33| The Ally

1.1K 30 15
                                    

33| The Ally




NAPAUNGOL ako nang magsimula na akong magising ng umagang iyon. Nagmulat ako ng mga mata ngunit agad rin akong napapikit nang bahagya iyong manlabo. Para mawala sa nananaginip na diwa ay kinusot ko ang pareho kong mga mata.

Sinubukan kong tumayo ngunit napaigik ako nang bigla ko na lamang maramdaman ang pinaghalong sakit at hapdi na nagmumula sa punong katawan ko.

Inaalala ko pa kung nasa'n ako nang biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi sa pagitan namin ni Orrest.

Napatingin ako sa tabi ko ngunit inaasahan kong wala na ito doon. Nakasuot sa akin ang puting long sleeve ng lalaki. Marahil umalis na ito.

Idinikit ko ang likod sa headboard ng kama. We've done it many times last night that I lost count. Sa kama. Sa shower. Kahit habang naglalakad kami palabas ng banyo hindi niya ako pinakawalan.

He couldn't get enough until we both just passed out.

Hindi ko alam kung maituturing ko bang bangungot o panaginip iyon. Pero aminin ko man sa hindi'y wala akong maramdamang galit para rito. Bagkus nag-aalala pa ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

Bumuntong-hininga na lamang ako at pinagpasyahan ng bumaba ng kama. Ngunit pag-apak ko pa lang ng paa'y nawalan na ako ng balanse.

"Ouch!" Daing ko.

"Are you alright, Miss?"

Napaangat ako ng tingin sa lalaking bagong pasok sa kwarto. Lumapit ito sa akin bitbit ang isang paper bag.

"Andrius? Bakit ka nandito?" Tanong ko rito nang maingat ako nitong ipaupo sa kama. "N-nasa'n si Orrest?"

"He had to go somewhere so he ordered me instead to take you home, Miss." Tugon nito na inilapag ang dalang paper bag sa ibabaw ng kama. "And he told me to gave you this change of clothes."

Tinignan ko iyon. May dress at isang pares doon ng underwear. "Salamat."

Tumango na lamang siya at pinulot ang mga damit naming nakakalat pa rin sa sahig. Pagkuwan ay muli akong binalingan, "I'll be waiting outside, Miss. Just call me if you need anything."

Nasundan ko na lamang ito ng tingin nang tuluyan na itong mawala sa kwarto. Nang masiguro kong kaya ko na muling maglakad ay tinungo ko na ang banyo at saka maingat na nilinisan ang katawan.

Pagkabihis ko'y umuwi na rin kami ni Andrius. Dumiretso agad ako sa kwarto pagkarating namin sa mansion at doo'y pasalampak na nahiga sa sarili kong kama. Noon ko naalalang tatlong araw rin pala akong hindi nakatulog rito. Medyo na-miss ko ang amoy ng kwartong ito.

Siguro dahil sa pagod at medyo nananakit ko pa ring katawan ay muli akong nakaramdam ng antok. Kaya naman pumikit na lamang ako para matulog ulit.

Ginising lamang ako ni Andrius para kumain kinagabihan. Hindi ko na namalayan ang oras. Buong maghapon akong nakatulog kaya hindi na nakapagtatakang nagrereklamo na ang tiyan ko pagkagising.

Matapos kong kumain ay pumanhik na rin ako sa kwarto. Kasunod ko si Andrius na may ibinilin pa sa akin bago ako tuluyang iwan.

Pinapasabi daw kasi ni Orrest na hindi ito makakauwi. Pabor naman iyon sa akin dahil ayoko munang makita ito. Pagkatapos ng nangyari kagabi'y hindi ko alam kung paano ito pakikiharapan. Mahirap hulaan kung ano ang susunod nitong gagawin.

Baka ibalik niya ako sa madilim na kwartong iyon. Pero sana'y hindi na.

Pumikit na lamang ako at muli'y hinayaan ang antok na lamunin ang diwa ko.

Trapped To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon