01| Chandra

5.8K 74 35
                                    

01| Chandra




MALAMIG ang simoy ng hangin ng gabing iyon habang binabaybay ko ang daan pauwi ng bahay. Kagagaling ko lamang sa Club kung saan ako nagtatrabaho. Siguro'y dalawang linggo pa lamang ang nakakalipas ng mapagdesisyunan kong mag-apply bilang performer sa lugar. Dahil mahirap ang buhay ay napilitan akong pasukin ang ganoong klase ng trabaho.

Dalawa na lamang kasi kaming magkasama sa buhay kaya ako na lang ang mag-isang tumataguyod sa kapatid kong kinakaya kong patapusin ng pag-aaral. Gusto kong kahit sa aming dalawa ay ito ang makapagtapos para naman magkaroon ito ng marangal na trabaho hindi tulad ko. Ayokong maging ganito ang kahinatnan niya na tulad nga ng sabi ng iba ay isang mababa lamang ang lipad. Ngunit kahit ano pang tawag sa akin ay hindi na ako naaapektuhan pa. Marami na akong pinagdaanan para isiping tumigil pa. Hindi ang katulad ko na si Chandra Rovero ang madaling sumuko. Pinalaki kaming lumalaban.

Napahinto ako sa paglalakad ng sa 'di kalayuan, sa eskinita ay may matanaw akong anim na kalalakihan na abala sa pagbugbog sa isang lalaki na sa tingin ko'y wala ng malay.

Gusto ko man itong tulungan ay alam kong gulo lamang ang dulot niyon sa'kin. At sa pagkakatong ito, hindi iyon ang kailangan ko. Saka halos normal naman iyon mangyari lalo na sa lugar namin.

Napa-sign of the cross na lamang ako nang lagpasan ko na ang mga ito. Bago umuwi ay dumaan ako sa grocery store para mamili. Nang matapos rin ay dumiretso na ako ng bahay. Ngunit bago pa man ako makapasok ay napatingin ako sa sapatos ni Ceth na nakabalandra sa pintuan. Napakunot-noo pa ako ng mapansin na maputik iyon. Kahit kasi luma na ang sapatos ng kapatid ay inaalagaan nito iyon. Maalaga ito sa lahat ng gamit nito. Hangga't napapakinabangan pa raw kasi ay ayaw pa niyang bumili ng bago. Ganyan katipid ang kapatid ko.

Nang makapasok ay napansin kong wala rin ito sala. Kadalasan kasi ay naaabutan ko itong nag-aaral doon lalo na kung umuuwi ako ng late. O kung 'di naman kaya ay nanonood ng tv, masiguro niya lang na nakauwi na ako ng maayos. Ganoon kasi ito, masyadong maalalahanin.

Pero hangga't maaari ay ayokong malaman nito ang ginagawa ko. O ang trabaho ko. Alam ko kasing madidismaya lamang ito kapag nalaman nitong hindi ko tinupad ang pangako rito. Sa lahat kasi ng pinakiusap nito'y iyon ang pinakaayaw nitong gawin ko, ang ibenta ang dignidad o dangal namin. Dahil kahit ganito lamang daw kami ay ang mahalaga meron kami niyon. Pero aanhin namin iyon kung wala naman kaming makain? Mamamatay kaming dilat kapag hinintay ko pang may dumating na himala.

Ilalapag ko na rin sana ang mga dalang plastic sa kusina ng kusang mahulog iyon sa mga kamay ko nang madatnan ang lalaking nakahandusay sa sahig. Maruming-marumi ang suot nitong uniporme. At kahit ang backpack nito'y punong-puno rin ng putik. Nang makahuma sa pagkagulat ay mabilis ko itong dinaluhan.

"Ceth! Diyos ko, anong nangyari sa'yo?!" Sinapo ko ang magkabilang pisngi nito at lalo pa akong napasinghap nang makita ang mga pasa sa mukha nito. "Sinong may gawa nito sa'yo?! Bakit ang dami mong sugat?!"

"Argh.." Nanghihina nitong pinalis ang palad ko sa pisngi nito at inabot ang backpack nito sa tabi. "A-ayos lang ako. Napagdiskitahan..lang ako ng mga bully sa eskwelahan."

"Bully?! Kailan pa?! Matagal na ba ito?! Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin! Pupunta ako bukas sa eskwelahan niyo at—" Natigil ako sa pagsasalita nang pinilit nitong tumayo yakap ang backpack nito. "Ceth, sandali, huwag kang gumalaw! Gagamutin muna kita!"

Narinig ko ang marahas na pagbuga nito ng hangin bago kumapit sa pader at doon kumuha ng lakas para makalakad. "Hindi na. Pahinga lang ang..k-kailangan ko at mawawala na rin..ito."

"Ano bang pinagsasasabi mo?! Hayaan mo munang tignan kita!" Saad ko na hinawakan ito sa braso pero parang napapaso nitong iwinaksi ang kamay ko.

"Sabi ko huwag na!" Asik nito ngunit agad rin itong napadaing nang siguro'y makaramdam ng sakit sa katawan. "Shit."

Trapped To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon