25| So Close

1.1K 37 10
                                    

25| So Close




"RELAX, little vixen." Bulong sa akin ni Orrest nang siguro'y mapansing kanina pa ako hindi mapakali sa kinauupuan. Pinisil niya ang kamay kong hawak niya na nakapatong sa arm rest. "Just sit comfortably."

Sinunod ko ang sinabi niya pero kahit anong gawin ko'y kinakain pa rin ako ng nerbiyos.

"Nasaan ba kasi tayo? Sigurado ka ba talagang narito si Ceth?" Hindi ko na rin napigilang itanong rito.

"Of course. Father will be here, after all." Anito.

Hindi ko man alam ang ibig sabihin nito'y pinili ko na lang ang manahimik. Mukhang hindi niya rin naman kasi ako bibigyan ng mga malilinaw na sagot.

Pinagmasdan ko na lamang ang kwartong kinalalagyan namin. Kasalukuyan kasi kaming nasa sa isang private room kung saan salamin ang nakaharap sa amin. At dahil dim lang ang ilaw ng buong kwarto ay hindi ko eksaktong matukoy kung nasaan ba kami.

Hindi ko kasi alam kung anong daan ang binaybay namin bago nakarating dito. Tinakpan kasi ang mga mata ko ng panyo buong biyahe kaya wala akong nakita. Basta ang tanging naaalala ko lang ay bumaba kami ng sasakyan at pumasok sa napakalaking building na ito.

Pero isa lang ang masasabi ko magmula ng makarating kami rito, hindi ko gusto ang pakiramdam sa lugar na ito. Parang may mali.

Ding!

Napaigtad ako ng bahagya sa kinauupuan nang marinig ko ang ingay na iyon. Kasabay din niyon ay ang pagbukas ng ilaw sa buong lugar. Unti-unting kumalat ang liwanag sa buong paligid. Ngunit kahit na dilaw at pinaghalong pula ang ilaw ay nakatulong pa rin iyon para malinaw ko ng makita ang kabuuan ng lugar.

Mula kasi sa kinauupuan ay natatanaw ko ang mga taong nakaupo rin sa audience area kung saan pumapagitna ang isang napakalawak na espasyo. At kung tama ako, base sa nakikita'y isa itong arena.

Binalingan ko si Orrest na aktong iniaabot ang kopitang sinalinan ni Andrius ng wine.

"Anong nangyayari?" Nagtataka kong tanong rito.

"Well, as you can see, little vixen," saad nito na inamoy muna ang aroma ng alak bago sumimsim, "the show is about to begin."

"Show?"

"Just watch, my love, and you'll see."

Hindi ko na binigyang atensyon ang biglang pagbago ng tawag nito sa akin. Baka dala lamang ng iniinom nito kaya ganun. At tulad ng sinabi nito, muli ko na lang itinutok ang paningin sa mga taong prenteng nakaupo.

"Goodevening, ladies and gentlemen!" Mula sa mga speaker na nakakalat sa buong lugar ay umalingawngaw ang boses na iyon ng lalaki. MC siguro sa gabing iyon. "Welcome to the underground fighting!"

"Underground fighting?" Ulit ko sa narinig.

Naghiyawan ang mga taong nakikinig na para bang sabik na sabik na silang makakita ng laban. At kahit may salamin ay naririnig ko pa rin ang mga isinisigaw nila. Fight! Fight! Fight!

Napapamaang kong nilingong muli ang lalaking katabi ko. "Magsabi ka nga ng totoo sa akin, Orrest, bakit dito mo ako dinala? Ano ba talagang ginawa ng ama mo sa kapatid ko?"

"You're sharp." Walang ano lang nitong sabi na pinaikot ang wine sa loob ng kopita. "But where's the fun kung sasabihin ko sa'yo, hindi ba?"

"Pagod na akong magtanong at maghula, Orrest, kaya please, sabihin mo na lang!" Asik ko rito.

Pero bago pa man ito makapagsalita'y pareho na kaming napabaling sa gitna ng arena nang dahan-dahang maghiwalay ang lupa niyon. Unti-unti doong lumitaw ang isang stage or masasabi kong isang ring kung saan nababalot iyon ng salamin. At mula sa loob niyon ay makikita ang dalawang taong nakatayo na parehong may suot na maskara. Tuloy ay hindi ko makita ang mga mukha nila.

Trapped To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon