20
"Lj, pwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Nick matapos ang subject kung saan kami magkaklase.
"Uhm... Tungkol saan ba? Ano kasi, eh..." utal-utal kong sagot. "Busy ako... Oo, busy ako ngayon. May pupuntahan ako."
"May pupuntahan ka ba talaga o iniiwasan mo lang ako?" direkta niyang tanong kaya naman ntahimik ako.
Totoo. Iniiwasan ko siya. Hindi ko na kasi alam kung anong paniniwalaan ko. Nalilito na naman ako sa kanya. Hindi kasi tugma ang ikinikilos niya sa sinasabi niya. Pilit ko namang pinagsisiksikan sa sarili ko na huwag mag-assume, huwag mag-expect pero kasi yung utak at puso ko, hindi yata talaga magkasundo. Salungat sila palagi. Ang ending, para akong mababaliw. Para akong naliligaw ng landas.
Noong gabi ng gig namin, nung mag-usap kami, ang dami kong gustong itanong sa kanya, ang dami kong gusto sabihin sa kanya pero sa huli pinili ko na lang na manahimik. Kahit isang tanong mula sa isip ko, wala akong naisatinig. Dumating si Ibarra, umalis siya. Natapos doon ang aming gabi.
Pakiramdam ko kasi wala talaga akong kasiguraduhan sa kanya. Minsan nga napapaisip ako kung tama ba talagang nakipaglapit ulit ako sa kanya.
Kapag kasi kasama ko siya, pakiramdam ko may kadena ako sa paa na nakakabit sa isang matibay na haligi. Gustong-gusto ko siya lapitan at maabot pero nakakadena ako. It's like I want to move forward but I am chain with the past.
“Bakit naman kita iiwasan, ‘no?” sa wakas ay natanong ko. Hindi ko alam kung paano ko ito nasabi ng hindi nauutal.
“Yeah, bakit mo nga naman ako iiwasan, ‘di ba?” balik tanong niya sa akin. Hindi ako nakaimik. Ano bang isasagot ko?
Nanatili siyang nakatitig sa akin. Parang may gusto pa siyang sabihin pero nakamata lang siya sa akin. Habang tumatagal ay naiilang na ako sa tingin niya. Nakaka-conscious ng hitsura!
“B-bakit?” tanong ko. I’m getting uneasy with the way he stares.
Ngumiti siya nang nakakaloko. Ngumuso ako para mapigilan din ang aking pagngiti. Bakit siya ngumingiti? Nahahawa ako!
“C’mon, Lj, let’s talk,” pangungulit niya. Malambing ang kaniyang boses. O baka guni-guni ko lang ito?
“Nick, baka ‘di mo napapansin kanina pa tayo nag-uusap. So okay, let’s talk. Spill it out,” sagot ko sa kabila nang kakaibang pakiramdam sa aking tiyan. Butterflies in my stomach, huh?
“Let’s talk over dinner later. Since you look busy at may pupuntahan ka ngayon, I’ll give you time but please sana bigyan mo rin ako nang oras mamaya. Let’s talk over dinner. Pupunta ako sa inyo, susunduin kita.”
Ilang beses ang naging pagkurap ko. I need to process things. He invited me for a dinner at susunduin niya ako sa amin? Sa bahay namin, pupunta siya?!
No way! Ayaw ko nga!
Pagtingin ko sa kinatatayuan niya, wala na siya. Nakita ko ang palayo niyang likod. Ni hindi man lang nagpaalam!
Tinawag ko ang pangalan niya pero mukhang naka-earphones siya. Sinubukan kong habulin siya pero mukhang trip nga yata talaga ako nang pagkakataon ngayon. Biglang naglabasan ang mga estudyante sa sumunod na room. They are blocking my way at nahirapan akong makadaan.
Napasabunot na lang ako sa frustration nang hindi ko na matanaw si Nick. Hindi naman ako pumayag sa gusto niya!
**
“Bakit ba kanina ka pa pabalik-balik d’yan sa nilalakaran mo, Judie? Kung magbihis ka na kaya? Huwag mong paghintayin si Nick,” komento ni Mama.
“Ma, ‘di ba iyon yung kabanda ni Ate na nagpunta dito nung isang gabi? Yung matangkad na naka-half ponytail? Bakit? Niyaya mag-date si Ate?" tanong naman ni Jude. Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya.

BINABASA MO ANG
Aknownymous
Teen FictionAng mga taong nakilala mo, totoo nga bang kilala mo na? Mukhang marami pang hindi alam si El Judie Espinoza tungkol kay Nicholas Brian Tan... xx Sequel of Anonymous.