37| Hide and Seek

764 21 8
                                    

37| Hide and Seek




"COME AGAIN?" Inilapag ni Tyson ang hawak nitong folder nang marinig ang sinabi ko.

Nang pinuntahan ko ito nang gabing iyon ay naabutan ko itong abala sa mga nakakalat na papeles sa ibabaw ng office desk nito. Hula kong nagtatrabaho pa rin ito sa kabila ng mga nangyayari ngayon.

"You heard me right, Tyson. Sasama ako kay Ceth bumalik sa lugar na 'yon." Wika ko na inignora ang pagsalubong ng mga kilay nito.

Humalukipkip itong sumandig sa likod ng kinauupuan nito. "If the bomb was the problem, I'll find another way to get it out of him."

"You can't. He said that if we tried to take it out of him the bomb will automatically go off."

Napapahaplos sa buhok na tumawa ito ng tuya. "Of course. That was expected. They won't let him— a living evidence get away so easily. But even so, hindi ko pa rin hahayaang bumalik na lang kayo doon. Going back there is suicide."

Ibinagsak ko ang dalawang palad sa desk nito nang wala lang nitong itulak ang swivel chair at saka tumayo.

"Pero kung magtatagal pa kami rito'y baka minuto na lang ang itagal ni Ceth ay sumabog na siya! At pagnagkataon lahat tayo rito mamamatay!"

"If they want him dead, they should have done it already the moment na nakarating sa kanila ang balitang nawawala ito. Pero hindi pa rin nila iyon ginagawa." Sinundan ko ito ng tingin ng kumuha ito ng dalawang baso ng rum at sinalinan iyon ng alak. Pagkuwa'y iniabot sa akin ang isa na kinuha ko naman. "Ano sa tingin mo ang dahilan?"

Napaisip ako sa sinabi nito. "Dahil may pakinabang pa si Ceth sa kanila?"

"No." Iling nitong sabi na inisang tungga lang ang alak bago iyon muling sinalinan. Then itinuro niya ako. "Because you're here."

"Ha? Ano namang kinalaman ko doon?"

"Isa lang ang rason na alam ko. And that is because they don't want you dead, little bird."

Nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig. "Hindi ba't isa rin akong ebidensiya na pwedeng magamit laban sa kanila? Bakit ayaw nila akong mamatay?"

"Because the person who has the key of detonating the bomb is trying to protect you."

"At sino naman iyon?"

Ngumiti ito ng nakakaloko. "Guess who, little bird. I know you have in mind kung sino ang tinutukoy ko."

Hindi ko na kailangang mag-isip pa para malaman kung sino ang sinasabi nito. Dahil iisa lang rin naman ang alam kong tao na maaaring gumawa niyon. "...Si Orrest?"

Ilang segundo muna ang dumaan bago ito sumagot. "Yes. He can't harm Ceth with you being here. So we'll use it to our advantage instead."

"Anong gusto mong sabihin?"

"To put it simply, little bird..wala siyang maaaring gawin kay Ceth kung gusto ka niyang manatilihing buhay. Kaya kahit hindi kayo bumalik doon ay hindi siya magtatangkang pasabugin ang bomba. Just stick close to Ceth and both of you will be safe."

"Paano ka nakasisigurong walang gagawin si Orrest?"

Nanatili muna itong tahimik na para bang may inaalala ito. Pero saglit lang rin ay muli itong nagsalita. "I am not sure. But I know Orrest. Alam ko ang tumatakbo sa utak niya. At ang pagbalik mo doon ang gusto niyang mangyari. He knew that he can still manipulate you using Ceth."

Trapped To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon