07| Familiar Scent

2.3K 51 25
                                    

07| Familiar Scent




"HOY!"

Napabalikwas ako ng bangon nang maramdaman ang malakas na pagtama ng unan sa mukha ko. Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko ang nakakunot-noong mukha ng kapatid.

"B-bakit?" Tanong ko rito na umayos sa pagkakaupo. Hindi ko namalayang nakababa na pala ito. Tumayo ako. "Gusto mo bang mag-agahan? Sorry, hindi ko napansin na alas-otso na pala," saad ko pa matapos sulyapan ang wall clock.

Ngunit sa halip na sagutin ay lalo lamang kumunot ang noo nito. "Hindi mo ba naririnig ang cellphone mo? Kanina pa 'yan tunog ng tunog."

"Ha?" Napatingin nga ako sa aparatong kanina pa pala umaalingawngaw ang ringtone nito. Pero sa halip na kunin ay tinignan ko lamang ito.

"Hindi mo ba 'yan sasagutin?" Hindi ako sumagot kaya walang ano itong lumapit sa lamesita at hinablot mula doon ang cellphone ko.

"Wait– Huwag, Ceth!"

Itinaas nito ang kamay nang akma kong aagawin ang cellphone ko at tinignan kung sino ang tumatawag.

"Tisoy?" Nagtatakang tanong nito na binalingan ako. "Sinong Tisoy? Ito ba 'yung tawag ng tawag sa'yo ilang araw na?"

Natigilan ako. Tama. Ilang araw na simula no'ng huli akong pumunta sa Clubhouse. Simula no'ng makita ko ulit si V. Natatakot kasi akong baka pumunta ulit ito doon.

Ngunit alam kong wala namang magagawa ang pag-iwas ko dahil matutunton niya pa rin ako. Kahit na itinapon ko na ang bag na pinaglagyan nito ng tracking device, mahahanap niya pa rin ako lalo pa't alam na rin niya kung saan ako nakatira. Gusto ko lang kasing masiguro na maayos ang kapatid kahit na mukhang wala itong kamalay-malay sa gulong ginawa nito.

Matagal ko na kasi itong pinagmamasdan kung may iba ba sa mga ikinikilos nito. Minsan kasi kapag may tinatago ito sa'kin ay lagi itong balisa. Kaya nga sabi ko sa kanya noon hindi siya marunong magtago ng sekreto. Kaya kung may inililihim man siya sa akin ay mabuti pang sabihin na lang niya dahil malalaman ko pa rin naman iyon.

Pero yun nga, dahil sa pag-iwas ko sa lalaki pati si Tyson ay nadamay. Ayoko kasing malaman nito ang problema ko. Ayokong masangkot ito sa gulong wala itong kinalaman. Kaya gustuhin ko man na makita ito'y mas pinili ko na lamang na tiisin muna ito. Kahit pa nga limang araw na rin magmula no'ng makabalik siya galing Tarlac. Pinagpapasalamat ko na nga lang na sinunod niya ang sinabi ko sa text na sinend ko sa kanya bago siya dumating. Na hindi muna siya pumunta sa bahay dahil wala rin naman ako doon. Na umalis muna ako. Alam kong marami siyang tanong. Ngunit ni isa hindi ako nag-abalang sagutin iyon. Hanggang ngayon.

Pero magkaganun man ay lagi akong tumitingin sa labas ng bahay dahil baka kasi bigla ko na lamang makita ang sasakyan nito. Baka ikamatay kong makaharap siya nang hindi handa. Sa mga tanong nito at lalo na sa presensiya nito. Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili kong salubungin ito ng yakap. Pero syempre, kailangan ko munang maghanda sa galit nito dahil sa hindi ko pagsagot sa mga tawag nito.

Nai-imagine ko palang ang mukha nito'y natatakot na ako. Hindi ko pa siya nakikitang magalit pero pagiging seryoso pa nga lang nito'y nagagawa ng patiklupin tuhod ko. Paano pa kaya kapag nagalit na ito?

Napailing ako. Tama nga sigurong huwag muna itong makita. Siguro'y magte-text na lang ulit ako kapag kunwa'y nakabalik na.

Hindi ko napigilang mapabuga ng hangin. Para tuloy ang sama ko na. Nagsisinungaling na ako kay Tyson.

"Tss. Tumatawag na naman." Muli kong ibinalik sa kapatid ang atensiyon nang marinig nga ang pag-ring ulit ng cellphone. "Unamin ka nga, sino ba ito? Boyfriend mo?"

Trapped To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon