20| The Search

1.5K 31 34
                                    

20| The Search




NAGTULUNGAN na ang lahat ng mga kakilala ni Tyson pati na rin nina kuya Maurize para mahanap lang si Ceth. Ginamit na rin ni Tito Ritz ang mga koneksiyon niya para sana mapadali ang paghahanap. Ngunit kahit anong gawin nila ay wala pa rin silang nakukuhang lead. Lahat nang imbestigasyon nila, dumidiretso sa dead end. Na para daw bigla na lamang nawala si Ceth ng walang iniwang bakas.

At kahit na makailang ulit na akong tinanong ng mga pulis kung sino ang maaaring may motibo sa pagplanta ng bomba sa bahay ay wala akong maisagot. Dahil sino naman ang pwedeng may gawa niyon? Si V? Samantalang siya na nga ang nagbigay ng babala sa amin.

Pero paano nito iyon nalaman? Kung tama ang natatandaan ko sinabi nitong may tao itong nagmamanman sa amin ni Ceth. Pero bakit? Akala ko tinapos na nito iyon. Bakit nito kinailangan na pamanmanan ulit kami? Dahil ba pinababantayan niya kami? Dahil alam niya na matagal ng may nagtatangka sa buhay namin?

Akala ko nung mawala ito'y wala na rin kaming problema. Pero ang paglayo ba nito ang naging dahilan kung bakit napahamak si Ceth? Ako ba ang may kasalanan? Kung hindi ko ba pinalayo si V ay sana nabantayan niya pa rin kami?

Maraming pumapasok sa isip ko at mas lalo iyong nakakadagdag sa mga gumugulo sa akin.

Kahit kasi pinananatili kong maging matatag, sa bawat mga araw na lumilipas na hindi natatagpuan si Ceth ay unti-unti rin nadudurog ang pag-asang nasa puso ko. Dahan-dahan nawawala ang paniniwala ko na buhay pa rin ito. Parang gusto ko ng sumuko. Gusto ko ng isigaw sa kanila na ayoko na. Ngunit sa tuwing nakikita ko si Tyson na uuwi, dala-dala rin nito ang pag-asa ko na darating din ang isang araw na kasama na nito si Ceth.

Na makikita ko rin ito balang araw na nakasunod lang sa likod ni Tyson at sabik na sabik ng makita ako. Na naghihintay lang ito ng pagkakataon na sorpresahin ako.

Dahil alam kong iyon ang gagawin nito oras na matagpuan ito. Isipin pa lang ang mga tawa nito habang hindi ako matigil sa kakahalik sa mga pisngi nito'y hindi ko na napigilang mapangiti na lang. Hindi na ako makapaghintay na makita ito ulit.

Alam kong magkikita ulit tayo, Ceth. Pinapangako ko na mahahanap ka namin.

* * *

"CHANDRA! Where the hell are you going?! Stay here!" Hinabol ako ni Tyson ng umagang iyon nang magpumilit akong sumama sa kanya. Pero hindi ko ito pinakinggan nang magtuloy-tuloy akong pumasok sa sasakyan nito at malakas iyon isinara. Nang buksan nito ang pinto'y nakita kong nasa likod na nito si kuya Maurize. "Little bird, get out of the car! Now! Hayaan mo na lang ito sa amin!"

"Ayoko! Gusto ko ng tumulong sa paghahanap sa kanya! Halos tatlong linggo na akong naghihintay sa bahay ng balita tungkol sa kapatid ko! Ayoko ng maghintay na lang! Please!" Pagmamakaawa ko kay Tyson.

"Ayokong pati ikaw mapahamak. Ang bahay lang ang lugar kung saan ka ligtas. Lalo pa ngayong alam na namin na may nagtatangka talaga sa buhay mo. Kaya sige na, makinig ka naman sa akin."

Umiling ako. Alam ko iyon, alam ko.

"Pero hindi ako matatahimik kung nasa bahay lang ako! Ni hindi na nga rin ako makatulog ng ilang gabi, Tyson! Lagi kong naririnig ang boses ni Ceth na tinatawag ako! Humihingi siya ng tulong! Kaya please, sige na, Tyson! Hayaan niyo na akong sumama! Dahil mababaliw na talaga ako kapag nanatili lang ako sa bahay!" Pagmamatigas ko na tinignan si kuya Maurize ngunit maging ito'y umiling lang din na lalo kong ikinapanlumo.

"Naiintindihan ko kung gaano mo gustong makita ang kapatid mo. Pero hindi ligtas para sa'yo ang sumama sa amin ngayon, Chandra." Pagbibigay-alam nito. "It's better for you to stay in the house. I don't want to say this pero..magiging pabigat ka lang sa paghahanap namin kay Ceth."

Trapped To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon