11
"Good morning po, Ate Esme, ano pong atin?" bati ko sa aming kapit-bahay at ngumiti naman siya sa akin.
"Hi, Chevy," pagbati ko rin sa kanyang anak. Marahan kong pinisil ang magkabila niyang pisngi. Hindi naman nag-react si Chevy ngunit busangot ang mukha niya.
Si Ate Esme kasama ang makulit niyang anak na si Chevy ay kapit-bahay namin. Only child lang ang batang ito at nasa abroad ang daddy niya. Nakapustura silang mag-ina at mukhang kagagaling lang nila sa misa. May dala-dala pang bag si Chevy. Ang cute-cute niya tuloy lalo tignan.
"Ano kasi, Judie, may important meeting ako na kailangan puntahan today kasi urgent tapos nangako ako rito kay Chevy na magmo-mall kami." Tinignan ko si Chevy, mukhang bad mood nga siya dahil nakasimangot. "Pwede ba na ikaw na lang muna ang magbantay sa kanya? Sagot ko ang expenses n'yo. Nagpaalam na ako sa parents mo kanina. Ang sabi nila, okay lang daw sa kanila pero nasa sa'yo raw ang decision kasi baka may gagawin ka raw na iba?"
"Ah, gano'n po ba?x alanganin kong sagot. Nagdadalawang-isip ako kung papayag ba ako. Makulit kasi si Chevy at may pagka-spoiled. Mahaba naman ang pasensya ko pero baka kawawa ako sa batang ito.
"Please Judie, ikaw na muna bahala kay Chevy. Dalhin mo lang sa mall at kung may gusto siyang ipabili, ipapadala ko naman credit card ko." Tinignan niya yung wristwatch niya. "Mali-late na ako. Wala akong ibang mapag-iiwanan." Hinawakan pa niya ang kamay ko kaya naman alanganin na lamang akong napatango.
"Ah, sige po. Ako na lang po muna magbabantay kay Chevy tutal wala naman po akong ibang gagawin ngayon," sabi ko na lamang. Naawa rin kasi ako kay Chevy. Walang magbabantay sa kanya.
"Naku, thanks, Judie!" Sa tuwa ni Ate Esme, nayakap niya ako. Matapos nito ay binalingan niya ang anak niya. "Chevy, baby, behave ka kay ate Judie, ha? Siya muna kasama mo sa mall, okay? May important meeting lang si Mommy." Tumango naman ang anak niya.
"What time ka po uuwi? Ingat ka po, ah?" Napangiti na lang ako sa naging sagot ni Chevy. Buti na lang at naiintindihan niya ang mommy niya at hindi siya nag-tantrums.
"Basta, baby, susunduin ka na lang ni Mommy. Promise me magpapakabait ka kay ate Judie, ha?" pakiusap ni Ate Esme habang inaayos ang damit ng anak.
"Okay po," sagot ni Chevy sabay smile. Ang cute niya, lumitaw pa yung dimples niya sa magkabilang pisngi. Mukhang good mood din si Chevy ngayon dahil hindi man lang siya nag-tantrums.
"So, Judie, ikaw na muna bahala sa kanya, ha? Heto ang credit card ko. Ikaw na bahala. Kung may gusto ka, you can deduct it here. Tatawag ka kung may problema, okay?" bilin niya. Tango lang ang naisagot ko. "Salamat, Judie." Ngumiti siya kaya naman ngumiti rin ako. Binalingan niya ulit si Chevy at nagpaalam na aalis na.
Nang hindi na namin matanaw ang mama ni Chevy ay binalingan ko siya. Nakatingin pa rin siya sa palayo niyang mama. Somehow ay naawa rin ako kay Chevy. Yaya lang kasi niya nag-aalaga sa kanya dahil lagi may trabaho si Ate Esme tapos hindi naman stay in yung yaya niya at every Sunday ay day off nito.
"Chevy, nag-breakfast ka na ba?" tanong ko sa kanya kaya naman binalingan niya ako.
"Not yet but I have foods in my bag," sagot niya. "What time ba tayo aalis?"
"Talaga? Nagugutom ka ba? 'Lika muna sa loob. Kakain muna breakfast si Ate, ha? 'Di pa kasi ako kumakain."
"I'm not that hungry pa naman. I can share my foods with you," sabi niya habang binubutingting yung bag niya. "May bag is so cool. Binili 'to sa akin ni Mommy last Christmas as a gift. Kasya dito foods ko," kwento pa niya.
"Ang sweet naman ni Chevy. Oo nga, ang ganda ng bag mo. Gusto mo si Ate muna magdala ng bag mo? Baka nabibigatan ka na?"
"No, I can handle. Tara na po sa loob ng bahay n'yo. Medyo mainit na po kasi dito sa labas." Natawa na lang ako sa sinabi niya. Kung makapag-yaya parang siya may-ari ng bahay namin. Ang honest niya masyado.
BINABASA MO ANG
Aknownymous
Teen FictionAng mga taong nakilala mo, totoo nga bang kilala mo na? Mukhang marami pang hindi alam si El Judie Espinoza tungkol kay Nicholas Brian Tan... xx Sequel of Anonymous.