18| Warning

1.9K 38 40
                                    

18| Warning




NASA private beach resort kami na pag-aari ng pamilya ni Tyson ng araw na iyon. Kasama namin si Ceth na ipinakilala ko na kina Tito Ritz at kuya Maurize na siyang nagplano na pumunta rito. Naikuwento na kasi ni Tyson ang tungkol kay Ceth kaya naman gusto nilang magsama-sama muna kami para daw makapag-enjoy.

Sa ngayon, kausap ni Ceth si kuya Maurize na parehong abala sa pag-iihaw. Samantalang si Tito Ritz ay pinili na lamang magbasa ng magazine sa cottage na napili nila. Nang ibalik ko ang tingin sa dalawa na patuloy pa ring nag-uusap ay hindi ko napigilang mapangiti nang makitang tumawa si Ceth sa kung anong sinabi nang hindi man lang nagbabagong ekspresiyon na si kuya Maurize.

Nagbiro kaya ito? Pero bakit hindi man lang ito ngumiti?

Minsan napapaisip akong masyadong misteryoso si kuya Maurize. Limit na nga lang kasi ngumiti kung magsasalita pa'y lagi pang paseryoso. Hindi ko alam kung ganito lang ba talaga ito o lagi lang itong may iniisip dahil sa trabaho.

At para bang nararamdaman nitong may nakatingin rito nang bigla na lamang itong mag-angat ng tingin at bumaling sa akin. Tuloy ay agad akong napaiwas ng mga mata at nagsimulang maglakad-lakad sa may dalampasigan.

Hindi ko pa rin kasi maiwasang mahiya rito lalo na kapag naaalala ko kung ano ang naglalaro sa isipan nito nang madatnan nila kami ni Tyson sa living room. Kasama nito si Harris na siyang matalik na kaibigan pala ni Tyson na noo'y kauuwi lang galing sa France. At kapag naiisip ko iyon ay hindi ko pa rin mapigilang pamulahan ng mukha.

Bakit kasi hindi ko man lang naisip no'n na baka nga may pumasok sa bahay? Nasa living room kami no'n at natural lang na mag-assume kami na may papasok doon. Pero kahit kasi iyon ay nakalimutan na namin pareho ni Tyson. Basta kasi kapag natuon na ang atensiyon namin sa isa't isa'y hindi na namin napapansin ang nasa paligid namin.

Tumigil ako sa paghakbang at nakita kong inilalagay na ni kuya Maurize ang mga inihaw sa platong kinuha ni Ceth.

Mukhang tapos na sila.

Napapiksi ako sa kinatatayuan nang maramdaman ko na lang ang pagpulupot ng mga braso sa beywang ko. Paglingon ko'y si Tyson pala. Nakasuot na ito ng swimming trunks tulad ni Ceth. Samantalang si Tito Ritz at kuya Maurize nama'y mas pinili lang na magsuot ng white linen beach pants.

Hinaplos ko ang pisngi ng lalaki nang halikan niya ang leeg ko.

"What are you looking at, hm?" Bulong nito na tinignan ang dalawang lalaki na ngayo'y naghahanda na ng mga pagkain na niluto nila. "Are you watching my brother?"

Nangingiti akong umiling na hinarap ito. "Mali. Tinitignan ko lang kung tapos na silang magluto. Kanina pa kasi ako nagugutom."

Sumulyap siya muli sa cottage bago ibinalik ang tingin sa akin. "Well, I think the food is ready for you."

Natawa ako nang bitawan na ako nito at iginiya na patungo sa tatlong lalaki na nakapalibot na ngayon sa concrete table. Magkahugpong ang mga kamay namin na lumapit sa tatlo na sabay-sabay tumingin sa amin.

"Let's eat." Anunsiyo ni Tito Ritz na sinang-ayunan din naming lahat.

Matapos rin namin kumain ay agad na kaming nagtampisaw sa dagat. Limitado lang kasi ang oras namin kaya sinusulit na naming lahat ang pagsasaya. Plano sana naming mag-overnight pero dahil may trabaho pang naiwan sina Tito Ritz at kuya Maurize sa kompanya nila'y kailangan naming umuwi.

Trapped To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon