35| The Reunion

785 25 6
                                    

35| The Reunion




"KILL ME, little vixen. Kill me now before I could kill you."

Napalingon ako kay Orrest nang marinig ang boses nito. Pero nagulat na lamang ako ng makita ang duguan nitong mukha maging ang katawan nito.

"Everything about me is stained with blood."

Nakita ko ang pag-angat nito ng kaliwang kamay. At mula roon ay lumitaw ang isang baril na nakatutok ngayon sa akin.

"Orrest..." Nahihintakutan kong sambit sa pangalan nito.

"Run." Wika nito. "Run away from me and never look back."

Umiling ako.

Gusto ko sanang sabihin na magiging maayos lang ang lahat. Na hindi niya piniling maging ganito. Wala siyang kasalanan doon. Pero bakit hindi ako makagalaw? Bakit nanginginig ako sa takot?

Is it because right at those moments..I already understand what it means to have seen a real monster right before your eyes?

"O-Orrest?" Nagulat na lamang ako ng makitang nasa harapan ko na ito. Nakatutok mismo ngayon sa noo ko ang baril nito.

"I told you to run."

"Wait, Orrest—"

Hindi ko na natapos ang sinasabi nang kasabay ng pagbanggit ko sa pangalan nito ay siyang pagkalabit nito sa gatilyo. Napuno ang mukha nito ng sarili kong dugo. Ngunit animo wala lang rito ang ginawa habang blanko ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

"Never trust me, little vixen." Wika pa nito bago unti-unting nawala sa paningin ko.

No... wait, Orrest!

Orrest—!

Habol ang sariling paghinga nang mapabalikwas ako ng bangon. Para akong binuhusan ng kung anong malamig na tubig dahil sa malagkit na pawis na bumabalot sa katawan ko. Pero nang mapagtanto kong panaginip lamang pala ang lahat ng iyon ay malakas akong napabuga ng hangin. Parang totoong-totoo ang nangyari.

Napapahaplos sa mukha na humilig ako sa headboard ng kama. Ngunit agad rin akong napaigik ng maramdaman ang kirot na nagmumula sa tagiliran ko. Hindi lang iyon, noon ko lang napansin na parang pinipiga ang ulo ko dahil sa sakit.

Nang hawakan ko ang likod ng ulo ay saka ko lamang naalala ang nangyari.

That's right. Nabaril at nahampas pala ako ng upuan sa likod ko. No wonder parang binagsakan ng kung ano ang buong katawan ko. Sobrang nananakit.

Gusto ko pa sanang magpahinga pero nag-aalala ako kay Orrest nang maalala ang huling nakita sa mansion. Kinakain ako ng takot sa pag-iisip sa kalagayan nito.

I just hope he's okay.

Inilibot ko ang paningin sa buong kwarto. Hindi iyon pamilyar sa akin. Pero kung tama ang hula ko'y isa marahil iyon sa mga bahay ni Orrest.

Nang tanggalin ko ang kumot para sana bumaba na sa kama ay natigilan ako. Ramdam ko kasing wala akong kahit na anong saplot sa ilalim ng oversized shirt na suot ko na halos umabot lamang hanggang tuhod. Hindi ko natatandaang may ganitong t-shirt ang lalaki.

Mula sa suot na damit ay hindi sinasadyang napadako ang tingin ko sa veranda kung saan bahagyang nahawi ang kurtina na tumatabing doon. At mula roon ay nahagip ng mga mata ko ang pigura ng lalaki. Nakatayo ito at mukhang nakatanaw sa labas ng balkonahe.

"Orrest?" Tawag ko rito pero mukha yatang hindi ako nito narinig.

Kaya naman sa halip na hintayin pa itong pumasok ay dahan-dahan na lamang akong bumaba sa kama at maingat na naglakad patungo rito. Sapo ang tagiliran na lumapit ako sa lalaking hindi pa yata namamalayang nagising na ako.

Trapped To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon