CALLER

580 32 7
                                    

03

Ilang araw na lang sana regular na ako sa tinatrabahuan ko pero nag-quit na ako sa pinapasukan ko. Hindi pa man kasi ako regular employee, mayroon na agad akong kaltas. Two weeks ang naging training ko pero wala akong natanggap na sweldo mula ro'n kahit allowance man lang. Para lang akong nagtrabaho sa kanila ng libre tapos abunado pa ako sa gastos.

Nakakawalang gana. Napakabarat ng amo namin palibhasa foreigner kaya nananamantala. Dapat sa amo ko, niri-reklamo sa Department of Labor.

Ang ironic din ng sistema rito sa Pilipinas. Kadalasan sa mga foreigner na nandito sa Pilipinas, amo. Tapos yung mga trabahante nila, mga Pinoy. Para tuloy tayong alipin sa sarili nating bansa.

Na-realize ko rin na maybe being a barista in a milk tea house is not really my thing. Hindi ako masaya sa ginagawa ko. Ang bilis ko lang mainip. Wala yung passion na hinahanap ko. Ibang-iba kapag nasa stage ako at nagpi-perform na kumanta.

"Oh? Bakit nandito ka pa?" tanong ni Jude. Kagigising lang niya at mukhang gulat na gulat na nandito pa ako.

"Wala na 'kong trabaho. Nag-quit na 'ko kahapon pa. Saang mundo ka ba galing at wala kang kamuwang-muwang sa real world? Mukhang 'di ka pa masayang makita ako rito, ah!"

"Sabi ko na, eh. Hindi ka talaga magtatagal doon. Pinaabot mo pa ng ilang linggo paghihirap mo roon, magku-quit ka rin pala."

"Kino-comfort mo ba ako n'yan o iniinsulto?" may halong inis na tanong ko. Nilagpasan niya lang ako at walang imik na dumiretsong kusina.

Baliw talaga yung isang 'yon! Ewan ko ba kung bakit malakas din ang topak niya. May respeto siya sa akin pero walang galang. It doesn't make sense, right? Ang sungit kasi niya, mas masungit pa sa akin.

Nang pumunta akong kusina, napansin kong may iniwan palang note si Mama sa ref. Hindi ko ito napansin kanina nung pumunta ako sa kusina para magmumog. Lumuwas pala si Mama ngayon para bisitahin yung isa niyang kaibigan sa Manila. Namatay daw ang asawa at baka ro'n na siya mag-overnight. 

Kaya naman pala wala siya nang magising ako kanina.

**

Dead, like a candle you burned out;
Spill the wax over the spaces left in place of angry words.
Scream, to be heard, like you needed any more attention;
Throw the bottle, break the door, and disappear.

Kaming dalawa lang ni Jude ang naiwan sa bahay. Si Papa ay nasa trabaho niya at mamayang gabi pa ang uwi. Si Jude, ayun, nagkulong na naman sa kwarto niya. Rinig na rinig ko mula rito ang pag-gigitara at pagkanta niya. Nag-i-emo na naman at nagpi-feeling member ng All Time Low.

Sa totoo lang, maganda rin talaga ang boses ni Jude. Ang galing din niya mag-gitara. Siya ang nagturo sa akin kung paano mag-gitara. Minsan ko na siyang pinilit na mag-duo na lang kaming dalawa. Gumagawa kasi akong cover songs sa YouTube kaso ayaw naman niya. Sabi niya nagsasayang lang daw akong oras sa pag-a-upload ng covers ko dahil wala naman daw akong subscribers. Tinamaan ako sa sinabi niyang 'yon kaya naman hindi ko na pinursue ang pagko-cover ko ng songs.

Kinatok ko ang kwarto niya. "Jude, kumain ka na ba? Kumain ka muna." Nahinto siya sa kanyang pagkanta pero nagpa-plucking pa rin siya ng gitara.

"Mamaya na lang ako kakain," sagot niya at ipinagpatuloy ang ginagawa niya.

"Okay, sige. Aakyat na ko sa kwarto ko. Kung may kailangan ka, sabihin mo lang. May iniwan si Mama na pera."

"Sige."

Umakyat ako sa kwarto ko nang marinig ko ang sagot ni Jude. Alam ko rin naman kasi na ayaw niyang iniistorbo siya lalo na kapag tumutugtog siyang gitara. Lalo lang kasi siyang nagsu-sungit kapag ginulo mo sa ginagawa niya.

**

Maghapon ay nandito lang ako sa kwarto ko at nakahiga lang. Panay lang ang pakikipagtitigan ko sa kisame ng kwarto ko. Ganito talaga yung summer na ini-expect ko. Ang magpakatambay at tumunganga. Nakaka-inip.

Kakatingin ko lang din ng newsfeed ko sa Facebook at nakita ko yung posts ni Mieann with pictures. She's having the time of her life. Talagang sinulit niya talaga ang bakasyon. Nang magpakasawa ako sa pagtingin sa newsfeed ko, natagpuan ko na lang ang sarili ko sa search button ng Facebook na may tina-type na pangalan.

Nicholas Bria...

Agad kong napalo ang noo ko at binura ang pangalan na na-type ko. Ang gaga ko rin talaga. In-unfriend ko na siya sa Facebook kaya bakit ko pa ba tina-type ang pangalan niya na para bang curious na curious ako sa whereabouts niya.

Nag-exit na lang ako sa Facebook. In-off ko ang data ko at ipinatong ang cellphone ko sa tukador. Muli na lang akong nahiga at nakipagtitigan sa kisame.

Napabalikwas akong bangon nang marinig ko ang pag-ring ng cellphone ko. Agad ko itong kinuha sa tukador at nakitang unknown number ang naka-flash sa screen. Nagdalawang-isip ako kung sasagutin ko ba ang tawag o hindi. Usually, hindi ako tumatanggap ng unknown caller pero baka si Mama ito o si Papa. Baka nakitawag dahil walang load tapos baka may importanteng sasabihin.

Sa huli, tinanggap ko ang tawag dahil baka importante.

"Hello po? Sino po ito?" sabi ko. Walang nagsasalita. "Hello? Hello po?" Wala pa rin nagsasalita pero rinig na rinig ko yung pagbuntong-hininga nung nasa kabilang linya.

Mukha may nanti-trip lang sa akin. Ni ayaw magsalita ng nasa kabilang linya. May topak pa yata at puro lang buntong-hininga. Naaasar na ako dahil hello ako nang hello pero wala namang sumasagot. Nag-aaksaya nang load.

"Uhm, kung 'di naman po kayo sasagot or wala naman po kayong kailangan, ibababa ko na po ang tawag."

Papatayin ko na sana yung call nang may narinig akong pag galaw sa kabilang linya na para bang may pinag-abutan ito bago ako nakarinig ng nagsalita.

"Hey, Judie? Ako 'to," sagot ng nasa kabilang linya. Familiar yung boses niya.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman. Para akong natuwa na parang na-excite na hindi ko malaman. Anong kailangan niya at bigla siyang tumawag? Ang unusual lang dahil wala naman kaming contacts sa isa't-isa tapos bigla, tatawag siya sa akin.

"Yes? Anong kailangan mo pala? Uhm... Ano... I mean B-bakit ka pala napatawag?"

Gusto kong batukan yung sarili ko ngayon. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. Nahalata kaya niyang kinakabahan ako dahil sa pagkaka-utal-utal ko?

Mariin akong napapikit at napahawak sa noo kong nagpapawis kahit pa nakatapat naman ako sa electric fan!

AknownymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon