30| Hate Me

1.2K 36 15
                                    

30| Hate Me




"OH, MY. You're flattering me too much, Moritz." Matunog na tumawa si Tita Yvette na kausap si Tito Ritz.

"I was just telling the truth. Maybe this is the reason why Oliver can't leave you. Your beauty's still radiating."

Muling tumawa ang Ginang sa narinig samantalang nakita kong napaismid lang ang asawa nitong sumimsim ng wine.

I know there was something wrong between them. Pero marami na akong problema para pagtuunan pa sila ng pansin.

Katulad na lamang ng tensyon na kanina pa namamagitan sa amin nina Orrest at Tyson. Tapos na ang nakakabinging dinner namin pero ni isa sa amin ay walang nangahas na umalis o tumayo man lang doon. Animo kasi nakadikit ang pang-upo ko sa kinauupuan dahil sa bigat niyon.

Tanging si Sir Oliver, Tita Yvette at Tito Ritz lang ang nag-uusap sa amin kanina pa. Minsan sumasali si kuya Maurize kapag tinatanong ito tungkol sa mga pinagkakaabalahan nito.

I missed both of them.

Nang makita ko sila kanina'y hindi ko sila nakitaan ng kahit na anong emosyon. Kahit si Tito Ritz na akala ko'y makikita kong galit oras na malaman nitong iniwan ko si Tyson para lamang magpakasal kay Orrest.

Inakala kong kokomprontahin niya ako kanina nang makalapit kami. Pero sa halip ay ngumiti pa siya sa akin nang mahalikan ko ang pisngi niya. Walang tanong. Walang panunumbat. Nagpatuloy lang siyang nakipag-usap sa mag-asawa na parang hindi ako kilala.

Alam ko kung gaano ito kadismayado sa naging desisyon ko. Nasaktan ko ang anak niya. Kaya dapat lang sigurong hindi na ako umasa pang mapapatawad niya rin ako.

"Son, why don't you ask Maurize and Tyson at the garden?" Bigla ay baling ni Sir Oliver sa anak nito nang dumako na sa ibang topic ang pinag-uusapan nila.

Napatingin ako kay Orrest na kanina pa blanko ang ekspresiyon habang nakaupo sa tabi ko. Kaharap ko si Tyson samantalang kay Orrest ay si kuya Maurize naman. Ang katabing babae nito na nangngangalang Layla ay pinakilalang personal assitant nito. Pero naalala kong nabanggit ni Tyson ang relasyon ng dalawa.

"...Sure." Iyon lang ang sinagot nito pero sapat na 'yon para malamang hindi ito sang-ayon sa sinabi ng ama. Ngunit dahil walang magagawa'y tumayo na rin ito.

Dali-dali kong sinundan ang lalaki nang dahan-dahan na ring nagsipagtayuan sina kuya Maurize at Tyson.

"If you'll excuse us then." Narinig kong saad ni kuya Maurize. "The food was great, by the way."

"Oh, I'm glad you liked it." Si Tita Yvette na sinundan na lamang kami ng tingin.

Hinabol ko si Orrest na nakita kong lumabas sa malaking pintuan na salamin.

Paglabas ko doon ay bumungad sa'kin ang napakalakawak na hardin. Hindi na ako nagulat sa laki at ganda niyon.

Ngunit lagi akong napapaisip kung bakit nagpapagawa pa sila ng ganito kagandang landscaped garden kung wala namang nakaka-appreciate niyon? O baka naman ginagawa lang nila ito para masabi kung gaano talaga kalawak ang nasasakop nilang lupa.

"Aren't you used to this?"

Bahagya akong napakislot sa kinatatayuan nang marinig ang malalim na boses na iyon malapit mismo sa tenga ko. Ngunit sa halip na lingunin ito'y nagpatuloy ako sa paghakbang patungo kay Orrest na nakita kong kausap na si kuya Maurize. Pero hindi pa man ako nakakalayo nang mabilis na niyang hinuli ang kanang braso ko para pigilan.

"I have a plan. I can get you and Ceth out of here." Mas mahinang bulong nito sa tenga ko. "Just give me a signal— a call. And I'll do it."

Pinilit kong hilahin ang braso rito pero mas lalo lamang nito iyong hinigpitan.

Trapped To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon