22| The Decision

1.5K 39 21
                                    

22| The Decision




"WHERE have you been, little bird?"

Mula sa pinaglalaruang pagkain ay napunta ang atensyon ko kay Tyson na ngayo'y katabi ko sa dining room. Kami lamang dalawa ang narito dahil kinailangan na ni kuya Maurize na bumalik sa pagtatrabaho. Matapos nitong mawala ng ilang linggo dahil sa ginawang search operation para kay Ceth ay panigurado akong marami itong nabinbin na trabaho.

Kahit pa sabihin nitong may iniwan naman itong magmamanage doon ay alam kong dobleng oras ang kakailanganin nito matapos lang ang mga gagawin.

Kaya naman kahit papaano'y nagpapasalamat ako sa panahon na iniukol nito makatulong lang sa paghahanap sa kapatid. Kahit pa ang kapalit niyon ay mapabayaan nito ng ilang araw ang sarili nitong kompanya.

"Nay Celeste told me that you left this afternoon." Tukoy nito sa matandang kinuha nito para mag-alaga at magbantay sa akin.

Mabait si Nay Celeste kaya madali itong makausap at makagaanan ng loob. Sa katunayan parang ina na ang turing ko rito dahil sa pag-aalaga na binibigay nito sa akin. Kahit kailan man kasi'y hindi ko naranasan alagaan ng ganun kahit pa noong nabubuhay pa ang mga magulang namin. Kahit papaano nakatulong itong hindi ako mamatay sa pagkaboryo sa bahay.

"Where did you go?" Muling tanong ng lalaki nang hindi ako nagsalita.

"Nagpalamig lang," walang gana kong tugon na ibinalik ang atensyon sa platong nasa harapan.

Pagsisinungaling man ang ginagawa'y hindi ako nakakaramdam ng konsensiya. Dahil hangga't maaari ayokong may malaman ito. Walang dahilan para makilala nito si V. Labas si Tyson sa ginagawa ko ngayon. Sa totoo niyan, dapat matagal ko na itong ginawa. Kapatid ko si Ceth kaya ako dapat ang unang naghanap ng paraan para matagpuan ito.

"And you didn't bother asking me?"

Hindi ko napigilang magsalubong ang dalawang kilay sa narinig. Pero sa halip na makipag-argumento ay pinili ko na lamang magsalita ng mahinahon.

"Hindi ko na naisipang tawagan ka pa."

"Really? You'll just have to get your phone and call me, little bird. Anong mahirap gawin do'n?"

Marahas akong napabuga ng hangin. "Tyson, pagod ako ngayon. Wala akong ganang aruin ka kaya pwede ba huwag mo ng umpisahan—"

"I'm just asking—"

"Which you've been doing everytime na mawawala ako sa tabi mo ng walang paalam!" Medyo napataas ang boses ko ng sinabi iyon. Pero mukhang hindi naman nito iyon napansin dahil mas inintindi pa rin nito ang sariling galit.

"Because I'm just worried about you! Mali bang mag-alala para sa'yo?!"

"But you're too much! Sa tingin mo ba hindi nakakasakal itong ginagawa mo?" Balik kong tanong sa kanya. "Hindi ako magkukulong na lang dito sa bahay buong maghapon kung iyon ang inaakala mo!"

"Hindi kita ikinukulong! Pinoprotektahan ka lang namin! Bakit ba napakahirap mo iyong maintindihan?!" Asik nito na pabagsak pang binitiwan ang mga kubyertos nito. "Hangga't hindi pa nahuhuli at nahahanap ang may gawa nito sainyo, mananatili ka lang dito sa bahay! And that's final!"

"No! You don't get to decide what I need to do, Tyson! Not anymore!" Tumayo na ako para sana tumungo sa kwarto ngunit bago pa man ako makahakbang ay mahigpit na nitong nahawakan ang braso ko para paharapin sa kanya.

"Just for once, little bird, can you think about me?! It feels like you don't even care that I am here! That I am still here! Maybe you lost Ceth, but not me!"

Trapped To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon