27| Little Break

1.1K 37 7
                                    

27| Little Break




TANGING pagkalansing lang ng mga kubyertos ang maririnig nang umagang iyon habang kumakain kami ni Orrest. Hindi na iyon bago sa amin. Ngunit hindi ko maikakaila ang bigat na nararamdaman sa pagitan naming dalawa.

At alam ko kung bakit.

Kagabi pa kasi ako hindi mapakali dahil inuusig ako ng kung anong konsensiya dahil sa nangyari sa pagitan namin ni Tyson. Kahit na sinabi kong hindi pagmamay-ari ni Orrest ang puso at katawan ko, alam ko pa rin sa sarili kong nakagawa ako ng mali. Asawa ko na si Orrest. At sa mga mata ng tao at ng Diyos, pagtataksil ang ginawa ko. Kaya nga hindi ko alam kung paano ko siya ngayon pakikiharapan.

Palihim kong sinulyapan ang lalaki habang kunwa'y umiinom ako ng kape.

"Do you have something to say, little vixen?"

Nagulat ako nang bigla itong mag-angat ng tingin sa akin. Muntikan pa akong mapaso sa iniinom kung hindi ko lang agad nailayo ang bibig sa tasang bahagyang natapon.

"A-ano 'yon?" Wika ko matapos punasan ang bibig.

"You're staring." Anito na ipinatong ang kanang siko sa armrest ng kinauupuan nito. "I'm wondering if you have something to say to me."

Ha? Kanina pa ba ako nakatitig sa kanya?

"Is there any problem?" Muling tanong nito.

"Problem?"

"Well, you've been acting like this ever since we left the party last night." Inilagay niya ang baba sa nakasalong kamay nito at saka ako pinakatitigan. "Tell me, may nangyari ba kagabi na hindi ko alam?"

Binundol ako ng kaba nang marinig iyon. Hindi ko alam kung sasabihin ko ang tungkol sa nangyari pero minabuti ko na lamang na ilihim iyon. Kahit na sabihin ko kasi iyon rito'y alam kong magagalit lamang ito. At ayokong isipin ang maaaring kahinatnan ni Tyson kapag nangyari iyon.

"No. Nothing happened." Saad ko na kinuha ang table napkin at muling pinunasan ang bibig. Para mapakalma ang sarili'y pinili kong ibahin ang usapan. "Saan nga pala ang punta natin ngayon?"

"I have no appointments today," itinulak niya ang upuan at saka tumayo, "but you're coming with me. We're going somewhere."

"Saan?"

Hindi na niya ako sinagot bagkus ay kinuha lang nito ang cellphone at may tinawagan. Nang ibaba nito iyon ay saktong pumasok si Andrius sa dining room kasama ng apat na tauhan nito.

"The car is ready, Master." Anunsiyo nito kapagkuwan ay binalingan ako. "Goodmorning, Miss."

Tumango ako. "Goodmorning rin, Andrius."

Bahagya itong yumukod sa amin bago kami tinalikuran. Sa ilang araw na nakasama ko si Andrius ay masasabi kong napakaseryoso nitong tao. Yes, maybe he's a bit rude. Ngunit hindi rin maikakailang may tinatago rin itong kabaitan. Minsan ko na iyong nakita pero hindi nito iyon alam.

Halos si Orrest lang kasi ang nakakausap nito. Kung naroon man kasi ito'y minsan lamang itong magsalita. Na animo isa itong istatwang nakatayo sa tabi ng lalaki kung hindi lang ito laging abala sa pagkalikot ng tablet nito. Minsan tuloy gusto kong makita ang nilalaman ng tablet nito kung bakit ganoon na lamang nito iyon bigyan ng atensiyon.

Tinungo na namin ang sasakyan na gagamitin. At tulad ng dati, bago pumasok ay iniabot ni Andrius ang mahabang black coat kay Orrest.

"Are you sure you don't want me to accompany you, Master?" Tanong ni Andrius matapos maisuot ang coat sa lalaki.

Trapped To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon