14| That Woman

1.9K 46 31
                                    

14| That Woman

3rd Person's PoV




"YOU insolent child! Useless bastard!" Halos dumagundong ang boses ng amang iyon ni Orrest sa buong basement ng bahay nila habang wala itong tigil sa paglatigo sa likod ng isa sa mga pinagkakatiwalaan niyang bodyguard, si Rouge.

But even with so much bruise and wound, hindi pa rin makikitaan ng kahit anong sakit sa mukha ang lalaki. He kept his cold expression it's as if he can't feel any pain at all. Which made his father more furious.

Pero kahit na ilang beses pa nitong patamaan si Rouge ng mga latigo nito, hindi ito titiklop. He never did. Kahit nga mga suntok ng mga tauhan nito hindi mapaaray ang lalaki, ito pa kaya na mahihina na ang mga hampas nito?

Magkaganun man, kahit may katandaan na ang ama'y mababakas pa rin ang mabalasik na anyo nito at ma-awtoridad na tindig. Kaya marahil marami pa rin sa mga kakilala nito ang iwas dito. Kahit nga mga kalaban nito'y hindi dito nakakapalag dahil bago pa man sila makagalaw sa kinatatayuan nila, nakahandusay na sila sa sahig.

His father doesn't care about anything at all. If he wants someone to stay out of his way, he will never have a second thought. Malalaman na lang nasa balita na ang mga ito. Wala ng buhay. At nakakatakas siya sa mga iyon ng walang kahirap-hirap. Not because may mga koneksiyon ito sa loob, but because people know what will happen if they defy him.

He's known to be ruthless.

He has power, he has money. At para sa kanya, iyon ang mahalaga. Kaya hindi na katakatakang wala rin ditong pakialam ang asawa nito. Nag-iikot na lamang sa ibang bansa para libangin ang sarili. Uuwi lang kung kailan gusto. Susulpot kung minsan na gusto lamang makita ang anak. Dahil kahit na ganun ang ina'y mahalaga pa rin daw dito ang anak.

Kaya siguro hinahayaan na lamang ni Orrest na gawin nito ang gusto dahil naiisip niyang mas mabuti na itong malayo ito sa kanila. Keeping her away from them is one of his priority.

Nang mapansin na ni Orrest na tumigil na ang ama niya dahil sa pagod ay tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa single couch na naroon.

"Papa, that's enough. I still need him. I don't want you killing him." Ang malamig niyang saad na tinapunan ng tingin ang lalaking kanina pa tiim ang mga bagang.

Alam niyang hindi iyon dahil sa sakit kung hindi dahil sa galit na nararamdaman nito para sa ama niya.

Rouge have a grudge against his father kaya hindi na siya magugulat kung malalaman na lang niyang napatay na nito ang ama niya. Dahil kaya nitong gawin iyon sa pamamagitan lang ng mga kamay nito.

Malaking bulto si Rouge, he have a built that can fight hundreds of his men. Sa height nitong 6'4 ay napapaatras na nito ang mga taong sasalubong rito. 6'1 lamang siya kaya nagmumukha siyang maliit kapag kasama ito. With his broad shoulders and lean muscles na kahit hindi man kasing laki ng mga body builder ay kaya nito silang tapatan.

Minsan na niyang napatunayan iyon nang una niya itong makita sa Underground Street Fighting. Baguhan pa lang ito doon pero sunod-sunod na ang naging panalo nito kahit pa sampong naglalakihang mga lalaki ang laging itinatapat rito. He admit the first time he saw him, he already got his attention. Kaya marahil inalok niya itong maging bodyguard dahil alam niya na sa halip maging kaaway ito, mas gugustuhin niyang nasa tabi ito.

And yes, mula ng maging bodyguard niya ito, he felt secured. Even if hindi niya maramdaman ang presensiya nito, alam niya na nasa paligid lang ito. Mas gusto kasi nitong binabantayan siya mula sa malayo. Mas nakikita daw kasi nito ang paligid niya kaysa sa nasa tabi niya lang ito.

Trapped To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon