06| Little Vixen

2.4K 68 46
                                    

06| Little Vixen




TULAD ng inaasahan, marami akong naging costumer na VIPs' ng gabing iyon. Kaya naman halos magreklamo na ako sa pagod na nararamdaman. Dagdagan pang may iilan na mga pasaway na costumers. Pero dahil nangako ako kay Mamá Beauty ay kailangan ko itong panindigan.

Akala ko nga buong gabing sira ang mood ko dahil sa mga costumers ko. Pero parang bula na nawala ang lahat ng pagrereklamo ko nang tumawag sa akin si Tyson. Namimiss niya na raw kasi ako kahit na isang araw pa lamang siya sa Tarlac. Para daw kasing ilang linggo na ang nakakalipas nung huli niya akong makita. Kaya kahit daw boses ko lang ang marinig nito'y okay na siya.

Naku, kung wala lang akong kaharap na guests nang mga oras na iyon ay baka napahagikhik na ako sa nararamdamang tuwa. Ang galing lang talaga kasi nitong mambola.

At dahil nga limitado lang din ang oras nito'y agad din siyang nagpaalam. Aminin ko man sa hindi pero namimiss ko rin ang lalaki. Lalo na ang pagiging makulit nito. O sige, ang mga lambing din nito.

"Oy, Chandra, anong ginawa mong bruha ka?"

Kasalukuyan kong inaayos ang costume ko ng mga oras na iyon nang lapitan ako ni Winona. Ang isa sa mga nakatoka ngayon na sumayaw kasama ng Diva's. Abala kasi ako sa pag-aasikaso ng mga VIP guests kaya hindi ako makakasama sa prod nila. Katatapos ko pa nga lang ngayon at may 15 minutes ako para makapagretouch bago pumunta sa susunod na room.

"Anong sinasabi mo diyan?" Taka kong tanong ng binalingan ko ito.

Namewang ito sa harap ko. "Pinapasabi sa akin ni Mamá Beauty na pinapatawag ka raw ni Mada'm sa office niya."

"Ha?" Gulat kong saad. "Bakit daw?"

"Aba'y ewan ko, girl. Iyon nga ang tinatanong ko sa'yo, e. May ginawa ka ba?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Like may nilabag kang rules."

Bigla akong binundol ng kaba sa narinig. Hindi kaya alam na ni Mada'm ang tungkol kay Tyson? Pero bakit naman ako mababahala tungkol do'n? Sa pagkakaalam ko, wala naman akong nilalabag na rules dahil wala naman kaming relasyon ng lalaki.

Sa halip na sagutin si Winona ay lumabas na lamang ako ng dressing at tinahak ang daan patungo sa office ni Mada'm. Nasa second floor ang opisina nito, sa pinakadulo ng hallway kung saan limitadong tao lamang ang nakakapunta doon. Kung tama ang narinig ko'y ayaw daw kasi nito ng maingay. Which is ironic dahil club itong pinatayo niya.

Saka sa totoo lang, simula ng magtrabaho ako dito'y hindi ko pa nakikita ang tinatawag nilang Mada'm kahit na ito ang may-ari ng club. Masyado daw kasi itong pamisteryoso kaya kahit si Mamá Beauty ay hindi pa nakikita ang mukha nito. Nakasuot din daw kasi ito ng maskara sa tuwing nag-uusap sila. O kadalasan ay isang tela na binabalot ang buong mukha nito.

Pero bakit niya kailangang itago ang mukha niya?

Tumigil na ako sa isang pinto kung saan nakalagay ang office na sign palatandaang ito na nga ang pribadong opisina ni Mada'm. Pero sa halip na kumatok ay nanatili lamang akong nakatayo doon. Pakiramdam ko kasi'y oras na pumasok na ako'y hindi na ako makakalabas pa ng buhay.

Paano kaya kung bumalik na lang ako? Tapos sabihin ko na lang kay Mamá Beauty na sumama ang pakiramdam ko kaya kinailangan kong umuwi? Pero paano kung puntahan nila ako sa bahay?

Trapped To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon