34| The Monster

872 31 17
                                    

34| The Monster




NAPADAING ako sa sakit nang pasalampak akong bitiwan ni Garett pagpasok pa lamang namin sa isang pribadong silid. Sa laki ng pangangatawan nito'y halos kaladkarin na niya ako kanina habang papunta sa kwartong ito. At base sa nakikita ko'y isa iyong opisina.

Umayos ako sa pagkakaluhod sa sahig habang nananatiling nakatali ang pareho kong pulsuhan. Sinubukan kong suriin ang kwartong kinaroroonan pero humarang lamang sa paningin ko si Garett.

Ngunit magkaganun ma'y nahagip pa rin ng mata ko ang iilang lalaki na nakabantay sa labas ng kwarto. Mukhang hinihintay lang nilang dumating si Sir Oliver.

"Trying to find an escape route?" Tanong ni Garett nang mapansin ang pagsulyap ko sa pinto. Nag-squat ito sa harapan ko para magkapantay kami.

"Oo sana. Ang kaso naisip ko rin na wala naman pala akong magagawa sa mga naglalakihan niyong katawan. Isa lamang akong mahinang babae na pinagtulungan ninyong dukutin." Wika ko rito na inilapit pa rito ang mukha at saka pinalambing ang tinig, "pero kung tutulungan mo 'ko..asahan mong paliligayahin ko ang bawat gabi mo. Hindi mo naitatanong pero marami sa'king nagsasabi na napakagaling kong gumiling sa kama."

Alam kong mapapahamak ako sa ginagawa. Ngunit walang mangyayari sa'kin kung hindi ko susubukan ang lahat ng paraan na maaaring makatulong sa'kin para makalabas rito.

"Nice try, bitch." Mahigpit niyang ikinulong ang magkabila kong pisngi sa mga daliri nito. "Do you really think you can get away just by seducing me or anyone?"

Ngumisi ako. "At least, alam ko pa ring nagkaroon ako ng epekto sa'yo."

Tinapunan ko ng tingin ang namumukol nitong harapan bago ibinalik sa kanya ang pansin.

"Don't you try me, bitch." Anito na marahas inilapit ang mukha ko sa kanya. "I'm not interested in a slut like you. But if you really want to be fuck so hard, I'll give it to you right now."

Nanlaki ang mga mata ko nang akma nitong hahalikan ang leeg ko. Ngunit agad rin kaming natigilan nang marinig ang mabalasik na tinig na iyon na halos dumagundong sa apat na sulok ng kwarto.

"I did not gave you any permission to play with her, Garett." Mababalang wika ni Sir Oliver na diretsong naupo sa mahabang sofa na naroroon. Kasunod nito ang apat na lalaki na tumayo sa gilid at sa likod nito. "At least, not yet. Until I say so."

Nakita ko ang pagngisi ni Garett mula sa narinig. At para bang kinilabutan ako nang pasadahan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "I can wait, then."

Shit. Bakit ko pa ba kasi sinabi ang bagay na iyon? Screw escape plan!

"Now, get her up."

Agad sinunod ni Garett ang utos ng matanda na itinayo ako paharap sa kanya.

"You're my son's wife, so I think you already have an idea of who and what I am, hija." Simula nito na hindi ako nililingon.

Oh sure, I have. Kahit pa hindi kami nag-uusap, ang makaharap lamang ito ng makailang ulit ay sapat na para masigurong hindi ito tao. The scar on his face is the proof.

"I may have an idea. Pero hindi ko alam ang dahilan kung bakit ako narito." Maang kong balik rito.

"I see. Still playing innocent," nagsalin muna ito ng alak sa kopitang hawak nito at saka sumimsim. Pagkuwa'y muling nagsalita, "then let me fill you in of what is really going on right now, hija."

Nagtaka ako nang may inabot na brown envelope ang isa sa mga tauhan nito. Nang kunin nito ang laman niyon at ilapag sa center table ay nahigit ko ang sariling paghinga.

Trapped To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon