45| Eris

1.1K 22 20
                                    

45| Eris




I FOUND someone that can teach me how to fight. Though I did some serious convincing first bago ko siya napapayag. Mabuti na lang at alam nitong hindi niya ako pwedeng suwayin dahil asawa ako ni Orrest.

His name's Eris. Siya na yata ang pinakabatang nakilala ko sa mga tauhan ni Orrest. Mostly kasi'y nasa 30's or 40's na ang mga ito, samantalang si Eris ay 23 pa lang. Alam ko kasing mas mahirap makumbinsi ang mga matagal ng nagtatrabaho para kay Orrest kaya ito ang nilapitan ko.

And it was only day 1 of our training and yet sumasakit na ang mga kasukasuan ko.

Mukhang napasubo ako sa desisyong ito. But I can't back down now. Not now. Not ever.

"That was a weak punch, Mada'm."

Nahihibang akong napatingin rito nang punain nito kung paano ako sumuntok. "Weak? E, halos madurog na nga ang kamao ko sa tigas ng panga mo!"

"I've told you to put all your strength on your fist."

Hindi ko pinansin ang sinabi nito at pasalampak akong naupo sa damuhan. Kasalukuyan kasi kaming nasa tagong lugar dito sa hardin dahil ayokong may makaalam ng ginagawa ko. Dahil magpasa-hanggang ngayon kasi'y hindi ko pa rin nakikita si Rouge.

I was thinking that maybe he stop following me because he knew I was never going to kill myself. Or he was just somewhere doing another mission. Though it was a good chance para magawa ko ito ng walang nagsususpetiya sa akin.

Mahirap na at baka pati paglabas ko sa kwarto ay ipagbawal na sa akin. Pero ganito pala ang pakiramdam na walang gaanong nagmamatyag ng galaw mo. Bagaman may minsang nagbabantay sa akin ay hindi naman minu-minuto o gaanong mahigpit.

They still let me do my own things. Like if I want to be left alone or I just want to walk by myself. Hindi tulad ni Rouge na wala akong kawala. And he never listen to me.

Minsan ko na kasi siyang pinakiusapan noon pero iisa lang ang lagi niyang sinasagot sa akin; "There's only one order that I have to obey, and it's not yours."

Alam ko ng una palang ay hindi na kami magkakasundo. Kung pwede nga lang ay matagal ko na siyang pinaalis. Pero tulad nga ng sinabi nito, si Orrest lang ang tanging pwedeng gumawa niyon.

"You know I'm not here to play, Eris." Reklamo ko rito ng ibalik ko ang pansin rito. "Didn't I tell you na turuan mo akong lumaban?"

"That's what I am doing—"

"Hindi boxing ang sinasabi ko. Turuan mo akong gumagamit ng weapon. Like guns or knife."

"But it's too dangerous for you, Mada'm."

"Kaya nga narito ka para turuan mo 'ko kung paano gumamit niyon, diba? And please, stop calling me Mada'm. You can just call me Chandra or ate Chandra. Apat na taon lang naman ang tanda ko sa'yo."

"I can't do that. If Master Orrest found out, he'll kill me."

"Then just call me Miss if nandiyan siya. Pero ngayong wala'y tawagin mo na lang akong Chandra or ate Chandra." Pamimilit ko rito. Tumayo ako at nilapitan ito. "Mukha na ba akong matanda sa'yo?"

Tinitigan muna niya ako ng ilang segundo bago sumagot, "no. I'm sorry if I offended you, Mada'm—"

Napataas ako ng kilay.

"I mean... ate Chandra."

Napangiti ako. Pakiramdam ko kasi'y may pumiga sa puso ko ng marinig ang sinambit nito. It's been a long time since I've heard that. In fact, hindi ko na matandaan kung kailan ang huli ng marinig ko iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Trapped To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon