42| Survive

453 12 8
                                    

42| Survive




"NOW, tell me where they are. Tell me where are you keeping them." Seryosong wika ni Tyson sa lalaki. Pero sa halip na sagutin ay namulsahan lamang ito't inignora ang nakatutok na baril sa kanya. Pagkuwa'y tinignan siya nito ng nakakaloko. Dahil sa inis ay binunot niya ang baril na nakatago sa coat niya at mabilis na itinutok sa noo nito. Gumalaw si Andrius sa tabi niya ngunit mabilis na humarang si Quill at ang dalawang baril na nito ang nakatutok rito.

"Not a single move." Rinig niyang saad nito.

Ibinalik niya ang tingin kay Orrest. "You better answer me right now while I'm being nice to you, Orrest. I have no time to be playing with your silly games."

Hindi ito natakot sa naging banta niya bagkus ay inilapit pa nito lalo ang noo sa nguso ng baril at ngumisi. "If I am going to die, I'll make sure that your family dies with me. So go ahead, pull that trigger, Monte. Nothing can scare me anymore."

"Are you sure about that?" Nakita ni Tyson ang bahagyang pagtaas ng kanang kilay nito hudyat na nakuha niya ang interes nito. So he continued, "if there's one thing I know that you are scared of— that is losing your Mother."

Hindi ito nagsalita pero alam niyang hinihintay lamang nito ang paliwanag niya sa kung anong ibig niyang sabihin.

"Tita Yvetter was being held captive right now by Harris. I know how much you wanted to protect her, Orrest. So either you let my family go or I will ask him to kill her."

"Harris. Ahh, so that's the name of your friend. And he was still alive, I see. Rouge failed to kill him." Wika nito na tumatango-tango pa. "I could ask him to kill Harris pero busy siya ngayon. I don't want to disturb him in the middle of his mission."

"What are you talking about? Aren't you worried about your Mother?" He just told him she was being held hostage. He should've been angry or confused right now. So why is he still calm?

"Worried?" Anito.

"All I need is a one phone call for Harris to kill Tita Yvette."

Naramdaman ni Tyson na naestatwa ito sa kinatatayuan na parang noon lang nito napagtanto ang tinutukoy niya. Inakala niya'y nakahanap na siya ng alas laban rito. Pero nagulat na lamang siya ng makaraan ng ilang sandali ay bigla itong tumawa ng malakas.

Nagtataka man ay pinanatili niyang nakatutok ang baril rito.

"Oh, God! I'm sorry about that, Monte. Though that was the best laugh I've ever had." Maluha-luha nitong saad matapos ang pagtawa nito.

"What the hell's funny?"

"I just can't believe that you pulled the same stunt as me. And here I am, thinking you could do better than that." Pinunasan nito ng tissue ang gilid ng mga mata pagkuwa'y sumeryosong muli. "Do you really think I wasn't prepared for that?"

Siya naman ngayon ang naguluhan sa simabi nito. "What?"

Sa tanong niyang iyon ay pumitik ito sa hangin gamit ang middle finger at thumb nito. Doon ay lumapit ang isa sa mga lalaking may hawak ng laptop. Nakalimutan na niyang naroon pa pala ang mga ito. Pero bakit hindi man lang tinulungan ng mga ito ang boss nila na kanina pa nila tinututukan ng baril? Don't they have guns?

Napunta ang atensiyon niya sa laptop ng ilapag iyon sa ibabaw ng mesa na nasa gitna nila. Pagkuwa'y binuksan iyon ng tauhan nito at saka pinindot ang enter. Doon ay nabungaran niya sa visual ang lalaking pamilyar sa kanya na ngayo'y nakatali sa isang single chair.

He was covered with blood all over his face and body. Medyo madilim ang paligid pero alam niya pa ring malalalim ang hiwa at sugat na natamo nito sa katawan. But what horrifies him more was he knew who it was.

Trapped To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon