SPECIAL CHAPTER

132 9 0
                                    

Nick's POV

Simula nang mangyari yung pagkikita namin sa mall at pagpapakilala ko kay Jasmine bilang girlfriend kay Lj, lumayo na ang loob niya sa akin. Maging si Mieann ay parang may galit na rin sa akin. Nag-quit sa bar si Lj tapos hindi ko na siya ma-contact. Mukhang nagpalit siyang number.

Hindi ko rin siya mahagilap sa school. Ewan, mukhang pinagtataguan niya talaga ako. Kahit sa Facebook naka-unfriend na ako. Hindi ko rin maka-usap ng matino si Mieann. Afterwards, nag-decide na lang din akong mag-quit sa pagtugtog sa bar. Wala na rin namang dahilan para ipagpatuloy ko pa ang pagtugtog doon.
      
Kahit papaano naman naiintindihan ko si Lj kung bakit ginusto niyang lumayo sa akin. Siguro kailangan niya ng space. Baka masyado siyang naguluhan sa akin— sa amin.

Alam kong parehas kaming aware na we are more than just friends. Hindi naman ako magiging gano'n ka-affectionate kay Lj at hindi rin naman papayag si Lj na maging gano'n ako sa kanya kung magkaibigan lang talaga kami. But all of a sudden, bigla niyang malalaman na may girlfriend pala ako tapos gano'n ako makitungo sa kanya?


Of course she will be shock and confuse. Ang iisipin niya talaga ay pinaglaruan ko lang siya. Kasalanan ko ito. I cause all of this trouble so I must face the consequence.

Three months have passed and I think that is enough consideration. Now is the time to talk to her. I wanted to clarify all the misunderstanding. I wanted us to be back the way we were before. No, even when we can't go back to the way we used before as long as we can be okay, that's enough. I wanted to talk to her. I wanted to see her smile again. I miss her so much.

Nasa harapan ko siya and I can't help but to stare at her. She's also staring at me. This is the right time to confess. I have enough courage now.

Lalapitan ko na sana siya para magpaliwanag kaso tinalikuran niya ako. Galit pa rin siya sa akin.

Tinawag ko siya pero binalewala niya ako at nagtuloy-tuloy siya sa paglalakad. Hinabol ko siya at pinaharap sa akin. May earphones na nakapasak sa tainga niya kaya tinanggal ko ito. She needs to listen to me. Tinanong ko siya kung bakit niya ako iniiwasan. Alam kong maling tanong iyon pero iyon agad ang pumasok na tanong sa isip ko. Matagal bago siya nakasagot.

"Hindi kita iniiwasan, Nick. Busy lang talaga ako," she answered coldly. She's mad at me. Dammit! Hindi ko maiwasan ang mainis. She's obviously lying.

"Nakita mo ako kanina pero tinignan mo lang ako at ni hindi ka man lang ngumiti sa akin. You just looked at me and pretended that you saw a stranger," sabi ko. I need to calm down. Naiinis ako sa sarili ko. My emotions are slowly ruling over me.

"Look, Nick, busy ako. May next class pa ako. Mawalang-galang na pero pwede bang mauna na ako?" sagot niya. Halatang naiinis na siya. Tatalikuran niya na sana ako pero hinila ko ulit siya paharap sa akin. We need to talk, we need to settle things out.

"Please, Lj. We used to be okay. We used to be friends, 'di ba? What happened to us? Why did we end up being like this?" naitanong ko. Nakita ko siyang humingang malalim.

She confessed. Gusto niya rin nga ako pero galit na galit siya sa akin. Ni hindi niya ako hinayaang makapag-explain. Nasaktan ko siya ng sobra. Napaasa ko siya kahit hindi ko sinasadya. Kung umamin siguro ako noong una pa lang, siguro hindi ganito ang nangyari sa amin ngayon.

'Langya naman kasi, pinugaran akong pangamba at kaduwagan. Ganito tuloy napala ko! Nang sabihin niyang layuan ko siya, umalma talaga ako. Hindi ko kayang gawin yung hinihiling niya sa akin.

AknownymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon