhan namin. Minus lang sa part na nasali sa usapan si Nick.
Agad na akong naglakad papuntang sakayan ng jeep. Gusto kong maka-uwi na rin para makapagpahinga na ako dahil feeling ko, na-drain yung utak ko sa naging exams namin kanina.
Bukas, kailangan kong maghanap ng pwedeng ma-apply-an na trabaho para ngayong bakasyon may mapagkuhanan akong extra income. Isa pa, ayaw ko naman na manatili lang sa bahay dahil bukod sa nakakabagot, ayaw kong palaging makita ang masungit na si Jude.
After a few minutes, may jeep nang dumaan na ang ruta ay papunta sa lugar namin kaya naman sumakay na ako rito. Iilan pa lang kaming sakay sa loob ng jeep at ang laki pa ng space. Pumwesto ako sa pinakaunahang bahagi ng kaliwang upuan sa likod ng driver.
May background music na nakakaantok kaya hindi ko maiwasang mapapikit. Hindi pa rin naman umaandar yung jeep dahil nagtatawag pang pasahero yung driver.
Ramdam ko ang pagsakay ng iba pang mga tao sa loob ng jeep kahit pa nakapikit ako. Mukha ngang napupuno na yung jeep dahil nagkakagitgitan na.
"Oh, umayos lang po tayo ng mga upo para po maka-alis na tayo," sigaw ng driver. "Hijo, sa kaliwa meron pa. Oh, usog-usog lang ng kaunti."
Nasa kaliwang side ako kaya naman umayos akong upo at umusog ng kaunti habang nanatili pa ring nakapikit.
Naramdaman kong may tumabi sa akin at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Mas naging mariin ang pagpikit ng aking mga mata para hindi ito matuksong dumilat at tingnan ang katabi ko.
Amoy pa lang niya at presensya, alam kong siya ang katabi ko. Malakas ang kutob kong si Nick itong tumabi sa akin.
Ewan ko ba pero may radar yata ang katawan ko kapag nandyan na siya dahil alam na alam nito kung siya ba ang katabi ko o kaya kung nasa malapit ba siya sa akin. Parang praning at assuming ang dating pero naniniwala kasi ako sa instinct ko.
Alam kong alam niyang ako yung katabi niya kaya naman naiinis ako. Alam na nga niyang ako yung makakatabi niya pero naupo pa rin siya sa tabi ko!
Nakakaasar pa dahil nga siksikan yung jeep, yung braso niya nadidikit sa braso ko. I'm not comfortable about it. May kung anong kuryente kasi ang dumadaloy sa sistema ko.
Nagsimulang umandar yung jeep. Buong byahe, maya't-maya ang pagpreno ng driver! Lalo tuloy nadidikit sa akin yung katabi ko.
"Please, Judie! Pretend that you are sleeping! You are in a deep sleep at hindi mo alam kung sino ang katabi mo," I'm chanting here in my mind. Kailangan ko lang mag-inhale at mag-exhale. Kaya ko ito!
Nakapagtataka lang na bigla siyang sumakay dito sa ruta ng jeep na sinakyan ko. Sa pagkakaalam at pagkakatanda ko, iba yung ruta ng papunta sa kanila. Isa pa, may motor siya. Bakit siya nag-jeep? Pero bakit nga ba magtataka pa ako kung meron naman pwedeng dahilan. Hinatid niya si Jasmine, hinatid niya ang girlfriend niya!
You know what they say curiosity kills? Ito 'yon! Ngayon 'yon! Gusto kong malaman kung magkasama ba talaga sila ngayon at magkatabi sa jeep. Mukhang ewan 'tong idea ko pero curious ako.
No, I need to fight this urge!
Mas nilaliman ko ang paghinga ko. Kailangan kong kontrolin ang urge na ito. Kailangan ko siyang dedmahin at i-feel ang music. Kahit pa nga hindi ko gusto yung music.
"Sa kanto lang ho." Nagulat ako nang magsalita siya. Alam kong nakaharap siya sa akin dahil ang lapit ng boses niya sa tenga ko. Gusto kong idilat ang mga mata ko at titigan siyang masama. Nananadya ba talaga siya?!
Agad namang nagpreno yung driver pagdating sa kantong sinasabi niya. Saka pa lang ako nakadilat nang pasimple nung maramdaman ko ang pagtayo niya. Nang lingunin ko siya ay nakatalikod siya sa akin at pababa nang jeep.
Tama talaga ako, siya nga yung katabi ko. Kahit nakatalikod siya, alam kong siya 'yon.
Nang tuluyan siyang bumaba ay pumikit ulit ako at nagtulog-tulugan. Baka kasi bigla siyang tumingin ulit sa jeep at mahuli pa niya akong nakatingin sa kanya.
Nang umandar na yung jeep ay tsaka pa lang ulit ako nagkalakas ng loob na dumilat at tignan kung saang kanto ba siya bumaba. Yung binabaan niya, malapit lang sa kanto namin. Bakit siya nandoon? Napansin ko rin na wala siyang kasama. Hindi pala niya kasama girlfriend niya.
Ang ikinagulat ko pa sa lahat ay yung bago niyang hairstyle! I know he has a weird taste in hairstyle pero hindi ko pa rin maiwasang ma-shock. Bakit? Bakit gano'n ang hairstyle niya ngayon?!
Butterfly hairstyle with that length of hair?! Medyo mahaba na rin yung buhok niya tapos ginano'n pa niya. Takot ba siya sa barbero? Seryoso talaga siya sa bagong hairstyle niya?
Sa totoo lang, nag-wonder din ako kung ano hitsura niya noon kapag ganoon yung hairstyle niya. Nasabi ko pa nga sa kanya 'yon pero pinagtawanan niya lang ako. Ngayon, makita-kita ko, gano'n na ang hairstyle niya.
Oo, gwapo pa rin siya but still, ang weird lang tingnan sa kanya! Modern times na ngayon. Hindi na uso yung gano'ng hairstyle.
Bakit ba gumagawa siya ng sariling pauso?
And why am I even smiling?!
BINABASA MO ANG
Aknownymous
Ficção AdolescenteAng mga taong nakilala mo, totoo nga bang kilala mo na? Mukhang marami pang hindi alam si El Judie Espinoza tungkol kay Nicholas Brian Tan... xx Sequel of Anonymous.