WHAT YOU WISH FOR

550 31 1
                                        

08

Ang bilis lumipas nang araw. Parang kailan lang bakasyon pa, ngayon pasukan na ulit. Malayo pa lang, tanaw ko na ang nakabusangot na mukha ni Mieann na naghihintay sa akin sa pathway. Nandoon siya sa may waiting area at nakaupo. Mabuti na lang at magkaklase kami sa first subject namin na naka-schedule ngayon.

"Hoy, masyado pang maaga para bumusangot ka," sabi ko. Nasa likuran niya ako kaya hindi niya ako agad napansin. Nilingon niya ako.

"Yeah, and mali-late na tayo sa first class natin dahil almost late ka na naman dumating." Tumayo siya at hinarap ako. Naka-cross arm siya sa akin.

"Ikaw talaga, bes. Masyado pang maaga para ma-high blood ka. Tsaka first day pa lang naman. For sure, 'di pa 'yan magli-lesson." Kinalawit ko ang braso ko sa braso niya at nagsimula na kaming maglakad. "Besides, kung late man tayo, okay lang. At least, magkaramay tayo, di ba?" Umirap siya pero agad din naman siyang ngumiti.

"Hay, Judie, ewan ko sa'yo. Tara na nga." Ako naman ngayon ang hinila niya papuntang elevator.

Kanina lang ako yung humihila sa kanya, ngayon siya na yung nanghihila sa akin at nagmamadali pa para maabutan namin yung elevator na hindi pa umaakyat. Sa 5th floor pa kasi yung room namin. Naka-handbag siya at naka-heels samantalang ako ay naka-flat shoes at naka-backpack. Kapag nga naman nag-stairs kami, siya ang dehado.

Pagdating namin sa tapat ng elevator, sakto ang pag-open nito para magsakay ulit paakyat. Agad na sumakay si Mieann na hawak pa rin ang kamay ko kaya naman nakipag-gitgitan din ako sa ibang students.

Nang ma-full na ang elevator, pinindot nang operator ang close button. Tahimik lang kami sa loob ng elevator. Walang nagtatangkang magsalita. Ang tanging naririnig lang ay yung kanta sa headset ng isa sa nakasakay dito na puro screams.

Nang makarating ng 3rd at 4th floor ay nabawasan na ang bilang namin at iilan na lang kami sa loob ng elevator. To my surprise, kasabay din pala namin sa loob ng elevator si Tin. Mukhang hindi niya kami napansin dahil sa likuran kami banda at sa unahan naman siya.

Kinalabit ko siya samantalang si Mieann ay nanatiling naka-cross arm at nakasandal sa dingding ng glass elevator. Agad lumingon si Tin ng nakakunot ang noo at mukhang hinahanap kung sino ang nangalabit sa kanya. Nang makita niya ako ay umaliwalas ang kanyang mukha.

"Hi Tin," bati ko sa kanya.

"Uy, ikaw pala 'yan! Akala ko kung sino na yung kumalabit sa akin!" Lumapit siya sa pwesto namin ngunit siya namang pagbukas ng elevator. Nasa 5th floor na pala kami.

Agad kaming lumabas ng elevator at natawa kaming dalawa ni Tin. Si Mieann naman ay nanatiling tahimik pero sumasabay naman siya sa paglalakad namin.

"Ano ba 'yan! Nag-effort pa akong lumapit sa inyo. Bubukas na rin pala yung elevator," muli siyang natawa na sinabayan ko naman.

"Huli na rin kasi nung napansin kita." Tumawa ulit kami at napako ang tingin niya kay Mieann na tahimik na naglalakad sa tabi namin.

"Uy, 'di ba ikaw yung kapatid ni Mienard? Remember me?" tanong niya kay Mieann.

"Yes, I am and of course, I remember you," sagot niya. Tipid siyang ngumiti pero yung ngiti niya, hindi abot sa kanyang mata. Ano kayang problema ni Mieann? Mukhang na-bad trip ko talaga yata siya dahil late na akong dumating. Binalingan niya ako. "Bes, tara na sa 505. Baka nandoon na yung instructor natin."

"Ay, oo nga pala, Tin, una na kami sa'yo. Sa 505 yung room namin, eh. See you around na lang." Kumaway na ako sa kaniya at naglakad na kami ni Mieann nang muli siyang humabol sa amin.

"Hey, wait, sa 505 rin ang room ko. I think, magkakaklase tayo. Wow! This is great," masayang anunsyo niya.

"As in?!" masayang bulalas ko.

AknownymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon