39| 24 Hrs

523 15 6
                                    

39| 24 Hrs




"I DON'T want to admit it, little bird, but Ceth's no longer the same. Mas gugustuhin pa raw niyang bumalik kay Orrest Vasilis kaysa ang manatili rito. Nagtatago. Tumatakbo na parang mga kriminal."

Gustuhin ko mang itanggi ang sinabi ni Tyson ay mas alam ko sa sarili ko na tama ito. Huminga ako ng malalim at sumandig sa likod ng inuupuan. Ipinagpatuloy namin ang pag-uusap ni Tyson matapos naming mag-dinner. Hindi na bumaba si Ceth kaya pinahatidan na lamang ito ng pagkain.

Naiintindihan kong gusto nito mapag-isa dahil alam kong naguguluhan pa rin ito sa mga nangyayari. Kaya naman sa halip na pilitin itong kausapin ay pinili ko na lamang na hayaan muna ito.

"Gusto kong isipin na kaya siya naging ganito ay dahil sa mga pinagdaanan niya. Pero alam ko hindi iyon dahil lang doon. Napansin ko na iyon sa tuwing nagkakausap kami." Napahaplos ako sa batok nang maalala ang mga araw na hindi ko nilubayan ang kapatid. "Ang mga mata niya na dati'y madali ko lang makita ang emosyon doon. Ang boses at amoy niya na lagi kong gustong marinig at masamyo noon. Lahat iyon, iisa lang ang nagmamay-ari. Ang kapatid ko. Pero pakiramdam ko hindi ko na kilala ang taong kaharap ko."

"Alam kong masakit makita na 'yong taong buong buhay mong kilala..bigla na lamang magbabago. But you are his only family, alam mong ikaw lang ang tanging nakakakilala at nakakaintindi sa kanya." Ginagap ni Tyson ang kaliwang kamay na nakapatong sa armrest ng inuupuan ko. "So don't ever give up on him, little bird. That's where you're good at, right?"

Sasagot na sana ako nang marinig namin ang sigaw ni Ravi. "Guys! This is bad! This is fucking bad!"

Halos sabay kaming napatayo ni Tyson nang makalapit ang lalaki sa amin akay-akay si Lite. Mayroon itong sugat sa braso at tagiliran nito.

Bago pa man ako nakapagtanong ay naunahan na ako ni Tyson, "what happened to Lite?!"

"It was the little brother! We saw him sneaking out through the balcony so we tried to stop him. But he escaped—"

"S-sorry, boss. We couldn't stop the kid." Si Lite ang nagsalita na pinilit iangat ang ulo pero muli iyong bumagsak. "Fuck.."

Marahas na bumuntong-hininga si Tyson. "I know. Ceth was just... too strong for the both of you," wika ng lalaki na parang kahit ito'y hindi pa makapaniwala sa nangyari.

Maging ako'y hindi rin makapagsalita. Kakukuha lang namin sa kanya. Bakit kailangan niya pang bumalik doon? Bakit?!

I have to find him. I have to get him.

Hahakbang na sana ako nang hawakan na agad ni Tyson ang braso ko. "Don't, little bird. You can't save him this time. Siya na ang kusang pumunta kay Orrest. Kapag sinubukan natin siyang iligtas ulit, babalik at babalik lang siya doon. Mapapagod ka lang."

"Pero hindi ko na lang siya pwedeng hayaan doon! Hindi pwede! Ngayon pang nagkasama na ulit kami?"

"Pero si Ceth na ang nagsabi, hindi ba? Mas gusto niyang naroon siya sa mga Vasilis. You can't make him listen to you anymore. I told you he's no longer the same brother you knew he was. Ikaw na rin ang nakakita."

Napapahaplos ako sa buhok na umiling. "Anong gusto mong gawin ko? Maupo na lang dito at walang gawin? Hintaying si Orrest mismo ang magbalik kay Ceth sa akin? Alam mo namang napaka-imposible niyon!"

"At anong plano mo, ha? Sumugod doon at magmakaawang ibalik si Ceth sa'yo? What if si Ceth na ang umayaw? Gusto mo pa talagang marinig iyon mismo sa bibig niya?!"

Natameme ako sa sinabi nito. Ano nga bang gagawin ko kung mismong si Ceth na ang magsabi sa aking ayaw na nitong bumalik? Na mas gugustuhin pa nitong ibuwis ang buhay sa pakikipaglaban sa underground kaysa ang manatili sa tabi ko. Makakaya ko nga bang hayaan na lamang ito? Handa ba ako sa magiging desisiyon nito?

Trapped To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon