23| Call Me

1.7K 47 42
                                    

**The picture above is kuya Maurize and Tyson. Enjoy!
SN♡

23| Call Me




"KUNG hindi mo siya kayang mahalin ng buong buo..just let him go."

Paulit-ulit na rumirehistro sa isip ko ang mga katagang iyon ni kuya Maurize habang nakatingin ako ngayon sa natutulog na mukha ni Tyson.

Payapa na ang ekspresiyon nito. Patunay lang na maayos na ang kalagayan nito. Noong makita kong naghihirap ito kanina habang sinusuri ito ng family doctor na pinatawag ni kuya Maurize, wala akong nagawa. Tumayo lamang ako sa labas ng kwarto nito habang pinagmamasdan ito. Sumisigaw ito kanina at para bang may gustong abutin sa tuwing inilalahad nito ang mga kamay. Ang sabi ng doctor kanina ay wala naman daw dapat ikabahala dahil binabangungot lamang ito. Gawa lamang daw iyon ng sobrang pagod kaya na-trigger ang kung ano mang masamang alaala nito.

Nang mga oras na iyon napaisip ako, natulungan ko man lang ba si Tyson? May nagawa na ba ako para dito? Ako na lang ba ang palagi niyang kailangan tulungan? Dahil kung oo, wala nga akong pinagkaiba sa mga sinabi ni kuya Maurize. Na ginagamit ko lamang talaga ito para makawala sa buhay na kinagisnan namin.

"Ngh. C-Carol, Mom..."

Napatingin ako kay Tyson nang marinig ang hinaing na iyon. Pagbaling ko rito'y muli kong nakita ang nakasalubong nitong mga kilay. Patunay na nananaginip na naman ito.

"I'm sorry. Please, I'm sorry. I-I tried," halos walang tinig na saad nito habang nakakuyom ang isang kamay sa dibdib nito.

Pabaling-baling ang ulo nito na parang hindi nito nakakayanan ang nakikita sa panaginip nito. At dahil nahihirapan na rin akong panoorin ang kalagayan nito'y lumapit na ako at ipinatong ang kaliwang kamay sa nakakuyom na kamay nito. Nang maramdaman nito ang init ng palad ko'y awtomatiko itong kumalma.

"Mom, Carol..forgive me."

"Sshh. It's okay, Tyson. They know." Masuyo kong bulong rito habang hinahaplos ang kamay nito. At para bang narinig nito iyon nang unti-unti na itong bumalik sa mahimbing na pagkakatulog.

Nang masiguro kong malalim na muli ang paghinga nito'y tumayo na ako. Pagkuwan ay binunot ko ang sobreng nakatago sa bulsa ng jacket ko at maingat 'yon ipinatong sa side table nito.

Muli kong pinakatitigan ang mukha nito. "I know it's unfair na umalis habang tulog ka. Kaso ito lang kasi ang naiisip kong paraan para hindi ako mahirapan na iwan ka. Saka tama si kuya Maurize, hindi nga kita kayang pasayahin ngayon. Kasi hindi ko na rin kayang sumaya. Hindi ko na alam kung paano."

Napakagat ako ng labi nang maramdaman kong nanginig iyon. Nagbabadya ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan kumawala sa mga mata ko. Ayoko kasing umiyak dahil pakiramdam ko kapag narinig nito ang hikbi ko'y agad itong magigising. At iyon naman ang ayokong mangyari.

Para pakalamahin ang sarili ay kinailangan ko pang kagatin ng makailang ulit ang inside cheeks ko. Pagkuwan ay huminga ako ng malalim.

"Maaaring maguluhan ka, Tyson, pero huwag kang mag-alala dahil nasa sulat ko ang lahat ng paliwanag ko. Panigurado akong magagalit ka sa akin. Baka nga kamuhian mo pa ako." Bahagya akong natawa doon. "Pero siguro deserved ko nga iyon kasi hindi kita nagawang ipaglaban. Kasi ganito ko lang kadaling isuko ang pagmamahal mo sa akin. Ngunit anong magagawa ko, Tyson, isa lamang akong hamak na performer na napulot mo sa isang club. Isang babaeng walang pinag-aralan. Kaya wala akong kakayahan na ipaglaban ang pagmamahal ko sayo. Wala akong karapatan."

Saglit akong natigilan nang mapansin kong kumibot ang sulok ng labi nito. Agad kong tinakpan ang bibig ko para pigilin ang pag-alpas ng singhap mula doon.

Trapped To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon