21
Tahimik akong nakaupo habang hinihintay ang order namin. Sa isang restaurant ako dinala ni Nick. Kaharap ko siya at panay lang din ang tingin niya sa akin. Akala ko ba may gusto siyang sabihin? Bakit ang tahimik niya?
"Here's your order. Enjoy!" Isa-isang nilapag ng waiter ang order namin. Parehas na parehas yung order namin ni Nick. Ginaya niya kasi yung order kong pagkain.
Pag-alis ng waiter, tinitigan ko ang seafood pasta sa plato ko. Parang wala akong ganang kumain. Pakiramdam ko, tuyo ang lalamunan ko kaya naman uminom akong pineapple juice.
"Let's eat first?" basag ni Nick sa katahimikan naming dalawa.
"Pwede mong sabihin kung ano man yung gusto mong sabihin habang kumakain tayo," suggestion ko. Sinimulan ko nang galawin yung pagkaing naka-serve.
"I don't think that's a good idea?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"At bakit naman? Pwede natin 'yon pag-usapan habang kumakain so spill it out," sagot ko. In all fairness, masarap pala ang pagkain nila rito.
"I'm about to confess something, okay? I am nervous right now. Gusto kong kumain na lang muna bago ang lahat. I want to eat peacefully."
Anong iko-confess niya? Bakit siya kinakabahan? Gusto kong magtanong pero sa huli ay sumang-ayon na lang ako sa gusto niya.
"Okay, kung 'yan ang gusto mo," tipid kong sagot.
"Instead, pwede muna tayong mag-usap ng ibang bagay para 'di ka naman ma-bored. Let's enjoy this dinner date." Napahinto ako sa pagsubo ng pagkain ko.
Dinner date.
Nag-echo sa utak ko yung huli niyang sinabi ng paulit-ulit. Did he just said 'dinner date' o nag-i-ilusyon lang ako?
"Dinner date?" naisatinig ko.
Huli nang ma-realize ko ang nasabi ko. Ilang ulit yata akong napamura sa utak ko. Kumunot ang noo niya.
"Yes, dinner date. Bakit ano bang akala mo?" tanong niya.
"Sabi mo mag-uusap lang tayo," sagot ko.
"Bakit? Ayaw mo ba akong ka-date? Ayaw mo bang matawag 'tong date? Itong ginagawa natin ngayon, ayaw mo ba? Bawal na ba kitang i-date, Lj?" sunod-sunod niyang tanong.
Parang na-stuck yata sa lalamunan ko yung kinakain ko kaya muli akong napa-inom ng pineapple juice kahit hindi naman ako nauuhaw.
Nanatili siyang nakamata sa akin. Mukhang naghihintay siyang sagot. Ano bang sasabihin ko sa kanya? Bakit ba bigla na naman yata siyang na-bad mood?
"Galit ka ba?" tanong ko.
"Hindi. Bakit mo tinatanong?" may halong iritasyon ang boses niya.
"Sigurado ka?"
"Hindi ako galit, okay?"
"Eh, ba't naiinis ka?"
Naihilamos niya ang palad niya.
"Please, Lj, 'wag mo naman ibahin ang usapan. Hindi ako galit, okay? I'm asking you. Nagtatanong lang ako. Can't you just answer it?"
"Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong isasagot sa tanong mo. Ang buong akala ko kasi ay kakain lang tayo habang nag-uusap. What I know is this is just a dinner not a date," matapat kong sagot.
Ngumiti siya pero saglit lang iyon. Sumeryoso muli yung mukha niya.
"Sorry, masyado akong nadala," sagot niya. Tumaas ang kilay ko.
"Ano ba talaga trip mo ngayong araw, Nick?"
"Trip? Mukha ba akong nanti-trip, Lj?"
"Gusto mo ba talagang sagutin ko 'yang tanong mo?"
Bumuntong-hininga siya. May kung anong emosyon ang rumhistro sa mga mata niya. Maybe he knows what I'm talking about and he's guilty. Guilty pa rin siya!
"Seryoso na talaga ako ngayon," mahina niyang tugon.
Parang nagpantig ang tenga ko sa narining kong sinabi niya. So, talaga bang sinadya niya akong paasahin dati? He said he's serious this time. So hindi pala talaga siya seryoso sa akin noon? Pinagtripan lang ba niya talaga ako? Napahawak akong mahigpit sa tinidor na hawak ko.
"Seryoso ka na talaga ngayon?" pag-ulit ko sa sinabi niya. I try my best to calm down but it doesn't help. "Look, Nick. Saan ba talaga papunta ang usapan natin? Ano ba talagang gusto mong sabihin? Naguguluhan na kasi talaga ako, Nick. Nakakapagod na ring manghula at umasa sa mga ikinikilos mo."
Huli ko nang na-realize yung mga nasabi ko. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya. Nagpakawala siyang malalim na paghinga at lumamlam ang kanyang mga mata.
"That's not what I mean... Look, I'm sorry. I don't know where to start. I'm not really good in expressing my feelings into words…" paliwanag niya.
Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya dahil tumayo na ako.
I'm done hearing his sorry. I'm done listening to his excuse. Pagod na akong umasa at manghula. Walang patutunguhan ang usapan namin. The least thing I can do is save my face.
**
"Lj!" sigaw niya. Nilingon ko siya at nakitang humabol pala siya sa akin palabas ng restaurant. Gusto ko na lang maglaho. Bakit kailangan pa niyang sumunod? "Sandali!"
Dali-dali akong naglakad palayo habang nakatakip sa mukha ko. Hiyang-hiya ako sa nasabi ko. Hiyang-hiya rin ako dahil humabol siya sa akin. Nasasaktan din ako dahil sa posibilidad na totoo ngang sinadya niya akong paasahin.
Napasinghap ako nang maramdaman ko ang kanyang kamay sa aking balikat. Bakit ba naabutan na naman niya ako? Nakakainis yung mahahabang biyas ng binti at braso niya. Nagpumiglas ako.
"Bitawan mo ako, Nick," pakiusap ko. Nanatili akong nakatalikod sa kanya.
Imbes na bitawan ako, naramdaman kong ipinulupot niya ang mga braso niya sa bewang ko. Naramdaman ko rin ang ulo niya sa balikat ko. Natigilan ako dahil sa pagyakap niya sa akin mula sa likod.
"It took me a very long time to have courage. Masyado akong naging duwag kaya umabot tayo sa ganito," panimula niya. Ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko.
"Nick..." tangi kong naisatinig.
Ang dami kong gusto sabihin but only his name came out from my mouth. Nadadala ako sa paraan ng yakap niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya sa balat ko.
"Sorry na," sabi niya. "I'm really sorry to whatever pain I caused you. No action can ever justify the pain I caused you but…" Naramdaman ko ang hininga niya sa balikat ko nang magbuntong-hininga siya. Kung hindi niya ako yakap ngayon baka kanina pa ako natumba gawa ng nanlalambot kong mga tuhod.
"Sorry, ang selfish ko. I caused you pain yet it's hard for me to avoid you." Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko kaya agad ko itong pinunasan. Napatingala ako para pigilan ang muling pagtulo ng aking luha.
"How did we end up here, Nick?" naitanong ko. Kumalas siya sa yakap niya sa akin at hinarap ako.
Iyon at iyon palagi ang tanong ko sa sarili ko. Bakit kami umabot sa ganito? Dati, I am the happiest girl when I'm with him. Pilit kong hinahanap yung saya na 'yon na nararamdaman ko kapag nakikita ko siya. Gusto kong bumalik kami sa panahon kung saan masaya na ako makita ko lang siya.
"The more I see you, the less I know…" sagot niya. "Reasons are just bullshit, Lj. Ang gago ko dahil hinayaan kong umabot tayo sa ganito when I know I will never get over you."
Naramdaman ko na lang ang dalawang hinlalaki niya na pinupunasan ang tumutulo ko na naman palang luha.
"Nick, tama na. Kung pinapaasa mo na naman ako, tigilan mo na kasi pagod na akong umasa. Pagod na akong manghula, ayaw ko na mag-assume, Nick," pakiusap ko. "Okay na naman akong magkaibigan tayo. Just give me a little more time, makaka-move on na ako."
"Mahal kita, El Judie Espinoza. There's no way I will give you time to move on."
The next thing I know, I feel his lips against mine.
BINABASA MO ANG
Aknownymous
Teen FictionAng mga taong nakilala mo, totoo nga bang kilala mo na? Mukhang marami pang hindi alam si El Judie Espinoza tungkol kay Nicholas Brian Tan... xx Sequel of Anonymous.