44| Her Resolution

493 9 5
                                    

44| Her Resolution




"SO YOU'VE decided to finally come out on your room."

Mula sa panonood ng mga halaman sa hardin ay nilingon ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon. At nang makilala ko ito'y awtomatikong nagsalubong ang mga kilay ko.

Si Rouge.

Pang-apat na araw na niya ito bilang bantay ko. Bagaman hindi ko man siya laging nakikita'y bigla na lamang siyang lilitaw kung kailan nito gusto. Na para bang nasa tabi ko nga lang ito.

Mula ng sabihin nitong babantayan niya ako'y wala na akong nagawa kundi ang pumayag na lamang rito. Dahil tulad ng sinabi nito, kahit ayaw man nito iyong gawin ay wala rin itong magagawa kundi ang sumunod na lamang.

Kaya kahit gustuhin ko man itong ignorahin ay sinagot ko na rin ito. "Bakit? Sa tingin mo ba'y magkukulong na lamang ako sa kwartong iyon ng habang buhay?"

Sa makalipas rin kasing ilang araw na pagkukulong ko sa kwarto'y ngayon ko lang naisipang lumabas. Pakiramdam ko kasi'y ang apat na dingding ng kwarto ang nagpoprotekta sa akin sa katotohanang hindi ko kailan man kayang tanggapin.

Ngunit kung patuloy ko iyong itatanggi ay patuloy ko lamang paniniwalain ang sarili ko sa kasinungalingan. Wala na rin namang mangyayari kung mananatili akong nakamukmok. Dahil kahit ano namang gawin ko, hindi ko na maibabalik pa ang mga buhay nila.

"Kahit pa buong buhay akong magsisi at umiyak ay hindi na rin naman iyon maririnig pa ni Tyson." Dugtong ko pa.

"And yet you never cried." Wika nito na ikinabaling ko rito.

Hindi ko alam kung dahil lang ba iyon sa nakatakip nitong bibig pero ngayon ko lang napagtanto ang lalim at bilugan nitong boses. It's too dark and manly at the same time. Bagay na bagay iyon sa malamig nitong mga mata.

"You just lost someone important to you. It was your lover, no less. But you never shed tears for him."

"At paano mo naman nalamang hindi ako umiyak? Nakita mo ba ako?" Takang tanong ko rito.

Ngunit sa halip na sagutin ay iniba nito ang usapan. "If you're thinking about running away again, then you better stop it. Because wherever you go, O will always find you."

Hindi na ako nakasagot rito ng pagtingin ko rito'y naglaho na ito sa likod ko. Hindi na iyon nakakagulat. Kung nagagawa kasi nitong lumitaw ng hindi ko namamalayan, kaya rin nitong umalis ng walang kahit anong ingay.

"I'm not going anywhere. Hangga't hindi pa nagigising si Orrest, mananatili ako rito. Dahil sisiguruhin kong ako ang puputol ng hininga niya." Saad ko sa sarili.

Isa iyon sa mga napagdesisyunan ko habang nakakulong ako sa kwarto. Kung mamatay na rin lang naman kasi ako, sisiguruhin ko munang mapaghihiganti ko ang pagkamatay nila Tyson.

Maybe that's why I never cried. Dahil sa halip na magluksa ay mas nangingibabaw ang pagisisi ko rito. Ang pagsisising hindi ko man lang sila nagawang tulungan.

Kaya ipinangako ko sa sarili ko na hangga't nabubuhay pa si Orrest, hindi ako mamamatay. Hangga't humihinga pa siya, hindi titigil ang pagtibok ng puso ko.

Mamamatay lamang ako kapag napatay ko na rin siya. Dahil makukuha ko lamang ang hustisya kapag nasa ilalim na ito ng lupa at hindi na humihinga.

Ngunit kailangan ko munang isipin kung paano ko iyon gagawin. Dahil kahit asawa ako ni Orrest siguradong pinababantayan pa rin nito ang bawat galaw ko sa mga tauhan nito. Lalo na kay Rouge.

Mahirap makalapit sa lalaki kapag maraming nagbabantay rito. Magagawa ko lamang ang plano kapag nasiguro kong kami lamang dalawa ang magkasama.

Ngunit bago iyon, kailangan ko munang matutong lumaban. At iisang tao lamang ang naiisip kong makakatulong sa akin pagdating sa bagay na iyon.

Trapped To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon