19| Missing

1.6K 38 41
                                    

19| Missing




"THANK YOU, Officers. Tawagan niyo na lamang ako kapag may nalaman na kayo tungkol dito. Maghihintay ho kami." Narinig kong sabi ni Tyson sa tatlong pulis na kaharap nito na sabay-sabay naman tumango. Ilang minuto pa nagtagal ang pag-uusap nila bago nakipagkamay ang lalaki sa tatlo at saka sila tuluyang umalis.

Nang mawala na'y nilapitan na ako ng lalaki na ngayo'y iniayos ang nakapatong na balabal sa balikat ko. Tumabi siya sa akin sa pagkakaupo sa sofa.

"Chandra, do you..do you want me to get you something to drink?" Kiming tanong nito na kanina pa hindi malaman kung paano ako kakausapin.

Pero sa halip na sagutin ito'y iba ang lumabas sa bibig ko. "Nakita na ba nila si Ceth?"

"Chandra.." Naaawang sambit nito. Hindi niya alam kung sasagutin ako sa nalaman pero mas pinili pa rin niyang sabihin sa akin ang totoo. "They haven't found any body nor any sign na may nakasama sa pagsabog. Ang sabi nila susuriin ulit nila ang bahay niyo para makasiguro sila."

May sumilay na pag-asa sa dibdib ko ng marinig iyon. "Kung ganun, may posibilidad na buhay pa si Ceth? Na nakaligtas siya sa pagsabog?"

Marahan niyang ipinilig ang ulo. "Hindi pa rin tayo nakakasiguro. Maaari daw kasi na sobrang nadurog ang katawan ni Ceth sa malakas na pagsabog ng bomba kaya mahirap para sa kanila na makakita ng mga labi nito."

"At anong gusto mong sabihin?"

"There's a posibility na hindi na raw makikita ang katawan niya."

"Anong pinagsasasabi mo diyan?! Hindi pa patay si Ceth! Bakit ba sinasabi mo 'yan?!" Malakas kong asik dito na napatayo sa harapan nito. "Kung ganun na lang kadali sa'yo na maniwalang wala na si Ceth, puwes hindi ako! Hangga't hindi nakikita ang katawan niya'y alam ko na buhay pa siya!"

"Little bird, calm down." Pagpapakalma nito sa akin na makailang ulit hinaplos ang mga braso ko. "Sinasabi ko lang ang pwedeng mangyari. At alam mo na kailangan nating maging handa sa kung ano man ang magiging resulta."

"Pero hindi pa siya patay. Nararamdaman ko iyon, Tyson. Ramdam kong buhay pa siya." Paulit-ulit kong anas na napasandal sa dibdib nito. "Buhay pa ang kapatid ko."

"Shh. It's alright." Aniya na masuyong hinahagod ang likod ko. "I know everything's gonna be okay."

Iyon sana ang gusto kong paniwalaan. Iyon na lang din ang pilit kong pinanghahawakan. Pero habang lumilipas ang mga araw, habang patagal ng patagal ay parang gusto ko na lang matapos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Kaya siguro no'ng isang araw na maiwan akong mag-isa sa bahay nina Tyson dahil abala ito sa pakikipag-ugnayan sa mga pulis ay naisipan kong tapusin na lang ang paghihirap ko.

Para saan pa kasi ang buhay ko kung wala naman na ang kapatid ko? Kung wala na si Ceth na siyang tanging dahilan ko para magpatuloy? Para kanino pa ako ngayon lalaban? Para kanino?

Siguro'y ganitong ganito ang naramdaman ni Tyson no'ng mawala sa kanya ang ina at kapatid niya. Kaya marahil ganun na lang kasakit para sa kanya nang sabihin kong huwag niyang sisihin ang sarili. Dahil tama ito, wala akong alam sa pinagdaanan niya.

Pero ngayon mukhang alam ko na. Nararanasan ko na ang sinabi ni Tyson na wala akong ideya sa nararamdaman niya. Kaso ang pinagkaibahan nga lang namin ay may natira pa kay Tyson. May mag-aalalay pa sa kanya. May nagmamahal pa sa kanya. Pero sa akin wala na. Ubos na ubos na. Si Ceth na nga lang naiwan... kinuha pa.

Wala ng itinira sa akin. Kinuha na Niya lahat.

Kaya siguro hindi ako nakakaramdam ng takot ngayon habang nakatutok sa mismong puso ang nakuhang gunting sa drawer ng kwartong tinutulugan ko. Kasi kahit alam kong kasalanan ang gagawin, alam ko naman sa sarili kong para iyon sa kapatid.

Trapped To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon