09| Part 2: Hold Me

2.2K 45 23
                                    

[A/N]: Contains malalanding scene.

09| Part 2: Hold Me




Ngayon pagkakataon ko naman ang manahimik sa sinabi nito. Ito na iyong hinihingi kong sagot kung paano ako makakaalis sa lugar na iyon. Diba namomroblema pa nga ako kaninang umaga kung paano iyon sasabihin sa kanya? Ngunit heto at siya na ang naghihintay ng magiging desisyon ko. Pero sa lahat ng iyon ay iisa lang ang pumasok sa isip ko. Bakit? Bakit niya ako gustong tulungan? Bakit ganito na lang niya ako gustong i-alis sa lugar na iyon? Ano naman iyon para sa kanya?

Naguguluhan ako. Pero masasagot lamang iyon kapag ito mismo ang tinanong ko.

"Bakit?" Anas ko.

Mukhang hindi nito narinig ang sinabi ko kaya bahagya pa nitong inilapit ang mukha sa akin. "What? Did you say something?"

"Bakit, Tyson?" Mas malakas ng sabi ko. "Bakit ba ganito mo na lang ako tulungan?"

"What?" Parang naguluhan na saad nito ngunit pagkaraan lang ng ilang segundo'y muli itong nagsalita. "Oh, I get it. You still doubt me, don't you?" Naaasar na saad nito.

"Hindi iyon—"

"No! Don't deny it!" Asik nito na ikinasalubong ng mga kilay ko.

"Makinig ka muna kasi!" Balik kong sigaw rito na alam kong ikinagulat nito. Pero wala na akong pakialam. Mas makulit pa kasi ito kaysa kay Ceth, e. "Hindi naman kasi 'yon ang gusto kong sabihin! Ang akin lang, bakit mo ako tutulungan gayong hindi mo naman kami kaano-ano! Nasanay na kasi akong mag-isa na gumawa ng paraan para sa sarili ko! Na walang tumutulong sa amin! Na walang nagbibigay ng mga bagay na walang kapalit! Kasi sanay akong lagi silang humihingi ng kapalit! Lahat ng tao ganun! Kaya gusto kong malaman kung bakit? Dahil naguguluhan ako, Tyson!"

Matapos kong sabihin iyon ay nanatili pa rin itong walang imik. Hanggang sa marinig ko na lang ang mahina nitong pagtawa.

Ha?

"That's it?" Natatawa pang saad nito na nakita kong umiling-iling. "God, little bird! How dense can you be? You still don't get it after I told you everything?"

"Ha?"

"Jesus. Why did I fall for such a girl like you." Bulong pa nito na tumagilid ng tayo. Pagkuwan ay narinig ko ang pagtapik nito sa noo. "Aah. But I can't believe there's such a day I'm gonna hear this coming out in my mouth."

"Ang alin?"

Nakita kong pinadulas nito ang kamay mula sa noo pababa sa mata nito. Pagkuwan ay parang doon ito sumilip ng tingin sa akin. "This is fucking embarrassing telling you this."

"Ang alin nga?"

"That I had fallen inlove with you, for fuck's sake!" Humarap na ito na tinuro pa ako. "This is the reason, okay? Nothing else! I just hopelessly love you, Chandra! So yeah, there you go! I give up! I completely surrender to you, little bird! Fuck!"

Pagkatapos nitong sabihin iyon ay tumalikod na ito na napahaplos pa sa buhok. Samantalang ako nama'y hindi na makagalaw sa kinatatayuan dahil sa pagkagulat. Hindi ko kasi alam kung anong gagawing reaksyon maliban sa mapatda sa nalaman at pang-initan ng mukha.

Totoo ba 'yon? Pero paano? Kailan? Ang sabi niya'y atraksiyon lang ang nararamdaman niya sa akin. Kaya bakit?

Nang makahuma na rin pagkaraan ng ilang minuto'y ibinalik ko ang atensyon sa lalaking nananatiling nakatalikod sa akin. Alam kong nahihiya ito ngunit hindi ko mapigilang mapangiti ng maluwang dahil naglalaro sa isip ko kung anong hitsura nito ngayon.

"Ty—"

"No! Don't ask me to face you because I won't!"

Bahagya akong natawa. "Alam kong nahihiya ka pero nakalimutan mo yatang madilim dito kaya kahit liwanag ng buwan ay hindi makakatulong para makita ko ang mukha mo."

Trapped To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon