04| Yes or No

3K 65 48
                                    

04| Yes or No




HINDI ako mapakali na hinihintay ang pagbaba ng kapatid ng umagang iyon. Ngayon ko siya balak tanungin tungkol sa nangyari kagabi. Nadatnan ko na kasi siyang natutulog kaya hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap siya. Hindi niya ulit ako hinintay tulad ng ginagawa niya dati.

Sigh. Tatlong araw na niya akong hindi kinakausap ng maayos. At kung nagkakausap man kami'y tipid lamang ang mga sinasagot nito. Kailan kaya huhupa ang tampo at galit nito sa'kin?

Inabot ko ang kapeng tinimpla at saka sumimsim doon. Pero agad rin akong napaangat ng tingin nang marinig ko na ang mga yabag nitong pababa ng hagdan.

Tumayo ako at sinalubong ito sa ibaba ng hagdanan pero nilampasan lang niya ako at tinungo ang sofa.

"Ceth, sandali. Pwede bang mag-usap muna tayo?" Saad ko na pinanonood itong magsuot ng sapatos. Bago na iyon. Mukhang nakabili na ito. Mabuti naman.

Pero sa halip na sagutin ay inignora lamang niya ako na animo wala itong narinig. Akma na rin sana itong lalabas ng bahay nang mabilis kong hinuli ang braso nito.

"Ceth, please. Ano bang kailangan kong gawin para kausapin mo ulit ako?"

Saglit itong nanahimik pagkuwan ay nilingon ako. "Mag-quit ka sa club. Kapag ginawa mo iyon ay kakausapin na ulit kita. Pero hangga't naroroon ka'y huwag kang umasa na magiging maayos pa ulit tayo."

"Ceth.." wika ko na lamang ng tuluyan na niya akong talikuran.

Ang sakit lang pagmasdan ang likod nitong papalayo. Ang malamig nitong tinig na iniwan nito na para bang hindi ito ang kapatid ko. Hindi ako sanay na ganito ito.

Napaupo ako sa sofa. Alam kong mali ang ginawa ko. Binali ko ang pangako sa kanya. Pero akala ko siya rin ang unang makakaunawa kung bakit ko ito ginawa. Na maiintindihan niya rin ako kapag pinaliwanag ko sa kanya. Pero sa halip siya pa ang unang tumalikod sa akin.

* * *

"I especially asked for you so you could join me here tonight. But it looks like I'm the only one who's happy to see you."

Napatingin ako sa lalaking nakaupo ngayon sa single couch at nakangiti ng maluwang. Narito kasi kami sa isa sa mga VIP room ng club. Nirequest niya ako ka'y Beauty kaya naman dali-dali akong pumunta dito sa lugar. At tulad ng unang pagkikita ay pareho kaming may suot na maskara.

"I'm sorry, Tyson. May iniisip lang kasi ako."

"Well, obviously. But I hope it's not another guy 'coz I'll be brokenhearted if it is," pagbibiro nito na ikinangiti ko. Naisip ko tuloy na tuksuhin rin ito.

"How'd you know it was a guy?"

Nawala ang ngiti sa mga labi nito pero nanatili ang kislap sa mga mata nito. "Don't you tease me, little bird. You don't want to see me get jealous."

Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng kiliti ng marinig iyon. Ngunit hindi ko iyon pinahalata. Baka lalo lamang niya akong tuksuhin. "Oh? So you get jealous?"

"Yeah? Sometimes."

"Sometimes, huh." Wika ko na tinungo ang isa pang couch doon na katabi lang nito at nangalumbaba itong nginitian. "Parang gusto ko tuloy makita."

Sa halip na sagutin ay tinitigan niya lang ako. At inaamin ko, bumilis ang tibok ng puso ko sa klase ng pagtitig niya. Lalo pa ng dahan-dahan itong tumayo at naglakad palapit sa akin.

"A-anong ginagawa mo?"

Hindi pinuputol ang tingin na yumukod siya at inilagay ang parehong kamay sa magkabilang armrest na inuupuan ko. Pagkuwan ay inilapit niya ang mukha sa akin saka nagsalita.

Trapped To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon