43| The Loss

464 16 5
                                    

43| The Loss

3rd Person's PoV




THREE weeks later after the incident.

"How is the Young Master, doc?" Tanong ni Andrius sa matandang doktor na kalalabas lang sa private room ng lalaki matapos nito iyon suriin.

Tinanggal muna nito ang face mask at cover sa buhok nito pati na rin ang gloves nito bago siya sinagot.

"He's still unresponsive as of now. Though most of his wounds and burns are now healing, we can't still say for sure that he is out of danger."

Nagsalubong ang kilay ni Andrius mula sa narinig. "What do you mean, doc? Is there something wrong with him?"

"Well, he is in a deep coma so we are not sure kung ano ang pwedeng mangyari at kung kailan siya maaaring magising. Right now, all we can do is just wait and hope that he'll recover soon." Wika pa nito na tinignan ang Master niya.

"I see." Aniya at makailang ulit na tumango. "Thank you, doc."

"Alright. I'll see him later."

Isang tango na lamang ulit ang isinagot ni Andrius at saka muling ibinalik ang tingin sa Master niya na nananatiling walang malay. Nakapada ito dahil malalim ang natamong sugat nito sa likod. Half of his back are almost burned kaya matagal iyon bago humilom. Kahit kasi nagawa nilang makaligtas sa pagsabog ay malalaking sugat naman ang natamo nila. Kung ito'y sa likod— siya nama'y sa kanang pisngi at kanang braso. May bali rin ang kaliwang balikat niya dahil sa lakas ng impact nang pagkakalanding nila sa tubig. Though ang Master niya ang mas malala dahil sa ulo ito naapektuhan kaya nasa coma ito.

They were both lucky that he found a parachute before everything explodes. Because if not, hindi niya masasabing buhay pa silang makakarating sa lupa.

They had escaped death but he would consider it a miracle. Isang bagay na minsan niyang hindi pinaniniwalaan na mangyari. Because even though it's been a few weeks already, he can't still forget about what happened.

It's been replaying on his mind. Every time he's closing his eyes. Para kasi sa kanya isa iyong malaking bangungot. His Master almost got killed. What if the parachute wasn't there? What if they didn't make it? What if nakasama sila sa pagsabog?

Lahat ng posibilidad na iyon hindi maalis sa isip niya. It's haunting him. Like it was his fault for letting those guys gets near to his Master. Like it was his fault for not seeing their plan. For not keeping an eye on Monte.

Hindi niya kayang kalimutan iyon kahit na siguro lumipas pa ang maraming taon. Dahil iyon ang unang pagkakataon na hinayaan niyang mapahamak ang Master niya. Tumagal siya ng maraming taon sa tabi nito dahil sa tiwala nito sa kanya. Dahil sa alam nitong poprotektahan niya ito kahit anong mangyari. But that time, he let him down. He let his guard down confidently because he thought they got the upper hand. They always have.

But things went south when Monte pulled off that bomb thing. They didn't expect that. They never thought he would do that. They got fooled by him.

Mariin niyang kinuyom ang kanang kamao. Naka-cast ang kaliwang braso niya kaya hindi niya iyon maigalaw. Right now, he is useless. He can't do anything while his Master was battling to live on his own. All he can do is watch and wait until he woke up. And that's the thing he hate the most. Doing nothing.

"How's O, Andrius?"

Gulat siyang napalingon sa nagsalita. It was Rouge. Mukhang kadarating lang nito. Hindi niya alam kung saan at kung ano ang ginawa nito. Pero sa pagkakakilala niya rito tanging ang Master lang nila ang nakakaalam ng mga ginagawa nito at kung saan ito pumupunta.

Trapped To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon