17| Ice cream

1.6K 44 22
                                    

WARNING: Contains Mature Content ahead. R18+

17| Ice cream




"HINDI ako mananatili rito na kaharap ang isang lalaking wala akong ideya kung sino."

Gusto kong bawiin ang sinabi pero nang makita kong wala pa rin itong imik ay gagawin ko lamang tanga ang sarili. Kaya naman tatalikuran ko na sana ito ng marinig ko na ang boses nito.

"You're right. You don't have any idea about me. So just leave my past alone. You've got nothing to do with it."

Parang piniga mismo ng mariin ang puso ko nang marinig ang sinabi nito. Gusto kong maghintay na bawiin nito iyon. Na sabihin nitong hindi iyon totoo. Pero ang kawalan ng ekspresyon nito ay patunay na wala itong pakialam kahit nasaktan pa niya ako.

Ganito ba talaga kasakit para rito ang nakaraan para baliwalain nito ang nararamdaman ko?

"The first time I accepted you, is the moment I've accepted everything about you. And part of it was your past. It was easy for me to do it. But why can't you?"

"I never asked anything from you, little bird. So you don't need to worry about this things. Because you can't help me."

Sa halip na masaktan muli ay napatango na lang ako sa sinabi nito. "Then, maybe, Tyson..we should have never been together. Coz you're right, I am not the girl who can help you and make things right about your past. All I can do is be there for you and make those unpleasant things disappear. But I guess, you don't even need it. Or me."

Pagkasabi ko niyon ay mabilis ko na itong tinalikuran. Hindi ko na kinuha ang dalang bag dahil ang naiisip ko lang ngayon ay ang makaalis rito. Makatakas sa mundo nito. Gusto kong maluha, humagulhol pero hindi sa harap nito. Ayokong ipakita kung gaano ako nito nasaktan. Ngunit bago ko pa man maabot ang pinto'y namalayan ko na lang ang sariling buhat-buhat na ng lalaki sa balikat nito.

Nagulat man ay pinaghahampas ko pa rin ang likod nito. "Tyson! Ibaba mo ako! Ano ba?! Hayaan mo na akong umalis!"

Hindi niya ako pinakinggan. Bagkus ay ibinaba niya lang ako sa carpet na nasa living room nila. Tatayo pa sana ako nang mabilis na ako nitong daganan.

"Tyson!" Sigaw ko sa lalaki na inilapat ang mga palad ko sa matitipuno nitong dibdib para alalayan ang bigat nito. "Ano bang ginagawa mo?!"

Sa halip na muling sagutin ay inabot lang nito ang bowl ng ice cream sa lamesita. Nagtataka ako kung anong gagawin nito doon nang makita ko na lang na ibinuhos nito iyon sa buong katawan ko. Simula sa pisngi, leeg, sa gitna ng pareho kong dibdib hanggang sa tuhod ko. Wala akong nagawa kung hindi ang mapasinghap nang maramdaman ang lamig niyon.

"Ba..Bakit mo— Nababaliw ka na ba talaga?!"

"Where do you think you're going?" Mababalang tanong nito na inignora ang sinabi ko.

"Uuwi! Sa tingin mo mananatili ako rito habang ganyan ka?!" Asik ko rito na malakas pinalo ang balikat nito ngunit tulad ng inaasahan ay hindi man lang ito natinag. Sa halip pinalalim pa nito ang tinig.

"You're not leaving me."

"At sino ka para sabihin iyan sa'kin?! Hindi mo naman ako kailangan, diba?! Dahil sabi mo," dinuro ko ng malakas ang dibdib niya habang nagsasalita, "hindi naman ako 'yong babaeng matutulungan ka! Dahil sabi mo," muling duro ko sa kanya, "dapat hindi ko na kailangang mag-alala sa'yo! I've got nothing to do with this, diba?! Kaya hayaan mo na akong umalis habang may natitira pang dignidad sa akin! Habang kaya ko pang tanggapin ang pagkakamali ko na minahal kita!"

Trapped To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon