08| Part 1: Hold Me

2.3K 50 27
                                    

[A/N]: This part contains nakakaboring sa haba ng update, kalandian words and pakipot scene na nakakabitin. Not suitable for sensitive minds, madaling uminit ang ulo and with no common sense. So if this may insult or offend you— just skip it. You've been warned! :)

08| Part 1: Hold Me




NAPAHAPLOS ako sa malambot na buhok ni Tyson nang maramdaman ang patuloy na pagdampi nito ng mga mumunting halik sa leeg ko. Sa una'y nakikiliti lang ako ngunit kalaunan ay naghahatid na iyon ng kakaibang sensasyon sa katawan ko. Partikular na sa buong kalamnan ko.

Dagdagan pang hindi ko ito makita dahil sa dilim na bumabalot pa rin sa paligid namin. Ngunit sa kabila niyon ay ito lang ang nasisiguro ko, wala itong suot na maskara. Gusto ko tuloy makita ang mukha nito pero masyado na itong abala sa pagbibigay ng atensyon sa leeg ko.

"Tyson..." sambit ko sa pangalan nito na napahawak na sa batok nito.

Napadilat ako nang bigla nitong kagatin ang ilalim ng panga ko. Hindi ko tuloy napigilang mapadaing sa pinaghalong sakit at kiliti na dulot niyon. Halatang nanggigigil ito kaso pinipigilan niya lang.

"I'm sorry, did it hurt?" Nag-aalalang tanong nito pero umiling lang ako bilang tugon.

Ayokong isipin nitong nasasaktan niya ako kahit hindi naman. Sa totoo nga niyan ay nagsisimula na akong madarang sa mga halik at haplos nito. Lalo na nang maramdaman ko ng nagsimula ng maglakbay ang mga palad nito mula sa bewang ko patungo sa ilalim ng kaliwang dibdib ko. Hindi ko na napigilang mapakagat ng labi sa ginawa nito.

"Chandra," anas nito nang tumigil ang palad nito doon at pumisil na parang humihingi ito ng permiso na hawakan ang umbok doon. "Dammit. I want to touch you so bad right now."

"Mm.." Tugon ko na hinaplos ang pisngi nito. "Alam ko."

Pero sa halip na ipagpatuloy ang ginagawa ay bigla na lamang itong tumigil at walang anong ipinatong ang ulo sa balikat ko. Pagkuwan ay niyakap ako.

"Tyson?" Nagtataka kong tanong rito.

"I can't..." rinig kong bulong nito na parang mas sinasabi nito iyon sa sarili kaysa sa akin. "You're not ready for this."

"Ha? Teka, bakit mo naman nasabi 'yan?"

"Because I know. Everytime na hahalikan kita o hahawakan, pakiramdam ko pinipilit lang kita."

"Tyson," sambit ko sa pangalan nito na kinapa ang mukha nito para ipagdikit ang mga noo namin. Tinutok ko ang tingin sa mga mata nitong kumikislap sa gitna ng dilim. "Look, hindi mo pinipilit ang sarili mo sa akin. Dahil kung oo, matagal ko na sanang sinabi sa'yo na lumayo ka sa akin. Pero hindi ko naman ginagawa, diba?"

"Dahil makulit ako."

"Yes, maybe. Pero hindi 'yon dahil dun. Kung hindi gusto ko ang presensiya mo, dahil pakiramdam ko nawawala ang lahat ng pagod ko sa tuwing naririnig ko ang boses mo."

Naramdaman ko ang pagkislot nito sa pagkakahawak ko sa magkabilang mukha nito. Marahil ay hindi inaasahan ang sinabi ko.

"Is that true?"

Bahagya akong tumango. "Oo. Kaya okay lang, Tyson. Just tell me kung anong iniisip mo ngayon. Walang makakarinig. Ako lang."

Ilang sandaling katahimikan muna ang namayani sa amin bago ko muling narinig ang tinig nito.

"I..I want to touch you, Chandra. I want to feel you. I— Fuck!" Nawala siya sa pagkakahawak ko nang umalis siya at talikuran ako. Sa tulong na rin ng liwanag ng buwan ay medyo naaninag ko ang pag-uklo nito sa tabi ng mesa at pagsabunot nito sa sariling buhok. "I'm sorry. I thought I could be better than this but..I'm still a jerk in the end."

Trapped To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon