02| Date

3.4K 66 39
                                    

02| Date




MALAKAS akong napabuga ng hangin nang inilapag ko ang cellphone sa lamesita at nadidismayang napatingin sa orasan. 11:37 am. Hinihintay ko kasing tawagan ako ni Mamá Beauty para malaman kung may pasok ako mamayang gabi. Kailangan ko kasi 'yon para mawala kahit papaano ang mga iniisip ko.

Muli akong napabuntong-hininga ng marinig ko ng tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko iyong inabot at sinipat kung sino ang nag-text. Napangiti ako ng sa wakas ay makita ang pangalan ni Beauty.

Ang sabi'y kailangan niya ako mamayang gabi dahil may costumer daw ang nagrerequest sa isa sa mga Angels niya pero may commitment daw ito sa club mamaya kaya hindi sila available. Pinapakiusapan niyang ako ang pumalit dahil kilalang tao raw iyon. Baka daw sa kangkungan ang bagsak niya kapag tinanggihan niya ito.

Pero saglit akong napaisip. Kung ang Angels ang gusto nito, ibig sabihin ay kailangan nito ng extra services?

Bago ko pa man ma-reply-an ang bading ay muli itong nagtext sa akin. Muli ko iyong binasa na ikinasalubong ng kilay ko. Kailangan lang daw nito ng ka-date mamaya sa gaganaping masquerade party sa isang hotel. Iyon lang daw na extra services ang hihingin nito.

Okay na rin kasi kailangan ko rin ang ibibigay na tip nito. Pero paano kung malaman ito ni Ceth? Hindi pa naman kami gaanong nagkakaayos. Baka lalo itong magalit kapag nagkataong malaman nito ang gagawin ko. Pero..hindi ko naman sasabihin. At sisiguruhin kong wala siyang malalaman.

Pinagpapawisan ako ng malamig habang tina-type ang ire-reply dito. "Okay." Iyon lang ang kailangan na sagot nito. Pero inabot pa ako ng ilang minuto bago pikit mata kong pinindot ang send.

Bahala na.

Makalipas lang ng ilang oras ay binigyan na ako ni Mamá Beauty ng instructions kung ano ang gagawin ko. Unang trabaho ko ito sa labas ng club kaya naman tinuruan na lamang ako ng ilang tips ni Beauty. Ngunit ako na raw bahala kung paano ko mapapa-impress ang isang client na walang ginagawang kahit na anong extra special services. Pero sana nga lang pumasa ako dahil kung hindi'y baka ako ang bumagsak sa kangkungan.

"Mamá Beauty, nandito na ako sa labas ng hotel. Dito ko na lang ba siya hihintayin?" Tanong ko sa kausap sa kabilang linya habang palinga-linga sa paligid. "Saka paano ko pala siya makikilala sa dami ng tao rito? Makikita kaya niya ako?"

Marami na akong nakikitang mga tao na naka-mask at magagara ang kasuotan na nagsisipasukan sa hotel. At bawat dumadaan ay halatang may mga matataas na estado sa buhay. Mga kilala ang pangalan. Hindi tulad ko na hindi na yata maitatago ang kinagisnang buhay kahit anong damit pa ang suotin. Mabuti na lang at pinadalhan ako ni Beauty ng maisusuot kung hindi'y baka kurtina lang ang gawin kong gown.

"Huwag kang mag-alala, girl. Pinadala ko ang picture ng damit mong suot kaya alam kong mahahanap ka niyon. Saka sinabi ko na rin sa kanya kung ano ang ayos mo kaya paniguradong madali ka niyang makikilala." Maarteng tugon ni Mamá Beauty na may kinausap pa sa background. "Anyways, magsisimula na kami. Hintayin mo na lang siya dahil kanina pa iyon on the way. Malamang malapit na iyon diyan. Basta enjoy na lang din, okay? And don't forget, the tips. Hmm?"

"Sige. Salamat." Hinintay ko munang mawala ito sa linya bago ko ibinaba ang aparato. Pagkuwan ay itinago na iyon sa hand pouche na dala.

Aminin ko man sa hindi ay kanina pa ako kinakain ng nerbiyos. Sa unang pagkakataon kasi ay gagawa ako ng alam kong mali. Pero sa tuwing iniisip ko naman na para iyon kay Ceth ay gumagaan kahit papaano ang nararamdaman ko.

Sa huling pagkakataon ay nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga.

"I hope that sigh wasn't because I am your date tonight?"

Trapped To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon