UNSAID

477 29 2
                                    

25

Hanggang sa makarating kami sa beach resort ay inaasar pa rin nila kaming dalawa ni Nick. Nick seems to enjoy it at ako lang talaga yung nasi-stress sa pang-aasar nila.

Mukhang private beach resort yata itong pinuntahan namin. Hindi ito kalakihan pero maganda ang view at style ng lugar. May isang malaking swimming pool dito sa loob kung saan nakahilera yung ilang cottage. Kita rin mula rito ang dagat sa hindi kalayuan na pwedeng-pwede puntahan. Kaunti lang yung mga tao ngayong araw pero may ilang cottage akong nakita na naka-reserve.

May rooms din sila rito para sa mga may balak mag-overnight or mag-stay ng ilang araw and since hindi naman kami mag-o-overnight dito, cottage lang yung kinuha namin. We settle our things sa loob like our foods, drinks, at yung iba pa naming gamit. May dala pa kaming ihawan. Gusto kasi nilang mag-grilled kami ng pork chop.

"Private beach resort ba ito?" tanong ko kay Mieann. Magkakasama kaming pumunta sa cr para makapagpalit ng swimwears.

"Oo. Mienard choose this para daw may privacy tayo kahit papaano. At least hindi masyadong crowded dito," sagot ni Mieann.

"This is going to be fun!" excited na komento naman ni Tin.

Nang makalabas kami sa c.r ay parang nahiya ako sa suot ko. Naka-two piece bikini sila Mieann at Tin samantalang ako, yung upper part lang ng katawan ko ang nakayanan kong i-expose! Naka-bra ako na pinatungan ng itim na see-through na damit at maong shorts na may short cycling sa loob.

Pinahiram lang sa akin ni Mieann ang suot ko sa upper body. Ang dala ko kasi talaga ay yung rash guard na terno pero ipinagpilitan ni Mieann na huwag daw iyon ang isuot ko. Sa huli napapayag niya ako pero yung upper part lang talaga nakayanan kong suotin.

"Judie naman, ba't 'di ka nag-bikini?" reklamo ni Mieann.

"Oo nga. Long-legged ka pa naman. Bagay sa'yo 'yon. Lalong mai-in love sa'yo si Nick," dagdag pa ni Tin sabay sundot sa bewang ko.

Iyon nga yung dahilan kung bakit ayaw ko mag-swimsuit! Nandito si Nick. Nahihiya akong ma-expose yung balat ko sa harap niya! Hindi ko kaya.

"Naku, okay na 'ko sa suot ko, 'no? Isa pa, hindi naman talaga ako marunong lumangoy, eh," sagot ko na lamang.

Nang makarating na kami sa cottage ay nakita kong nagsisimula nang mag-ihaw sila Mieanard. Parehas silang naka-swimming trunks ni Collo at naka-topless. Si Nick ay naka-trunks din pero naka-gray siyang sando. Litaw na litaw yung kaputian ng mga braso at binti niya.

"Uy, sige na pwede na kayong mag-swimming. Iihawin na lang muna namin itong pork chop at yung bangus dito," sabi ni Mienard nang makita kami.

"Ah, ako na lang mag-iihaw d'yan, Mienard. Ako na bahala," sagot ko.

"'Di ka magsi-swimming? Tara na ro'n sa dagat, Judie!" apela ni Mieann.

"'Di ako marunong lumangoy. Nakakatakot sa dagat baka malunod pa 'ko."

"Tatlo naman tayong pupunta, Judie. Saka may lifeguard naman," dagdag pa ni Tin.

"Okay lang talaga. Susunod ako mamaya. Isa pa, wala pa ako sa mood maligo."

"Sure ka, Judie? Okay lang sa'yo?" tanong ni Mienard. Tumango ako. "Yes! Thank you." Binitawan niya yung karton na pampaypay na hawak niya.

"Thank you, sister-in-law." Inabot sa akin ni Collo yung brush na hawak niya na pampahid ng oil sa pork chop. Namula ako sa tinawag niya sa akin. Binalingan niya yung kapatid niya. "Dude, maiwan ka na rito. Samahan mo." Nakita kong ngumisi si Nick.

"Bes, swimming muna kami!" paalam ni Mieann bago tuluyang humabol sa kanila.

Ngayon, kaming dalawa na lang ni Nick ang naiwan. Nakita kong nakatingin lang siya sa akin. Hindi tuloy ako mapakali lalo na nung lapitan niya ako.

AknownymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon