13| I Love You

1.9K 44 24
                                    

WARNING: Contains mature content ahead. R18+

13| I Love You




MAKALIPAS lang ng ilang araw, wala na akong nabalitaan tungkol kay V. Hindi na siya nagpapakita sa akin at wala na rin akong nararamdaman na may mga matang nakasunod sa amin. Ibig sabihin lang niyon, tinitoo nito ang sinabi na lulubayan niya na ako.

Pero magkagun man ay nag-iwan pa rin ito ng paraan para matawagan ko ito. Dahil mula sa bulsa ng suot kong pantalon ay natagpuan ko ang calling card na marahil iniwan nito bago ako inihatid sa bahay namin. Kung paano pa ako nito naipasok sa bahay ay hindi ko na nalaman pa.

Sa ngayon, iniisip ko pa kung tatawagan ko ito matapos ko ng makita ang disk sa nakakalat na mga gamit ni Ceth. Nahalungkat ko ito no'ng isang araw na maglinis ako sa kwarto naming dalawa. No'ng una'y hindi pa ako sigurado kung iyon ang hinahanap ni V. Pero nang tinanong ko si Ceth ay hindi niya raw alam kung kanino iyon. Wala daw siyang ideya kung paano iyon napunta sa mga gamit niya.

Kaya naman doon ako nakasigurong wala ngang kamalay-malay ang kapatid sa bagay na dinala nito sa bahay namin.

"Is that okay for you, little bird? ...Little bird? Chandra."

"Ha?"

Mula sa malalim na pag-iisip ay napakurap ako ng ilang beses nang marinig ko ang boses ni Tyson. At sa magkasalubong nitong mga kilay ay alam na nitong wala ang atensiyon ko sa kanya.

"S-sorry, Tyson. Ano ulit iyon?"

Mula sa pagkakaupo sa sofa ay lumayo ito sa akin. Narito kasi kami sa isa sa exclusive room nang club. Dahil kung may VIP para sa mga guests na naghahanap lang ng entertainment. Ito namang kwarto ay para sa mga taong ang hanap ay panandaliang aliw. Kunbaga, halos mga Angels ang gumagamit nito. Kaya bukod sa sofa ay isa iyong buong kwarto. May king size bed, tv, mini-fridge at iba pa na mahahanap mo sa isang hotel room. Kaya nga doble ang presyo niyon kaysa sa VIP room. At ilang araw na rin magmula ng gamitin namin iyon ng nobyo.

Nobyo. Pero kahit sino man sa mga kakilala ko ay wala pang nakakaalam niyon. Kahit nga ang kapatid ay hindi pa ito pormal na nakikilala. Kaya nga kinukulit na ako ng lalaki na bumisita ulit sa bahay para daw kahit papaano ay may nakakaalam na ng tungkol sa amin. Dahil ano pa raw ang silbi niyon kung hindi rin naman daw niya ako maipagmamalaki.

Pero dahil nga sa sitwasyong ito ay pinakiusapan ko muna ang lalaki na hindi sabihin ang tungkol sa amin kahit kanino. Dahil natatakot ako na baka makarating iyon kay Mada'm. Sa pagkakaharap ko pa naman rito'y masasabi kong ito ang klase ng tao na hindi pipiliing maupo na lang at walang gagawin.

Nabalik ang atensiyon ko kay Tyson nang marahas itong bumuga ng hangin.

"You're at it again, little bird."  Madilim ang anyo na saad nito. "I've been busy at work. But I'm trying to make a time for you. Because I thought magtatampo ka o magagalit kapag nawalan ako ng oras sa'yo. But I guess I'm the only one who's serious about this stupid relationship."

"Wait, anong ibig mong sabihin?"

"You thought I didn't notice?" Nilingon miya ako. At nagulat ako sa nakitang sakit na dumaan sa mukha nito na agad rin namang nawala. "You've been spacing out lately! It's as if you didn't even know that I am here! That you didn't even care!"

Nalukot ang gwapo nitong mukha sa pagkakasigaw nito. Kaya lumapit ako at hinawakan ito sa magkabilang pisngi para ipaharap siya sa akin.

"Tyson," masuyong wika ko na makailang ulit hinaplos ng hinlalaki ang parehong pisngi nito para kumalma ito. At mukhang epektibo naman iyon ng unti-unti'y lumamlam ang ekspresiyon nito, "I'm sorry. Hindi ko sinasadyang iparamdam sa'yo na parang hindi ako seryoso sa relasyong ito."

Trapped To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon